Kaya Natin Youth Rizal, Nueva Ecija

Kaya Natin Youth Rizal, Nueva Ecija Amplifying the voice of the Filipino youth in promoting good governance and inclusive leadership.

Ibinahagi ni Jay-Vee Flores, participant ng Lideratour: Rizal, kung paano mas pinatibay ng LIDERATOUR ang kanyang panini...
17/05/2026

Ibinahagi ni Jay-Vee Flores, participant ng Lideratour: Rizal, kung paano mas pinatibay ng LIDERATOUR ang kanyang paniniwala na ang kabataan ang pag-asa ng bayan at may mahalagang papel sa paghubog ng mas maayos na kinabukasan para sa komunidad. โœŠ

Para kay Jay-Vee, ang mga kabataan ay may kakayahang maging susunod na lider na handang maglingkod nang tapat at magsulong ng pagbabago laban sa mga maling sistemang matagal nang kinakaharap ng lipunan.

Sa kanyang naging karanasan sa LIDERATOUR, mas tumibay ang kanyang paninindigan na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa kabataang mulat, matapang, at handang kumilos para sa bayan.

๐˜š๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜ข! Tayong kabataan ang LIDERATO ng Aurora! ๐Ÿ”ฅ

๐Ÿ“… June 6, 2026
๐Ÿ”— Apply here: bit.ly/LideraTOURAurora2026




16/05/2026

ALAMIN ANG MGA IMPORMASYON SA PAGBOTO! ๐Ÿ—ณ๏ธ
Bisita na sa official page ng COMELEC para sa kumpletong detalye: requirements, proseso, at updates!

โณ Hanggang May 18, 2026 na lang ang registration!
Huwag magpahuliโ€”REGISTER NA at siguraduhing may boses ka sa kinabukasan!




16/05/2026

๐—™๐—ข๐—จ๐—ฅ ๐——๐—”๐—ฌ๐—ฆ ๐—Ÿ๐—˜๐—™๐—ง. ๐Ÿ—ณ๏ธ

Sa mga nangyayari sa bansa ngayon, mas lalong kailangan marinig ang boses ng kabataan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

4 DAYS LEFT before the last day of voter registration! ๐Ÿ—ณ๏ธ

Huwag nating sayangin ang pagkakataong pumili ng lider at kinabukasang deserve natin.

Kung 16 years old ka na for SK at 18 years old for national elections, tara na at magparehistro bago ang deadline sa MAY 18, 2026.

Hindi sapat ang magreklamo lang โ€” panahon na para makilahok.

We deserve better.





16/05/2026
๐—•๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—”๐— ๐—œ๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—›๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿด.  Ang One Nueva Ecija Coalition, na binubuo ng mga concerned youth groups mula sa Ik...
11/05/2026

๐—•๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—”๐— ๐—œ๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—›๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿด.

Ang One Nueva Ecija Coalition, na binubuo ng mga concerned youth groups mula sa Ikatlong Distrito at ibaโ€™t ibang bahagi ng Nueva Ecija, ay mariing tinatandaan ang boto ng ilang kinatawan ng Nueva Ecija laban sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Sara Duterte.

Sa halip na bigyang-daan ang proseso ng pananagutan at katotohanan, pinili nilang hadlangan ang pagkakataon para mailatag at masuri nang maayos ang mga seryosong alegasyon sa harap ng taumbayan. Ang impeachment trial ay hindi awtomatikong paghusgaโ€”ito ay isang demokratikong proseso upang mapanagot ang mga opisyal ng pamahalaan.

Hindi sapat ang pag-abstain sa panahon na kailangang manindigan para sa katotohanan at pananagutan. Ang kailangan ng mamamayan ay malinaw na suporta sa due process at pagboto ng YES para umusad ang impeachment trial.

Bilang mga kabataang naninindigan para sa transparency at mabuting pamamahala, malinaw naming sinasabi: bayan muna kaysa sarili, Congressman. Ang boto ninyo ngayon ay hindi malilimutan, at pananagutan ito ng kasaysayan at ng mamamayan.

10/05/2026

๐Ÿ“ข ๐˜พ๐˜ผ๐™‡๐™‡ ๐™๐™Š๐™ ๐˜ผ๐™‹๐™‹๐™‡๐™„๐˜พ๐˜ผ๐™‰๐™๐™Ž: Kabataan ng Aurora! LIDERATOUR na!

Ang ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—”๐˜‚๐—ฟ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ: ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป ay isang province-wide na programa na naglalayong hubugin ang kabataan ng Aurora bilang mga lider na may integridad, kakayahan, at may puso sa komunidad. Layunin nitong magbigay ng espasyo upang mapalakas ang kanilang kakayahan sa pamumuno, kamalayang sibiko, at aktibong pakikilahok at kolaborasyon sa Sangguniang Panlalawigan sa paghubog ng kanilang mga komunidadโ€”lalo na sa nalalapit na 2026 SK at Barangay Elections.

Sa pakikipagtulungan ng Office of the Vice Governor ng Aurora sa Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership at Kaya Natin Youth, binibigyang-diin ng programa ang partisipasyon ng kabataan sa pamamahala at inihahanda ang mga kabataang lider na makipagtulungan nang epektibo sa lokal at panlalawigang pamahalaan, habang pinapalakas ang kanilang kakayahan sa adbokasiya, servant leadership, at pananagutan sa serbisyo publiko.

๐˜š๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜ข! Tayong kabataan ang LIDERATO ng Aurora! ๐Ÿ”ฅ

๐Ÿ“… June 6, 2026
๐Ÿ”— Apply here: bit.ly/LideraTOURAurora2026




Women Leading Change ๐ŸŒธIn celebration of National Womenโ€™s Month, Mayor Trina Andres joined the opening program of Central...
06/03/2026

Women Leading Change ๐ŸŒธ

In celebration of National Womenโ€™s Month, Mayor Trina Andres joined the opening program of Central Luzon State Universityโ€™s annual Womenโ€™s Month celebration held at the University Auditorium on March 2. The program, led by the universityโ€™s Gender and Development (GAD) Office, gathered students and faculty members in recognizing the strength, leadership, and contributions of women in society.

As shared by Mayor Trina Andres, โ€œWomen lead differently and that is our strength.โ€ This message reminds us that womenโ€™s leadership brings compassion, resilience, and a unique perspective that continues to shape stronger communities.

May this celebration inspire more women and young leaders to rise, lead with purpose, and continue breaking barriers for the generations to come.


25/02/2026

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | Isang makabuluhang okasyon na sumasalamin sa sigla at pagkabayani ng kabataan!

Ang 2025 Philippine Youth Development Plan (PYDP) Festival: KABAYANI at LYDC Assembly ay nagbukas ng makulay na entablado para sa mga kabataang lider mula sa iba'tโ€‘ibang panig ng bansa. Sa okasyong ito, binigyang-pugay ang mga kabataang namumukodโ€‘tangi sa kanilang malasakit, paglilingkod, at pagbabagong hatid para sa komunidad.

Sa pagtitipong ito, nag-umapaw ang isang matinding inspirasyon, naglalantad ng malinaw na katotohanan na ang kabataan ay tunay na pag-asa ng bayan.

Sa pagdalo niya sa PYDP Festival, naghangad si SK Wendell S. Ancheta na makiisa sa layuning palakasin ang partisipasyon ng kabataan sa lokal na pamahalaan, itaguyod ang kabayanihan sa serbisyo publiko, at itulak ang mga programang magpapaunlad sa kabataang Pilipino.


25/02/2026
25/02/2026

๐™๐™ค๐™™๐™–๐™ฎ, ๐™ฌ๐™š ๐™˜๐™ค๐™ข๐™ข๐™š๐™ข๐™ค๐™ง๐™–๐™ฉ๐™š ๐™ฉ๐™๐™š 40๐™ฉ๐™ ๐˜ผ๐™ฃ๐™ฃ๐™ž๐™ซ๐™š๐™ง๐™จ๐™–๐™ง๐™ฎ ๐™ค๐™› ๐™ฉ๐™๐™š ๐™€๐˜ฟ๐™Ž๐˜ผ ๐™‹๐™š๐™ค๐™ฅ๐™ก๐™š ๐™‹๐™ค๐™ฌ๐™š๐™ง ๐™๐™š๐™ซ๐™ค๐™ก๐™ช๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ โ€” a historic moment when ordinary Filipinos stood together to restore democracy and prove that the power of the people is stronger than fear.
Forty years later, the spirit of EDSA lives on โ€” not only in our history books, but in our responsibility as citizens.

The fight for truth, accountability, and good governance did not end in 1986. It continues today in our classrooms, communities, and online spaces.
As the youth, we are not too young to care and never too small to act. We are called to be vigilant, to question injustice, and to reject corruption in all its forms. Our generation must carry forward the courage of those who marched on EDSA โ€” choosing integrity over convenience, transparency over secrecy, and service over self-interest.

๐„๐ƒ๐’๐€ ๐ซ๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐๐ฌ ๐ฎ๐ฌ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐๐ž๐ฆ๐จ๐œ๐ซ๐š๐œ๐ฒ ๐ญ๐ก๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ ๐ฐ๐ก๐ž๐ง ๐œ๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐ž๐ง๐ฌ ๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ญ๐ž, ๐ฌ๐ฉ๐ž๐š๐ค ๐ฎ๐ฉ, ๐š๐ง๐ ๐ก๐จ๐ฅ๐ ๐ฅ๐ž๐š๐๐ž๐ซ๐ฌ ๐š๐œ๐œ๐จ๐ฎ๐ง๐ญ๐š๐›๐ฅ๐ž. The future of our nation depends on a generation that refuses to be silent in the face of wrongdoing.

Forty years after People Power, may we continue to rise โ€” united, informed, and committed to building a Philippines rooted in honesty, justice, and genuine public service.

Address

Rizal

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kaya Natin Youth Rizal, Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share