Romblon Pride Movement

Romblon Pride Movement Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Romblon Pride Movement, Community Organization, Romblon Province, Romblon.

• Organized the first-ever Pride event in the province of Romblon (established 2020).
• Serves as the Provincial Convenor for Pride PH, leading local LGBTQIA+ advocacy and initiatives.
• Represents the province as an active member of the Pride PH Council.

🌈 Nakikiisa ang Romblon Pride Movement sa paninindigan para sa pangangalaga ng ating kalikasan at sa panawagan ni Gov. T...
18/07/2026

🌈 Nakikiisa ang Romblon Pride Movement sa paninindigan para sa pangangalaga ng ating kalikasan at sa panawagan ni Gov. Trina Firmalo-Fabic na .

Ang laban para sa pagkakapantay-pantay ay kaakibat ng laban para sa karapatan ng mga komunidad sa isang ligtas, malusog, at napapanatiling kapaligiran. Naninindigan tayo para sa Sibuyan—para sa kalikasan, sa mga mamamayan nito, at sa kinabukasang nais nating ipamana sa susunod na henerasyon.

Pride is also protecting the places we call home. 🌿🏳️‍🌈

PAHAYAG

Ang naging pag-apruba ng Sangguniang Bayan ng San Fernando sa resolusyong nag-eendorso sa aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) ay isang seryosong usapin na nangangailangan ng masusing pagsusuri at agarang atensyon. Bagama’t ang naturang endorsement ay bahagi pa lamang ng mas malawak na proseso at hindi pa pinal na pag-apruba sa proyekto, ang ganitong usapin ay hindi nararapat na idaan sa padalos-dalos na pag-apruba. Ito ay dapat masusing pinag-aralan at binigyan ang mga mamamayan ng pagkakataon na mapakinggan.

Ang biodiversity at ecological significance ng Sibuyan ay likas na kayamanan na kapag nawala ay hindi na basta-bastang maibabalik. Ang tunay na kaunlaran ay hindi nasusukat lang sa dami ng mga proyektong naipatutupad, kundi sa kakayahan nating tiyakin na ang pag-unlad ay hindi isinasakripisyo ang kalikasan na siyang pinagmumulan ng buhay at kabuhayan ng ating mga mamamayan.

Nananatiling matatag ang ating paninindigan na ang pag-unlad ng Romblon ay dapat laging kaagapay ng pangangalaga sa ating kalikasan. Ang ating tanggapan ay aktibong makikipagtulungan sa mamamayan upang isulong ang mga pasyang inuuna ang pangmatagalang kapakanan ng bawat Romblomanon at ng mga susunod pang henerasyon.

Happy International Non-Binary Day mga mahal!
15/07/2026

Happy International Non-Binary Day mga mahal!

In case you didn’t know, today is exactly halfway between International Women’s Day and International Men’s Day.

01/07/2026
30/06/2026
🏳️‍🌈🏳️‍🌈🏳️‍🌈
30/06/2026

🏳️‍🌈🏳️‍🌈🏳️‍🌈

Romblon!!! Bahagi tayo ng BIGGEST PRIDE IN ASIA!!! 🥳🏳️‍🌈
30/06/2026

Romblon!!! Bahagi tayo ng BIGGEST PRIDE IN ASIA!!! 🥳🏳️‍🌈

MARAMING SALAMAT! WE MADE HISTORY NATIONWIDE! 🏳️‍🌈✊✨

​Grabe ang pasabog ng pagmamahal at paninindigan! Isang nag-aalab na pasasalamat sa lahat ng naki-rampa, naki-martsa, at naki-saya sa . Sabay-sabay nating ipinakita ang lakas ng pag-galaw nang sama-sama at patuloy na binigyang-buhay ang ating pambansang rampa! 🎪💖

​At syempre, isang malaking saludo sa lahat ng ating partner organizations na namuno ng kani-kanilang local Pride events sa iba't ibang panig ng Pilipinas.

​Umabot sa 300,000 ang naki-tindig sa U.P. Diliman! At mula Luzon, Visayas, hanggang Mindanao, sumabay ang iba't ibang rehiyon at lokal na pamayanan para sa kabuuang 561,000 nationwide sa ilalim ng ! 🗺️⚡

​Dahil sa inyong walang katulad na suporta at tapang, na-achieve natin ang biggest and baddest Pride event in Asia! 🌏🏆🔥

​Sa bawat sigaw para sa pantay na karapatan at sa bawat patak ng pawis habang umawra—para sa atin 'to, mga siszt! Mula sa QC hanggang sa mga probinsya at lungsod, kayo ang tunay na puso at lakas ng martsa.

Patuloy nating ipaglaban ang pag-ibig at pagkakapantay-pantay araw-araw!🫶🏳️‍⚧️🌈

30/06/2026
Romblon Pride Day 2026, Makulay na Ipinagdiwang sa Odiongan June 27, 2026 | Makulay na ipinagdiwang ang Romblon Pride Da...
30/06/2026

Romblon Pride Day 2026, Makulay na Ipinagdiwang sa Odiongan

June 27, 2026 | Makulay na ipinagdiwang ang Romblon Pride Day nitong Sabado, na dinaluhan ng mga miyembro at kaalyado ng LGBTQIA+ community mula sa iba't ibang bayan sa lalawigan ng Romblon.

Sa pagtutulungan ng Romblon Pride Movement, katuwang ang LGU Odiongan, isinagawa ang buong araw na selebrasyon na kinabibilangan ng mga educational talks, Pride March, at isang makulay na night event na tampok ang iba’t ibang performances bilang pagdiriwang ng pagkakapantay-pantay, pagkilala, at paggalang sa bawat isa.

Nagsimula ang programa sa Bulwagan ng Odiongan sa pamamagitan ng Pride Symposium, kung saan isinagawa ang serye ng mga educational discussions. Tinalakay ni G. JC De Guzman ang SOGIESC 101, habang ibinahagi naman ni G. Alvin Baniago ang HIV/AIDS 101. Nagbahagi rin si Bb. Chimbee Montojo ng mahalagang kaalaman tungkol sa Mental Health Awareness, samantalang ipinaliwanag ni Bb. Adhara Solano-Serra ang Gender-Affirming Hormone Therapy (GAHT) 101. Sa usaping legal, tinalakay ni Atty. Lance Vladimir Molino ang Safe Spaces Act 101, na nagbigay-linaw sa mga karapatan at proteksiyong ipinagkakaloob ng batas laban sa diskriminasyon at pang-aabuso.

Pagkahapon, isinagawa ang isang maikling programa sa Odiongan Public Plaza bilang panimula sa night event, kung saan naghatid ng mensahe ng pakikiisa sina Governor Trina Firmalo-Fabic at G. John Cary De Guzman, na kumatawan kay Odiongan Mayor Roger Q. Fodra Jr. Nakiisa rin sa programa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Odiongan na sina SB Jackiri Fernandez at SB Kaila Yap bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa adbokasiya ng Romblon Pride Movement. Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni G. De Guzman ang kahalagahan ng pagkilala at paggalang sa karapatan ng bawat isa, anuman ang kanilang Sexual Orientation, Gender Identity, at Gender Expression. Hinikayat din niya ang lahat na patuloy na isulong ang isang lipunang ligtas, inclusive, at malaya sa anumang uri ng diskriminasyon.

Matapos ang programa, isinagawa ang makulay na Pride March 2026, tampok ang Romblon Pride Solidarity Walk. Nakiisa rito ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community at mga allies mula sa iba’t ibang bayan ng probinsya, kabilang ang Odiongan, Looc, San Andres, San Agustin, at Santa Fe. Suot ang kani-kanilang creative at makukulay na outfits, nagmartsa sila paikot sa bayan ng Odiongan.

Pinangunahan ang 2026 Pride Month Activities ng Executive Committee ng Romblon Pride Movement sa pamumuno ng Chairperson at President nitong si G. John Aries Caringal Bejer, na siya ring kasalukuyang Provincial Convener ng Pride PH sa Romblon. Katuwang niya ang mga Municipal Convener ng bawat bayan, kasama ang buong organizing committee at mga volunteer mula sa iba’t ibang sektor.

Nagpaabot din ng buong-pusong pakikiisa at suporta ang pamunuan ng LGU Odiongan sa adbokasiya ng Romblon Pride Movement. Nagpasalamat din ang organisasyon sa lahat ng sponsor at katuwang na nagbigay ng suporta upang maging mas makulay, matagumpay, at makabuluhan ang pagdiriwang ng Romblon Pride Day ngayong taon.


Address

Romblon Province
Romblon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Romblon Pride Movement posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share