01/10/2025
YOUTH TREE PLANTING & CLEAN-UP DRIVE
โOne generation plants the trees; another gets the shade.โ โ Chinese proverb
Noong September 6, 2025, matagumpay na isinagawa ang Massive Youth Tree Planting at Clean-Up Drive sa Pamitinan Protected Landscape, Sitio Kayrupa, Brgy. San Rafael, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025 na naglalayong isulong ang malasakit ng kabataan sa kalikasan.
Naisakatuparan ito sa inisyatiba ng Lokal na Pamahalaan ng Montalban, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), katuwang ang Local Youth Development Office (LYDO) at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) na pinangangasiwaan nina LYDO Officer-in-Charge Beverly Caparas at Montalban MENRO Forester Emma Liwliwa Medina. Naging tagapagsalita rin sa aktibidad si DENR representative Shaina A. Raposa.
Dinaluhan ito ng mahigit 130 kabataan at volunteers. Kabilang sa mga lumahok ang mga SK officials mula sa ibaโt ibang barangay ng Montalban, gayundin ang Boy Scouts ng Tagumpay National High School, mga g**o mula sa Colegio de Montalban (CDM), Clean and Green, at iba pang mga boluntaryo.
Sa kabuuan, matagumpay na naitanim ang maraming punla ng fruit-bearing trees, native trees, at bamboo na magsisilbing dagdag-lungtian at proteksyon ng kalikasan. Mahigit sampung sako ng basura rin ang nakolekta bilang konkretong patunay ng pagtutulungan para sa kalinisan at pangangalaga ng kapaligiran.