10/10/2026
๐ฆ๐ PARA SA KALIGTASAN AT KALUSUGAN NG ATING MGA BATANG JIMENIANS! ๐ซ
Taos-pusong nagpapasalamat ang David P. Jimenez Elementary School (DPJES) Family kay Mayor Jose โVoltaireโ V. Ricafrente Jr., Vice Mayor Michelle โBammโ Gonzales, lalo na sa mga kawani at pangkat na nagsagawa ng misting activity sa ating paaralan. Ang inyong suporta ay lubos naming pinahahalagahan. ๐๐๐
Ang inyong serbisyo at pakikiisa ay mahalagang tulong sa ating mga pagsisikap na makontrol ang mga lamok sa kapaligiran ng paaralan at mabawasan ang panganib ng mga sakit na maaaring maidulot ng mga ito, kabilang ang dengue.
Lubos naming pinahahalagahan ang inyong malasakit sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga Batang Jimenians at G**ong Jimenians. Ang ganitong mga hakbang ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at paaralan upang mapanatili ang isang malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa pagkatuto at paglilingkod. ๐ง๐ฆ๐ฉโ๐ซ๐
Patuloy tayong magkaisa sa pagpapanatili ng kalinisan, pag-aalis ng mga naipong tubig, at pagsugpo sa mga posibleng pamugaran ng lamok para sa kapakanan ng bawat isa.
Sama-sama para sa LIGTAS, MALINIS, at MAAYOS na paaralan para sa lahat ng Batang Jimenians! ๐๐ซ
๐
๐ซ
**ongJimenians ๐ฉโ๐ซ