30/07/2026
July 30
Day 19
Validation Day/ Project Lawa at Binhi
Dumating na ang araw na aming pinakahihintay - Ang Validation Day na aming aming Project Lawa at Binhi.Matapos Ang 16 na araw na walang sawang paglilinang, pagtatanim, pagdidilig, paglilinis at sama-samang pagtutulungan, buong puso naming ipinagmamalaki Ang bunga Ng aming sipag,tiyaga at pagkakaisa.
Higit sa lahat taos - puso kaming nagpapasalamat sa ating Panginoong Diyos sa patuloy na paggabay at pagbibigay sa Amin Ng lakas at mabuting kalusugan sa bawat araw Ng aming Gawain.
Maraming salamat din sa mga kinatawan Ng ibat - ibang ahensa Ng ating Pamahalaan na bumuo at nakaisip Ng proyektong ito, at nagsagawa Ng validation at nagbigay Ng kanilang gabay at suporta simula Ng aming Day 1 Hanggang Ngayon.
*DSWD- CALABARZON
*PGENRO
*MSWDO ROSARIO
*AGRICULTURE ROSARIO
*MENRO ROSARIO
Lubos din Ang aming pasasalamat sa mga sumusunod na laging nakagabay sa Amin, Mam Zeny Marasigan, Mam Jane Latag, Mam Cynthia Cabillo, sa aming masipag na Punongbarangay Kgg Fernando Guste Zulueta,sa Amin konsehal Herman Dio at Arman Andan at sa aming Secretary Ate Gene Magalona na laging naka suporta sa Amin, at sa ating butihing Punongbayan Kgg. Leovigildo Morpe.
Maraming salamat Po sa Inyo.
Isang natatanging pasasalamat din Kay Gng. Imelda Gozos at sa kanyang pamilya sa kanilang kabutihang-loob na ipahiram Ang lupang naging tahanan Ng aming vegetable garden. Dahil sa inyong tiwala at malasakit naging posible Ang proyektong ito.
Ang Project Lawa at Binhi ay Hindi lamang tungkol sa pagtatanim Ng gulay- ito ay tungkol sa PAG-ASA, PAGKAKAISA AT MALASAKIT sa kalikasan at komunidad
Maraming salamat sa lahat Ng nakasama namin sa aming paglalakbay. Sama-sama nating ipagpatuloy Ang paglinang Ng mas luntiang kinabukasan para sa Barangay Itlugan.
Lawa at binhi
Ng pagkakaisa