09/05/2025
BAKIT NGA BA SI Bradley Bacerdo Bajas ANG DAPAT NINYONG IBOTO SA KONSEHO?
Isang lider na may tunay na malasakit, may karanasan, at may konkretong nagawa para sa bayan.
Kwalipikado at may Malawak na Karanasan:
● Si Bradley "URAGON" Bajas ay nagtapos ng Bachelor in Elementary Education noong taong 2000 sa La Consolacion College- Daet at naglingkod bilang g**o sa Department of Education mula 2003 hanggang 2009. Isa siyang LICENSED PROFESSIONAL TEACHER (LPT) na ginamit ang kanyang propesyon upang maghatid ng kaalaman at pag-asa.
Lingkod-Bayan sa Loob ng 15 Taon:
● Noong taong 2009, pinili niyang pumasok sa serbisyo publiko bilang Jail Officer sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Sa loob ng 15 taon, ipinamalas niya ang disiplina, malasakit, at dedikasyon bilang tagapangalaga ng katarungan at pagbabago.
Ilan sa mga natatanging nagawa ni Sir Bradley "URAGON" Bajas:
● ALS Teacher sa Loob ng Kulungan – Hindi naging hadlang ang rehas para kay Sir Bradley Bajas na maghatid ng edukasyon. Bilang isang Alternative Learning System (ALS) Teacher, nakapagpatapos siya ng maraming bilanggo at nabigyan sila ng panibagong pag-asa at direksyon sa buhay.
● PTA Federation President ng Bayan ng Cainta (2018–Kasalukuyan) – Sa kanyang pamumuno, maraming programang pang-edukasyon at pangkabataan ang naisulong. Dahil sa kanyang husay at tiwala ng kapwa magulang, siya rin ay nahalal bilang PTA Vice President ng buong Lalawigan ng Rizal noong 2024 hanggang sa kasalukuyan.
● Tagapagtatag ng Batang Cainteños – Isang inisyatiba na nagbibigay tulong sa mga kabataang kapos sa kagamitan sa pag-aaral tulad ng school supplies, upang matiyak na walang batang maiiwan sa edukasyon.
● Presidente ng URAGON AKO – KITA BICOL – TARABANGAN INC. (2023–Kasalukuyan) – Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang organisasyong ito ay naging tulay ng maraming scholarship, educational assistance, gamot, at death assistance para sa mga nangangailangan. Si Sir Bradley Bajas ay hindi lamang tagapangulo ng organisasyon kundi aktibong tagapaghatid ng tulong sa bawat sulok ng Cainta.
Sa isang lider na subok na sa serbisyo, may puso para sa mamamayan, at may konkretong programa para sa kabataan at edukasyon.
Bradley Bacerdo Bajas ang karapat dapat sa inyong tiwala at boto para sa Konseho ng Cainta!
*mga gawad parangal ay hindi pa kabilang*