DepEd Tayo David P.Jimenez ES - Cavite

DepEd Tayo David P.Jimenez ES - Cavite School Mantra - "Sulong Dunong Tungo sa Matatag na Kinabukasan"

๐Ÿ“ข ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹ ๐‘๐„๐€๐ƒ๐ˆ๐๐„๐’๐’ ๐‚๐‡๐„๐‚๐Š | ๐ƒ๐๐‰๐„๐’ ๐‡๐€๐๐ƒ๐€ ๐๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Ž๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐Ž๐… ๐‚๐‹๐€๐’๐’๐„๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”โ€“๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ•Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng ...
07/06/2026

๐Ÿ“ข ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹ ๐‘๐„๐€๐ƒ๐ˆ๐๐„๐’๐’ ๐‚๐‡๐„๐‚๐Š | ๐ƒ๐๐‰๐„๐’ ๐‡๐€๐๐ƒ๐€ ๐๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Ž๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐Ž๐… ๐‚๐‹๐€๐’๐’๐„๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”โ€“๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ•
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng David P. Jimenez Elementary School sa aming Public Schools District Supervisor, Dr. Rolando B. Talon Jr., na sa kabila ng araw ng Linggo ay naglaan ng panahon upang bumisita at personal na masuri ang kahandaan ng aming paaralan para sa pagbubukas ng klase bukas.

Sa isinagawang pagbisita, tiningnan at sinuri ang kalagayan ng mga pasilidad, kalinisan ng kapaligiran, mga silid-aralan, gayundin ang mga kinakailangang dokumento at iba pang paghahandang administratibo upang matiyak ang maayos, ligtas, at organisadong pagsisimula ng Panuruang Taon 2026โ€“2027.

Lubos naming pinahahalagahan ang mga obserbasyon, mungkahi, at gabay na magsisilbing daan upang lalo pang mapabuti ang ating mga programa, pasilidad, at serbisyo. Makaaasa po kayo na ang lahat ng mga kinakailangan pang ayusin at pagandahin ay agad na bibigyang-pansin at maisasakatuparan upang higit pang maging handa ang ating paaralan para sa kapakanan at tagumpay ng bawat mag-aaral.

Sa tulong ng sama-samang pagkilos ng mga g**o, magulang, stakeholders, at buong komunidad, mananatiling matatag ang ating hangarin na makapagbigay ng ligtas, maayos, at makabuluhang kapaligiran para sa pagkatuto.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na paggabay at suporta sa aming paaralan.

Handang-handa na ang David P. Jimenez Elementary School para sa panibagong taon ng pagkatuto!





๐Ÿซโœจ HANDA NA PARA SA OPLAN BALIK ESKWELA 2026โ€“2027! โœจ๐ŸซMalugod naming ipinagmamalaki na ang lahat ng silid-aralan at mga p...
05/06/2026

๐Ÿซโœจ HANDA NA PARA SA OPLAN BALIK ESKWELA 2026โ€“2027! โœจ๐Ÿซ
Malugod naming ipinagmamalaki na ang lahat ng silid-aralan at mga pasilidad ng David P. Jimenez Elementary School ay handang-handa na para sa pagbubukas ng Panuruang Taon 2026โ€“2027! ๐Ÿ“š๐ŸŽ’

Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan, bayanihan, at malasakit ng aming mga g**o, magulang, alumni, mga stakeholder, lokal na pamahalaan, at iba pang mga indibidwal na naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta, naging malinis, ligtas, maayos, at kaaya-aya ang ating paaralan bilang tahanan ng pagkatuto ng bawat batang Jimenian. ๐Ÿงน๐Ÿชฃ๐ŸŒฟ

Ang bawat malinis na silid-aralan, maayos na pasilidad, at pinagyamang kapaligiran ay patunay na kapag nagkakaisa ang komunidad, mas nagiging handa ang paaralan sa pagtanggap at paghubog ng mga mag-aaral tungo sa matagumpay na pagkatuto.

Maraming maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng paghahandang ito. Sama-sama nating salubungin ang panibagong taon ng pag-aaral na puno ng PAG-ASA, INSPIRASYON, at TAGUMPAY! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›





๐Ÿ“ข PANAWAGAN SA BUONG KOMUNIDAD NG DAVID P. JIMENEZ ELEMENTARY SCHOOL! ๐Ÿ“ขMula sa ating masiglang Kick-off hanggang sa buon...
04/06/2026

๐Ÿ“ข PANAWAGAN SA BUONG KOMUNIDAD NG DAVID P. JIMENEZ ELEMENTARY SCHOOL! ๐Ÿ“ข

Mula sa ating masiglang Kick-off hanggang sa buong linggo ng pagkakaisa sa paglilinis at pagpapaganda ng ating paaralan, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong lahat! ๐Ÿงน
Ang inyong oras, lakas, at malasakit ang naging susi upang maihanda ang ating paaralan para sa ligtas at maayos na pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral. ๐Ÿซ๐Ÿ’ช

Inaanyayahan po namin ang lahat ng nakiisa at tumulongโ€”mga g**o, magulang, mag-aaral, alumni, at mga opisyal ng barangayโ€”na saksihan ang pagtatapos ng matagumpay na Brigada Eskwela 2026.

Tunghayan natin ang mga naging kaganapan, kilalanin ang natatanging kontribusyon ng bawat isa, at pormal na isara ang aktibidad na may ngiti at pagmamalaki, dahil ang David P. Jimenez Elementary School ay handa na sa pagbibigay ng isang malinis, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

๐Ÿ“ Kailan: Hunyo 5, 2026 | 9:00 AM
๐Ÿ“ Saan: DPJES Covered Court

Tara na at sama-sama nating ipagdiwang ang ating tagumpay! ๐ŸŽ‰



Lubos ang pasasalamat ng David P. Jimenez Elementary School sa Pamahalaang Bayan ng Rosario sa pamumuno nina Mayor Jose ...
03/06/2026

Lubos ang pasasalamat ng David P. Jimenez Elementary School sa Pamahalaang Bayan ng Rosario sa pamumuno nina Mayor Jose Voltaire V. Ricafrente at Vice Mayor Joanne Michelle โ€œBammโ€ B. Gonzales sa ipinagkaloob na mga pintura na malaking tulong sa patuloy na pagsasaayos at pagpapaganda ng aming paaralan para sa Brigada Eskwela 2026.

Hindi lamang nagbigay ng kulay sa aming mga pasilidad ang mga ipinagkaloob na pintura, kundi nagbigay rin ng inspirasyon upang lalo pang pagtibayin ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa para sa kapakanan ng aming mga mag-aaral.

Sa temang "Brigada Eskwela 2026: Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman," pinatutunayan na sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, paaralan, at komunidad, mas nagiging handa, ligtas, at kaaya-aya ang ating paaralan bilang tahanan ng pagkatuto.

Tunay ngang buhay ang adhikain ng "Bayang Rosario: Masaya, Tahimik at Maunlad," sapagkat sa bawat pagtulong at pakikiisa, mas napapabuti natin ang kapaligiran at kinabukasan ng bawat batang Rosarian lalo na ang mga batang Jimenians.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta sa edukasyon! ๐Ÿ’š๐Ÿซ



๐ŸŒž ARAL SUMMER REMEDIATION PROGRAM 2026 | CULMINATING ACTIVITY ๐ŸŽ“๐Ÿ‘๐Ÿ‘Sa pagtatapos ng 20 araw na makabuluhang pagkatuto, mat...
03/06/2026

๐ŸŒž ARAL SUMMER REMEDIATION PROGRAM 2026 | CULMINATING ACTIVITY ๐ŸŽ“๐Ÿ‘๐Ÿ‘
Sa pagtatapos ng 20 araw na makabuluhang pagkatuto, matagumpay na isinagawa ng David P. Jimenez Elementary School ang Culminating Activity ng ARAL (Academic Recovery and Accessible Learning) Summer Remediation Program kahapon Hunyo 2, 2026. ๐ŸŽ‰

Mula Mayo 6 hanggang Hunyo 2, masigasig na nakibahagi ang ating mga piling mag-aaral sa iba't ibang gawaing nakatuon sa pagpapalakas ng kanilang kasanayan sa pagbasa at pag-unawa.
Sa pamamagitan ng dedikasyon ng mga ARAL Tutors ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซ, suporta ng mga magulang ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ, at pagtutulungan ng buong paaralan ๐Ÿซ, nagkaroon ng pagkakataon ang ating mga mag-aaral na higit pang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagbasa.

๐Ÿ’š Taos-pusong pasasalamat sa ating mga ARAL Tutors sa kanilang pagtitiyaga, pagmamalasakit, at walang sawang paggabay sa ating mga mag-aaral. Ang inyong dedikasyon at kusang-loob na paglilingkod ay naging daan upang mas mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa at higit na mapalakas ang kumpiyansa ng ating mga mag-aaral sa pagkatuto.

๐Ÿ’š Lubos din ang aming pasasalamat sa ating mga magulang at tagapag-alaga sa kanilang pakikiisa at patuloy na suporta sa programa. ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ Sa kabila ng bakasyon, sinig**o ninyo ang regular na pagpasok at aktibong pakikilahok ng inyong mga anak sa loob ng 20 araw. Ang inyong kooperasyon at malasakit ay naging mahalagang salik sa tagumpay ng programang ito.

๐ŸŽ๐Ÿฅช Isang natatanging pasasalamat ang ipinaaabot ng David P. Jimenez Elementary School sa lahat ng aming mga donors at sponsors na buong pusong nagbahagi ng kanilang biyaya upang makapagkaloob ng masustansyang pagkain at inumin para sa ating mga mag-aaral sa loob ng 20 araw ng ARAL Summer Remediation Program. ๐Ÿ’•๐Ÿ™ Ang inyong kabutihang-loob ay hindi lamang nakatulong sa kanilang kalusugan at pangangailangan habang sila ay nasa paaralan, kundi nagsilbi ring inspirasyon upang sila ay patuloy na dumalo, matuto, at magsikap sa bawat araw ng programa. ๐Ÿฝ๏ธ๐Ÿฅ›

๐Ÿ’›๐Ÿ” Pasasalamat din po sa mababait na staff ng McDonald's sa kanilang pakikiisa at suporta sa aming programa. Ang inyong presensya at pakikibahagi ay nagdagdag ng saya at sigla sa aming pagdiriwang.
๐Ÿฅ๐ŸŽ‰ Maraming salamat din kay Birdie sa paghatid ng tuwa, kasiyahan, at mga ngiti sa aming mga mag-aaral, magulang, at mga g**o. Ang kanyang masiglang presensya ay naging isa sa mga pinakamasayang bahagi ng pagdiriwang at nag-iwan ng masasayang alaala sa puso ng aming mga Batang Jimenians. ๐Ÿ’š๐Ÿ“š๐ŸŽ‰
๐Ÿค๐Ÿซ๐Ÿ’š Ang matagumpay na pagpapatupad ng ARAL Summer Remediation Program ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, g**o, donors, sponsors, at ng buong komunidad, mas marami tayong mag-aaral na natutulungang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagbasa at mabigyan ng mas magandang pagkakataon para sa kanilang kinabukasan. ๐Ÿ“–๐ŸŽฏ

๐Ÿ’š Mula sa aming puso, maraming salamat sa inyong walang sawang suporta, malasakit, at paniniwala sa kakayahan ng bawat batang matuto at magtagumpay. ๐Ÿ™โค๏ธ

๐Ÿ“šโœจ Sama-sama nating patuloy na isulong ang dekalidad na edukasyon sa David P. Jimenez Elementary School at tiyaking walang batang maiiwan sa pagkatuto.

๐ŸŒŸ Para sa bawat Batang Jimenian, TULOY ANG PAGKATUTO, TULOY ANG PAG-ASA!




๐Ÿ’š๐Ÿค ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—š๐—”๐——๐—” ๐—˜๐—ฆ๐—ž๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ž๐—œ๐—–๐—ž-๐—ข๐—™๐—™ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐—  ๐Ÿค๐Ÿ’š๐—จ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐—ฑ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด-dama na ang ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”, ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—š๐—”๐—ก, at ๐—ฃ๐—”๐—š๐——...
01/06/2026

๐Ÿ’š๐Ÿค ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—š๐—”๐——๐—” ๐—˜๐—ฆ๐—ž๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ž๐—œ๐—–๐—ž-๐—ข๐—™๐—™ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐—  ๐Ÿค๐Ÿ’š
๐—จ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐—ฑ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด-dama na ang ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”, ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—š๐—”๐—ก, at ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—”๐——๐—”๐— ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก sa komunidad ng David P. Jimenez Elementary School! ๐Ÿ’š

Sa matagumpay na pagsasagawa ng ating Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, naglaan ng oras, lakas, at suporta upang maging maayos, malinis, ligtas, at handa ang ating paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto. ๐Ÿซ

Lubos po ang aming pasasalamat sa mga kinatawan ng iba't ibang Barangay Officials ng Wawa 1, Wawa 2, at Wawa 3; sa ating mga kapartner mula sa PNP at BFP; sa mga g**o at kawani ng DPJES; SELG Officers; Samahan ng 4Ps; Samahan ng Mangingisda; Eagles Response Team of Rosario; Philippine Guardians Brotherhood, Inc. โ€“ Wawa 3 Chapter; mga magulang, stakeholders, volunteers, at iba pang samahan at indibidwal na walang pag-aalinlangang tumugon sa panawagan ng Brigada Eskwela. ๐Ÿ™Œ

Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa Eagles Response Team of Rosario sa kanilang pakikiisa at pakikibahagi sa Pledge of Commitment bilang pagpapakita ng kanilang suporta at pangako sa pagsusulong ng ligtas, maayos, at dekalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral. ๐Ÿค๐Ÿ’š

Lubos din po ang aming pasasalamat sa LGU Rosario sa kanilang pakikiisa sa Brigada Eskwela Kick-Off Parade sa pamamagitan ng paglalaan ng ambulansya at barangay patrol na naging katuwang sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan ng programa. ๐Ÿš‘๐Ÿš“
Sa unang araw pa lamang ay tunay nang napakainit ng suportang inyong ipinamalas. Ang inyong presensya at pakikiisa ay patunay na ang edukasyon ay hindi lamang responsibilidad ng paaralan kundi ng buong komunidad. โค๏ธ

Tunay ngang buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa Brigada Eskwela 2026, kung saan nagkakaisa ang bawat isa para sa isang ligtas, maayos, at mas masayang paaralan para sa ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta. Sama-sama nating ipagpatuloy ang diwa ng bayanihan para sa kinabukasan ng bawat batang Jimenians! ๐Ÿ’š




๐Ÿ“ฃ PAANYAYA ๐Ÿ“ฃPara po sa lahat ng mga magulang ng aming mga mag-aaral ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ:Inaanyayahan po namin kayong dumalo sa gagan...
31/05/2026

๐Ÿ“ฃ PAANYAYA ๐Ÿ“ฃ

Para po sa lahat ng mga magulang ng aming mga mag-aaral ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ:

Inaanyayahan po namin kayong dumalo sa gaganaping Parentsโ€™ Orientation na gaganapin sa covered court ng David P. Jimenez Elementary School ๐Ÿซ sa mga petsang nakasaad sa ibaba ๐Ÿ“….

Huwag po ninyong palampasin ang pagkakataong ito, mga Ka-Jimenians , sapagkat mahalaga po ang inyong pagdalo upang lubos ninyong maunawaan ang mga mahahalagang impormasyon na tatalakayin, lalo na ang tungkol sa Guidelines on the Implementation of the 3-Term School Calendar at iba pang mga programa ng ating paaralan.

Inaasahan po namin ang inyong pagdalo. Kita-kits po. ๐Ÿ™๐Ÿ˜Š

๐Ÿ“ขโœจ TARA NA, MAKIBRIGADA NA! โœจ๐Ÿ“ขIsang mainit at mapagpalang pagbati sa ating buong komunidad!Ang David P. Jimenez Elementa...
31/05/2026

๐Ÿ“ขโœจ TARA NA, MAKIBRIGADA NA! โœจ๐Ÿ“ข
Isang mainit at mapagpalang pagbati sa ating buong komunidad!

Ang David P. Jimenez Elementary School ay buong pusong nag-aanyaya sa lahat ng ating mga stakeholders, partners, mga magulang, mga kasama sa 4Ps, mga Kapuso, mga Kapamilya, alumni, at iba pang katuwang sa edukasyon na makiisa sa ating BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF BUKAS NA JUNE 1!

๐Ÿค Sama-sama nating buhayin ang diwa ng bayanihan at pagtutulungan upang maihanda ang ating paaralan para sa ligtas, maayos, at masiglang pagbubukas ng klase. Ang bawat oras, talento, at suportang inyong maibabahagi ay mahalagang ambag sa paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa ating mga mag-aaral.

๐Ÿ—“๏ธ DETALYE NG AKTIBIDAD
๐Ÿ“ Assembly Place: David P. Jimenez Elementary School
โฐ Assembly Time: Bago mag-7:00 AM(Huwag mahuhuli, mga ka-Brigada!)
๐ŸŽ‰ Highlight: Isang Masigla at Masayang Parada!
๐Ÿ“Œ Ruta: Mula sa Paaralan โžก๏ธ Gate 4 โžก๏ธ pabalik sa Paaralan para sa opisyal na Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program

๐ŸŽ’ PAANO MAKATULONG AT MAKIISA?
โœ… Magbahagi ng Lakas at Oras
Makisama sa parada at tumulong sa paglilinis, pagkukumpuni, at pag-aayos ng ating mga silid-aralan at pasilidad.
โœ… Magbigay ng Donasyon
Bukas po ang ating paaralan sa mga donasyon tulad ng pintura, kagamitan sa paglilinis (walis, basahan, disinfectant), school supplies, at iba pang materyales na makatutulong sa ating mga mag-aaral.

๐Ÿ—ฃ๏ธ "Ako ay nakikiisa sa Brigada Eskwela 2026!"
Para sa mga katanungan at paglilinaw, maaari po kayong makipag-ugnayan kay:
๐Ÿ‘ค Ma. Cristina L. Flordeliza
๐Ÿ“Œ Brigada Eskwela Coordinator
๐Ÿ“ž 09064807423

๐Ÿ’™ Magkaisa. Makilahok. Makibahagi.
๐Ÿ“š Para sa bata, para sa paaralan, para sa bayan!

๐Ÿซ Malinis, maayos, at ligtas na paaralan... Sama-sama nating abutin!
๐ŸŽ‰ Kita-kits po tayo bukas, mga Ka-Brigada! ๐Ÿ‘‹





๐ŸŽ’โœ๏ธ๐Ÿ–๏ธ ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—จ๐—›๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” ๐Ÿ–๏ธโœ๏ธ๐ŸŽ’Lubos na nagpapasalamat ang David P. Jimenez Elementary School sa Bl...
30/05/2026

๐ŸŽ’โœ๏ธ๐Ÿ–๏ธ ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—จ๐—›๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” ๐Ÿ–๏ธโœ๏ธ๐ŸŽ’
Lubos na nagpapasalamat ang David P. Jimenez Elementary School sa Blue Diamond United Fellowship Eagles Club sa matagumpay na pagsasagawa ng kanilang Balik Eskwela Outreach Program na may temang โ€œFrom Eagles' Heart: A Gift of Love for Students,โ€ na ginanap ngayong araw sa Rosario Elementary School.

Sa pangunguna ni Sir Diomedes Vegino kasama ang ilang kasapi, 28 piling mag-aaral mula sa Baitang 2 at Baitang 3 ng David P. Jimenez Elementary School ang nabiyayaan ng mga school supplies na makatutulong sa kanilang pag-aaral at magsisilbing inspirasyon sa kanilang patuloy na pagsisikap na mag-aral, matuto, at maabot ang kanilang mga pangarap.

Taos-puso rin naming pinasasalamatan ang aming masipag at mapagkalingang Public Schools District Supervisor, si Sir Rolando B. Talon Jr., sa kanyang patuloy na suporta at pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng oportunidad at benepisyo sa ating mga mag-aaral. Ang kanyang dedikasyon sa kapakanan ng mga kabataan ay tunay na kahanga-hanga at nagbibigay-inspirasyon sa buong distrito.

Lubos din ang aming pasasalamat sa mga School Heads at mga g**o na nakiisa at dumalo sa nasabing programa. Ang inyong presensya at pakikiisa ay patunay ng sama-samang adhikain na mapabuti ang kalagayan at edukasyon ng bawat batang ating pinaglilingkuran.

Ang programang ito ay nagpapatunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan ng iba't ibang sektor ng komunidad, mas marami pa tayong buhay na mabibigyan ng pag-asa at inspirasyon.

Muli, maraming salamat sa Blue Diamond United Fellowship Eagles Club, kay Sir Diomedes Vegino, kay Sir Rolando B. Talon Jr., at sa lahat ng mga naging katuwang sa matagumpay na gawaing ito.
Nawa'y patuloy nating maipadama sa ating mga mag-aaral na sila ay mahalaga, sinusuportahan, at may komunidad na handang umalalay sa kanilang mga pangarap.

๐ŸŽ’โœ๏ธ Ang bawat tulong ay nagiging malaking hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng isang bata. ๐Ÿ–๏ธ๐Ÿ“’




Handog Kalusugan: Misyong Pagmamalasakit ng DPJES ๐Ÿฉบ๐Ÿ’™David P. Jimenez Elementary School successfully conducted a meaningf...
12/02/2026

Handog Kalusugan: Misyong Pagmamalasakit ng DPJES ๐Ÿฉบ๐Ÿ’™

David P. Jimenez Elementary School successfully conducted a meaningful Medical and Dental Mission organized by taga DPJES kami Organization, headed by the following administrators:
โ€ข Dra. Lucille F. Mercado
โ€ข Architect Nicolas M. Pangilinan
โ€ข Fe Copon
โ€ข Gigi C. Plan
โ€ข Ade Campano

This noble activity was made possible through collaboration with the following partners:
๐Ÿฉบ Medical Mission: Provincial Government of Cavite
๐Ÿ˜ Dental Mission: Provincial Government of Cavite
๐Ÿ“š Gift Giving (Books for Batang Jimenians): SF Lions Club
๐Ÿ‘“ Eyeglass Frames: SF Lions Club
๐Ÿ‘๏ธ Ophthalmic Services: Dra. Benjie Abueg and Company
๐Ÿค Wawa 1 BHW Staff headed by Liza H. De Castro

This initiative, in collaboration with SF Healthcare Providers Cyber Lions Club and the Cavite Provincial Government Office, truly embodied the spirit of service and compassion.
The entire David P. Jimenez Elementary School, under the leadership of our School Principal, Maโ€™am Danilyn G. Siwa, extends its deepest and sincerest gratitude to the administrators of the DPJES Kami Organization for spearheading this noble initiative. Their dedication, generosity, and commitment to service have made a significant impact on our learners, their families, and the entire Wawa community.
We truly appreciate their commitment to making this meaningful outreach possible for our school community.

Together, we continue to serve with compassion and commitment to build a healthier, stronger community. ๐Ÿ’™๐Ÿซโœจ


Address

DP. Jimenez Street Wawa I, Cavite
Rosario
4106

Telephone

+63464382822

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo David P.Jimenez ES - Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Tayo David P.Jimenez ES - Cavite:

Share