22/02/2026
๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก | ๐ฏ๐ต๐ง๐ ๐๐ผ๐๐ป๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ป๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ผ๐ณ ๐ฆ๐๐ข (Part II)
Pormal na nagtapos noong Sabado, ika-21 ng Pebrero, ang selebrasyon ng ika-39 na Founding Anniversary ng South Breaker Organization (SBO) East na ginanap sa Purok Plaza.
Tampok sa programa ang pagpapakita ng talento at galing ng mga kabataan sa entablado, mula sa makukulit na indak at paggiling hanggang sa mga sayaw na nagbigay-buhay sa gabi. Ipinamalas ng mga batang bulilit ng purok ang kanilang husay at kumpiyansa, na umani ng palakpakan mula sa mga manonood.
Bukod sa mga pagtatanghal, ginawaran din ng pagkilala ang mga koponang nagtagumpay sa katatapos lamang na Basketball League ng SBO. Tinanghal na kampeon ang Team Olats, sinundan ng Chadong Team bilang 1st runner-up, Team Balot sa ikalawang puwesto, at Team Burdags sa ikatlo.
Kinilala rin ang mga natatanging manlalaro. Itinanghal bilang MVP 5 sina Ray Francis Quiming, Charles Andaya, Mark Dacoscos, Mark Roel Quiming, at Brian Calimlim. Nakuha ni Charles Andaya ang parangal bilang Seasonal MVP, habang kinilala si Ray Francis Quiming bilang Finals MVPโ patunay ng ipinamalas na husay, camaraderie, at sportsmanship ng mga atleta ng SBO.
Higit pang naging makulay ang gabi sa pagdaraos ng taunang patimpalak na โCrazy Dance,โ na nagsilbing bahagi ng Search for Mr. and Mrs. SBO, isang tradisyong patuloy na nagbibigay-sigla at aliw sa buong purok.
Sa kabuuan, naging makabuluhang pagtatapos ito ng isang selebrasyong nagbigay-diin sa pagkakaisa, talento, at diwa ng samahan sa loob ng 39 na taon ng SBO East.
โฆ
Words & Layout : Hon. Jan Russel M. Galope (SK Kagawad)