13/07/2026
๐๐ฎ๐๐๐๐โฆ๐ฃ๐ข๐ช๐๐ฅ!
๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฐ๐๐ซ๐๐ ๐ญ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง. ๐๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐๐ ๐ญ๐จ ๐ฌ๐๐ซ๐ฏ๐. ๐๐๐๐๐ฒ ๐ญ๐จ ๐ฃ๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐๐ฒ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐จ๐ญ๐ก๐๐ซ๐ฌ.
Isang malaking biyaya para sa ating Parish Youth Ministry na maging bahagi ng 6-day Peer Facilitators Training Program ng UST Counseling and Career Center, kasama ang iba pang youth leaders mula sa iba't ibang parokya sa ating lungsod. Idinaos ito sa Arzobispo de Manila, Intramuros, sa pamamagitan ng Basic Training (June 26โ28) na may temang "Unleashing their SuPEERpowers" at Advanced Training (July 10โ12) na may temang "Boosting the SuPEERpowers"
Sa pagsasanay na ito, mas lalo naming naunawaan na ang pinakamakapangyarihang "superpower" ay hindi ang pagiging pinakamalakas o pagkakaroon ng lahat ng sagot. Ito ay ang tapang na makinig nang walang paghusga, ang pusong handang maglingkod nang may malasakit, at ang pagiging taong handang samahan ang iba sa kanilang paglalakbay. Dalangin naming maging mga kabataang nagbibigay ng pag-asa, nagtataguyod ng ligtas na espasyo, at nagiging kasamang naglalakad sa pananampalataya at buhay ng aming kapwa.
Lubos ang aming pasasalamat sa pagkakataong ito. Maraming salamat sa UST Counseling and Career Center, sa aming mga facilitators, kay Kuya Jhed, kay Fr. Jade, sa aming mga kapwa peer facilitators na naging bahagi ng aming pagkatuto at pagbabahaginan ng mga kwento, at sa lahat ng mga pari at parokyang aming nakasama. Ipinagmamalaki naming ipakilala ang mga kinatawan ng Quiapo Church: Jocelyn Potente, Gelianmae Cabatu-an, at Jerk San Jose. Patuloy nawa kaming maging mga instrumento ng pakikinig, pag-asa, at pagmamahal sa paglilingkod.
๐๐ฆ ๐ด๐ฐ๐ฎ๐ฆ๐ฐ๐ฏ๐ฆ'๐ด ๐ด๐ข๐ง๐ฆ ๐ด๐ฑ๐ข๐ค๐ฆ. ๐๐ฐ๐ฎ๐ฆ๐ต๐ช๐ฎ๐ฆ๐ด, ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐จ๐ณ๐ฆ๐ข๐ต๐ฆ๐ด๐ต ๐ฅ๐ช๐ง๐ง๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฏ๐ค๐ฆ ๐ธ๐ฆ ๐ค๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐ฃ๐ฆ๐จ๐ช๐ฏ๐ด ๐ธ๐ช๐ต๐ฉ ๐ด๐ช๐ฎ๐ฑ๐ญ๐บ ๐ฃ๐ฆ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ด๐ฆ๐ฏ๐ต.