16/07/2025
Mapagpalang araw po sa lahat!
Isang panawagan po sa lahat ng senior citizens ng Barangay Namunga.... mangyari lang pong mag submit kayo ng kopya ng inyong National ID dahil ito po ay hinihingi sa lahat ng senior citizens para maitala sa inyong personal record ng NCSC. Sa mga wala na pong kakayahang pisikal na makakuha ng National ID ay p**i abisuhan lamang po kami ng tungkol dito. Maaari nyo pong i-submit ang inyong Xerox copy sa barangay hall o kaya ay ibigay ninyo sa inyong BHW kung iyon po ang mas madaling paraan sa inyo para maiabot sa amin.
Sa mga wala pa pong Philhealth ID ay mangyari lang pong mag apply na din po kayo kahit di pa naman po hinihingi para kung sakaling manghingi ang NCSC NG philhealth ID ay kumpleto na po kayo. Kapag sa Lipa po nag apply ay kaagad nakukuha ang ID. Kung kayo naman po ay rep na kukuha magdala lang po ng authorization letter pirmado ng senior citizen at kopya ng senior citizen ID na may 3 pirma or diit.
Maraming salamat po!