20/10/2023
PLATAPORMA PARA SA KABATAAN, MULA SA KABATAAN
1. EDUKASYONG PARA SA LAHAT NG KABATAAN, MAS TUTUTUKAN
- continuity ng cash assistance at paghihimok na mag ALS o TESDA ang mga kabataang out of school youth.
2. ILALAPIT ANG MEDISINA AT NUTRISYONG KAILANGAN NG KABATAAN.
- Pharmacy o Botika on wheels para mailapit ang kailangang mga gamot ng kabataan.
3. MALINIS NA KAPALIGIRAN PARA SA MAS LIGTAS NA KABATAAN.
- Pagtuturo ng 3Rs, Paglalagay ng segregation bins, at paglilinis ng mga kanal na maaring maging sanhi ng sakit.
4. GENDER INCLUSIVITY PARA SA PROGRESIBONG BARANGAY.
- Pantay na karapatan ng babae, lalaki, at lalo na ang mga bahagi ng LGBTQIA+ community sa pamamagitan ng mga programang magpapakita ng pagkakapantay-pantay ng anumang kasarian.
5. IBIBIDA ANG SPORTS AT TALENTO NG KABATAANG BURGOSIANS
- Sports or talent clinic na lubos na makakulong sa mga kabataang nais ibida at hubugin ang kanilang talento.
6. PROGRAMA PARA SA SOCIAL PROTECTION AT PAGLABAN SA ILEGAL NA DROGA
- Wawakasan ang pagkalat ng ilegal na droga na sumisira sa buhay ng mga kabataan. Pagkakaroon ng seminar on parenting at core values formation.
7. PAGTULONG AT GABAY SA MGA PWD
- Occupational theraphy para sa mga PWD na libreng ibibigay ng mga community-based rehabilitation personnel.
8. LIVELIHOOD NG MGA KABATAANG NAIS KUMITA, TUTULUNGAN
- Iba't ibang livelihood programs na angkop sa kanilang talento at kanilang kakayanan.
9. GOOD GOVERNANCE NA MAY TUNAY NA SERBISYO AT MALASAKIT, AMING GAGAMPANAN
- transparency sa mga gastusin sa mga gagawin, ginagawa, at ginawang programa at aktibidad ng barangay.
10. KARAGDAGANG SEGURIDAD PARA SA MGA KABATAAN
- libreng self-defense training, self-defense kits, at karagdagang CCTV cameras sa iba't ibang bahagi ng barangay.