09/07/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Alinsunod sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at bilang pag-iingat sa inaasahang masamang panahon dulot ng Enhanced Habagat na pinalalakas ng Bagyong "Inday," suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Padre Garcia, bukas, Hulyo 10, araw ng Biyernes.
Kaugnay nito, ang lahat ng mga paaralan sa munisipalidad ay magpapatupad ng Modular Distance Learning (MDL).
Pinapayuhan ang lahat na hangga't maaari ay manatili sa kani-kanilang mga tahanan, maging alerto, at isagawa ang mga kinakailangang paghahanda upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.
Stay safe, Garcianos!