03/05/2024
Nananawagan po tayo kay Pres. Marcos na isuspend muli ang duterte-era jeepney phaseout. Ito ay hindi lang for humanitarian reasons sa mga drivers at operators na di kayang magbayad ng monthly amortization ng mga modern jeepneys, kundi para rin sa mga milyong commuters na mahihirapang magcommute dahil magkukulang ang mga public transport sa kalye, at eventually, sila ang mag-aabsorb ng matinding pagtaas ng pamasahe para lang sa mga papalit na modern jeepneys.