10/08/2023
β¨ ππ«π¨π£πππ ππ’ππ‘ππ²π β¨
Sa patuloy nating pagtutulungan ay muli na naman tayong nakapagbahagi ng munting pag-asa sa mga batang may pangarap.
Tayo po ay nakapagbigay ng munting inspirasyon at tulong materyal (Hygiene Kit, School Supplies at Snack Packs) sa 20 masisipag na mag- aaral ng San Mateo National High School nitong nakaraang Sabado, August 5, 2023.
Ang mga ngiti ng mga mag-aaral na ito ay di mababayarang lugod sa ating mga puso. Nawa'y marami pa tayong mga kabataang mapasaya at mabigyan ng pag-asa.
Lagi't lagi para sa kapurihan ng Diyos at pithaya ng mga kabataan. π