Alpha Phi Omega - Pi Iota Chapter

Alpha Phi Omega - Pi Iota Chapter Be one of the CHOSEN few, message us πŸ™‚

Official page of ΑΦΩ - πι

We develop leadership & promote friendship by executing & providing service to the University/College, Faculty, the Community, and the Nation as fully participating citizens.

New Year’s Greetings for 2026!The Pi Iota Chapter extends our warmest greetings as we welcome the year 2026.May the comi...
31/12/2025

New Year’s Greetings for 2026!

The Pi Iota Chapter extends our warmest greetings as we welcome the year 2026.

May the coming year bring renewed strength in leadership, deeper bonds of friendship, and continued dedication to service and excellence.

We look forward to another year of unity, purpose, and meaningful accomplishments.

Happy New Year Everyone! πŸ’™πŸ’›

From Alpha Phi Omega - Pi Iota Chapter Colegio De Montalban

16/12/2025
As we celebrate the 100th anniversary of Alpha Phi Omega, We, the Pi Iota Chapter, continue to live out the spirit of se...
16/12/2025

As we celebrate the 100th anniversary of Alpha Phi Omega, We, the Pi Iota Chapter, continue to live out the spirit of service to our alma mater, together with our residents, through a simple initiative: β€œπ™π™π™€π™€ π˜Ύπ™Šπ™π™π™€π™€ π˜Όπ™‰π˜Ώ π˜½π™π™€π˜Όπ˜Ώ π™π™Šπ™ π™Žπ™π™π˜Ώπ™€π™‰π™π™Ž.”

This initiative is more than just part of the celebration; it is our way of giving back and supporting the students and the school that have been integral to our journey. With every project we undertake and every helping hand we extend, we reinforce the true meaning of service.

As we commemorate 100 years of Alpha Phi Omega, we unite to build a legacy of compassion, unity, and continuous service.

𝟏𝟎𝟎 𝐘𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐟 π‹πžπšππžπ«π¬π‘π’π©. π…π«π’πžπ§ππ¬π‘π’π©. π’πžπ«π―π’πœπž. πŸ’›πŸ’™





16/12/2025

MALIGAYANG IKA-100 ANIBERSARYO, ALPHA PHI OMEGA!

Nakikiisa ang Pamahalaang Lokal ng Rodriguez (Montalban) sa pagdiriwang ng ika-100 Taong Pagkakatatag ng Alpha Phi Omegaβ€”isang siglo ng makabuluhang paglilingkod, matatag na pamumuno, at tunay na diwa ng kapatiran.

Sa loob ng 100 taon, ang Alpha Phi Omega ay patuloy na naging katuwang ng pamahalaan at komunidad sa iba’t ibang gawaing panlipunan at bolunterismo, na nagsisilbing inspirasyon sa maraming Pilipino na maglingkod nang may integridad at malasakit sa kapwa.

Lubos naming kinikilala ang ambag ng samahang ito sa pagpapaunlad ng komunidad at sa pagtataguyod ng mga pagpapahalagang makatao.

Mabuhay ang diwa ng Leadership, Friendship, at Service.


Isandaang miyembro ng Alpha Phi Omega, tumakbo sa taunang Oblation Run sa UP Manila.Sa gitna ng lumalalang pangungulimba...
12/12/2025

Isandaang miyembro ng Alpha Phi Omega, tumakbo sa taunang Oblation Run sa UP Manila.

Sa gitna ng lumalalang pangungulimbat at pagkalunod ng bayan, ang bayan ay papalag at hindi kailanma'y matatahimik

Sa pagdiriwang ng Ika-100 Taon ng Alpha Phi Omega Fraternity, kaisa pa rin ng kapatiran ang mamamayang Pilipino sa pakikibaka para sa isang gobyernong tapat at walang bahid ng katiwalian. Sa sentenaryong ito, tangan namin ang apoy ng paglilingkod at paninindigan. Apoy na hindi kailanman kayang apulahin ng katiwalian, panlilinlang, at pang-aabuso ng mga makapangyarihan.

Ngayon Oblation Run 2025 na may temang β€œNilunod. Nilugmok. Ninakawan. Sigaw ng Bayan: Katarungan!”, muling iigting ang diwa ng paglaban; isang paalala na sa kabila ng paulit-ulit na pandarambong at kasinungalingan, nananatiling buhay at nag-aalab ang diwa ng bawat Pilipino.

Mula sa pasilyo ng eskwelahan hanggang sa harap ng Oblation na simbolo ng sakripisyo at tapang, ang pagtakbo ngayong taon ay patunay na ang kapatiran at tayong mga Pinoy ay hindi maduduwag, hindi uurong, at hindi matitinag.

Sigaw ng Bayan, Sigaw ng APOβ€”KATARUNGAN!

Oblation Run - Disyembre 12, 2025!

©️ and Shoot

OPISYAL NA PAHAYAG NG UP MANILA ALPHA PHI OMEGA FRATERNITY PARA SA OBLATION RUN 2025TAHASANG KINOKONDENA NG UP MANILA AL...
11/12/2025

OPISYAL NA PAHAYAG NG UP MANILA ALPHA PHI OMEGA FRATERNITY
PARA SA OBLATION RUN 2025

TAHASANG KINOKONDENA NG UP MANILA ALPHA PHI OMEGA FRATERNITY ANG TALAMAK NA KORAPSYONG LUMULUPIG AT SUMISIIL SA BAWAT PILIPINO. Bawat taon, bilyon-bilyong pondo ang nalilikom ng gobyerno mula sa buwis ng taumbayan para sa iba’t ibang serbisyo publiko, kabilang ang mga flood control infrastructure. Gayunpaman, sandamakmak na isyung korapsyon ang lumutang sa administrasyong Marcos-Duterte. Bilang Pilipinong mulat sa katotohanan, hindi na dapat natin ito palampasin.

LUBHANG NAKAGAGALIT NA ANG PONDO NG BAYAN AY NILALAAN HINDI SA SERBISYO PUBLIKO, KUNDI SA MAKAMUNDONG LUHO NG MGA PULITIKO. Kamakailan lang, 700 libong residente sa Cebu ang nalugmok sa baha dulot ng Bagyong Tino. Ngunit hindi Bagyong Tino ang may sala sa baha, kundi ang mga pulitikong gahaman. Marapat ding ipaalala ang kaso ng mga mandarayang Discaya na nagkomisyon ng Php 31 bilyon para sa mga maanomalyang flood control project. Maging ang UP Manila ay nadamay, dahil mismong ang kontraktor ng Rizal Hall sa Kolehiyo ng Agham at Sining ay ang mga Discayaβ€”at ang renovation nito ay usad-pagong mula pa noong 2019. Dahil dito, nananatiling nasa pansamantalang opisina ang mga departamento, walang tambayan ang mga organisasyon, at kulang pa rin ang mga silid-aralan para sa mga estudyante.

NAKIKIISA ANG BUONG KAPATIRAN NG UP MANILA ALPHA PHI OMEGA FRATERNITY SA PANAWAGANG WAKASAN ANG KORAPSYON AT IKULONG ANG MGA MANDARAMBONG. Ang pagsulong para sa gobyernong tapat at may pananagutan ay hindi dapat sukuan, sapagkat bawat pisong masasalba mula sa katiwalian ay hakbang tungo sa makabuluhang reporma sa bayan. Hindi natin dapat hayaang malubog ang mga kabahayan sa baha mula lamang sa ambon. Huwag nating hayaang magluksa ang mga pamilya dahil sa mga nasawi pagkatapos ng kalamidad. Higit sa lahat, huwag nating payagang malugmok sa kahirapan ang bayan habang nagpapakasasa sa yaman ang mga opisyal ng pamahalaan.

NGAYONG OBLATION RUN 2025, TAHASANG INIAALAY NG UP MANILA ALPHA PHI OMEGA FRATERNITY ANG HUBAD NITONG KATAWAN PARA IPROTESTA ANG HINDI MAKATARUNGANG PAGWALDAS SA KABAN NG BAYAN, PARTIKULAR SA MGA PROYETONG PANG-IMPRASTRAKTURA. Bilang isang bansa, tayo ay nagngingitngit, nagagalit, at nasasaktan sa bawat tanawing puno ng katiwalian sa ating paligid. Ibalik natin sa kahihiyan ang korapsyon. Sawa na tayo sa pandarambong at katiwaian, at ngayonβ€”higit kailanmanβ€”ay panahon para lumaban.

Ang Oblation Run ay isang taunang tradisyon ng Alpha Phi Omega (APO) UP Diliman chapter, kung saan tumatakbo nang hubo’t...
31/10/2025

Ang Oblation Run ay isang taunang tradisyon ng Alpha Phi Omega (APO) UP Diliman chapter, kung saan tumatakbo nang hubo’t hubad ang mga miyembro sa loob ng campus.

Nagsimula ito noong 1977 bilang protesta laban sa pagbabawal ng pelikulang β€œHubad na Bayani.” Higit pa sa isang gimik, naging plataporma ito para ipahayag ang saloobin ng mga kabataan sa mga isyu ng bayan.

Abangan ang pinakabagong dokumentaryo ni Howie Severino na β€˜Oble: Ang Hubad na Katotohanan’ ngayong Sabado sa , 10:15 PM sa GMA Network.

Photo courtesy: Alpha Phi Omega (APO), UP Diliman

Happy 20th Anniversary Alpha Phi Omega - Pi Delta πŸŽ‰βšœοΈCongratulations on 20 years of Leadership, Friendship and Service. ...
25/09/2025

Happy 20th Anniversary Alpha Phi Omega - Pi Delta πŸŽ‰βšœοΈ

Congratulations on 20 years of Leadership, Friendship and Service. A legacy of excellence and unity.πŸ’™πŸ’›

Today, on Su***de Prevention Day, we remember: reaching out can save a life. πŸ’™πŸ’›Alpha Phi Omega encourages everyone to ch...
10/09/2025

Today, on Su***de Prevention Day, we remember: reaching out can save a life. πŸ’™πŸ’›

Alpha Phi Omega encourages everyone to check in on one another, share kindness, and keep the light of hope alive. Together, let’s build a community where no one feels left behind.

***dePreventionDay

09/09/2025

Save The Date πŸƒ

Address

Kasiglahan Village
Rodriguez
1860

Telephone

+639662365477

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alpha Phi Omega - Pi Iota Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share