16/08/2026
๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐ก๐จ ๐ฃ๐๐ช๐ฆ ๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ช ๐ก๐ ๐๐๐๐๐.
Noong gabi ng Lunes, Agosto 3, nakatanggap kami ng balita na isa sa ating mga campus cat na si Kahel ay nakitang nanghihina sa may Culture and Sports Building.
Nang malaman namin ang kanyang kalagayan, agad naming ipinakiusap sa aming volunteer na si Jenald na dalhin muna siya sa shelter upang makapagpahinga at makakain. Pagdating niya roon, nakakain naman siya nang kaunti, ngunit kapansin-pansing napakahina na niya. Doon din napansin na mayroon siyang malalim at may nanang sugat sa leeg.
Dahil dito, agad kaming naghanap ng volunteer na maaaring magdala sa kanya sa veterinary clinic. Bandang 7:00 PM na noon. Karamihan sa mga estudyante at officers ay nakauwi na, at hindi rin maaaring ihatid ni Jenald si Kahel dahil siya mismo ay may sakit.
Naghanap at nagpadala kami ng mensahe sa lahat ng aming group chats pati na rin sa aming FB page, ngunit walang sumasagot o nagpapaabot na maaari silang magboluntaryo. Mabuti na lamang at nagboluntaryo si Ate Jossaโisang kaklase at kaibigan ng ilan sa aming mga officers na naninirahan malapit sa unibersidadโupang dalhin si Kahel sa beterinaryo.
Habang binabantayan nina Ate Jossa at Jenald si Kahel, agad ding naghanap online ang mga officers ng malapit na clinic na bukas pa. Nakahanap kami ng isang 24-hour veterinary clinic. Nang makahanap kami, agad kaming nag-book ng JoyRide para sa kanila, ngunit inabot din ng ilang minuto bago ma-accept ang aming booking.
Mga 7:57 PM nang makasakay sila at nagtungo sa unang clinic sa Sta. Mesa. Ngunit pagkarating doon ay sarado na ito, kaya naman nag-book ulit ng panibagong biyahe papunta naman sa ibang vet sa Paco, Manila.
Makarating sila roon ng 8:47 PM at naghintay upang maasika*o si Kahel. 9:03 PM nang masuri siya ng beterinaryo, at sinabi sa amin na mayroon siyang sugat sa leeg na posibleng kagat ng a*o. Sinabi rin na kailangan niya ng gamutan at obserbasyon habang nagpapagaling.
Kasabay nito, nagsimula na rin kaming maghanap ng taong maaaring mag-foster kay Kahel habang siya ay nagpapagamot. May isang kapwa officer na handang mag-alaga sa kanya, ngunit hindi rin ito natuloy dahil walang sapat na espasyo sa kanilang bahay. Habang naghihintay, nakahiga lamang si Kahel sa isang p*e pad.
9:23 PM, hindi pa rin ganap na naasika*o si Kahelโkahit agarang paunang gamot ay hindi pa naibibigay. Nakatutok ang staff sa isa pang emergency patient, isang a*ong pumutok ang pantog. Dalawa lamang ang staff noon, isang doktor at ang kanyang assistant. Ilang beses na nilapitan ni Ate Jossa ang dalawa upang pakiusapang asikasuhin si Kahel dahil iba na ang paghinga nito at pahina na nang pahina. Iisa lamang ang doktor, ngunit kahit ang assistant ay hindi man lang muna napaunahan si Kahel, kahit man lang sa paglalagay ng oxygen.
9:49 PM nang kinakausap na ng doktor ang may-ari ng a*o. Ayon kay Ate Jossa, tila walang sense of urgency ang assistant dahil hindi pa rin agad inaasika*o si Kahel.
10:13 PM, habang naghahanda na sana ang mga officer na maghanap pa ng ibang foster, tumawag muli si Ate Jossa. Nanigas at nangisay si Kahel.
Agad siyang nilapitan ng doktor at sinubukang i-revive. Ngunit sa kasamaang-palad, hindi na siya naisalba. Wala na si Kahel.
Para sa amin, napakasakit ng sandaling iyon.
Nasa iba't ibang lugar kami noon at nakatutok lamang sa mga screen at umaasa sa mga tawag at video call. Habang nakikinig kami, alam naming may isang buhay na unti-unting nawawala, ngunit wala kaming magawa dahil wala kami sa mismong lugar.
Pagkatapos ng nangyari, kinausap namin ang beterinaryo at tinanong kung bakit hindi agad nabigyan si Kahel ng agarang supportive care habang naghihintay, lalo na't nakita nang mahina at may sugat ang pusa. Paulit-ulit na humingi ng tawad ang clinic at ipinaliwanag na mayroon din silang ibang kritikal na emergency na inaasika*o noong oras na iyon. Ipinaliwanag din sa amin na kailangan munang magkaroon ng mga diagnostic procedure tulad ng X-ray at blood tests bago maisagawa ang ilang uri ng gamutan.
Nauunawaan namin na may mga proseso at pamantayang kailangang sundin ang mga beterinaryo. Nauunawaan din namin na may isa pang emergency na kanilang inaasika*o at may kakulangan sa staff noong gabing iyon. Hindi rin namin masasabi nang may katiyakan kung ano ang eksaktong dahilan ng tuluyang paglala ng kondisyon ni Kahel.
Hindi namin inilalabas ang pahayag na ito upang magturo ng sisi. Hindi kami naroon mismo sa loob ng clinic at alam naming maaaring may mga medikal na konsiderasyon na hindi namin lubos na nauunawaan. Ngunit hindi rin namin maaaring balewalain ang nangyari.
Dahil sa lahat ng ito, naiwan sa amin ang isang napakahalagang tanong:
๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐บ๐ฐ๐ฑ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ด๐ข ๐ฌ๐ณ๐ช๐ต๐ช๐ฌ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐ฅ๐ช๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ข๐จ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ, ๐ด๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ข๐ด๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ? ๐๐ข๐ข๐ฏ ๐ด๐ช๐บ๐ข ๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ต๐ข? ๐๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ? ๐๐ต ๐ฑ๐ข๐ข๐ฏ๐ฐ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐ข, ๐ด๐ข๐ณ๐ข๐ฅ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ณ๐ข๐ฎ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ค๐ญ๐ช๐ฏ๐ช๐ค, ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ด๐ข๐ฌ๐บ๐ข๐ฏ, ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ท๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฃ๐ญ๐ฆ ๐ฏ๐ข ๐ท๐ฐ๐ญ๐ถ๐ฏ๐ต๐ฆ๐ฆ๐ณ, ๐ข๐ต ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐บ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฅ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ข๐จ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ฎ๐ถ๐ต๐ข๐ฏ?
Sa ka*o ni Kahel, ginawa namin ang aming makakaya sa mga oras na iyon. May taong nakakita sa kanya. May nagdala sa kanya. May naghanap ng bukas na clinic. May naghanap ng foster. May mga taong naghintay at patuloy na humingi ng tulong para sa kanya.
Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi pa rin naging sapat ang mga mayroon kami upang mailigtas siya. At dito namin mas nakita ang mas malaking problema, hindi dapat nakasalalay sa suwerte ang buhay ng isang hayop. Hindi dapat nakadepende ang pagkakataon niyang mabuhay sa kung may taong makakakita sa kanya. Hindi dapat nakadepende sa kung may volunteer na may sasakyan. Hindi dapat nakadepende sa kung may bukas na veterinary clinic. At lalong hindi dapat nakadepende sa kung may organisasyong may sapat na pera upang sagutin ang kanyang pangangailangan.
Ang animal welfare ay hindi lamang tungkol sa pagliligtas sa mga hayop kapag may oras at pagkakataon. Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng sistema.
Kailangan natin ng mas accessible na veterinary emergency services. Kailangan ng mas malinaw na emergency response para sa mga hayop na walang may-ari o tagapag-alaga. Kailangan ng mas maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan, veterinary professionals, animal welfare organizations, paaralan, at mga komunidad.
Kailangan din ng sapat na pasilidad at resources para sa mga hayop na nangangailangan ng agarang tulong pati na rin ng maayos at makataong pangangalaga sa mga hayop na hindi na nailigtas.
At higit sa lahat, kailangan nating baguhin ang pananaw na ang animal welfare ay isang bagay na maaaring ipagpaliban. Hindi dahil hayop sila ay mas mababa ang halaga ng kanilang buhay.
Si Kahel ay isang campus cat. Maaaring para sa iba, isa lamang siyang pusang palaging nakikita sa paligid. Pero para sa mga taong nagpakain, nag-abot ng tubig, nag-alaga, nag-monitor, at nakasanayang makakita sa kanya, si Kahel ay mahalagang bahagi ng aming komunidad.
Hindi na namin maibabalik ang buhay ni Kahel. Hindi na namin mababago ang nangyari noong gabing iyon, at hindi rin namin alam kung ano sana ang nangyari kung mas maaga siyang nabigyan ng ibang uri ng intervention. Ngunit maaari naming piliing huwag hayaang matapos sa lungkot lamang ang kanyang kuwento.
Matapos ang kanyang pagpanaw, kinailangan din naming harapin ang isa pang mahirap na sitwasyon. Hindi namin agad maiuwi si Kahel. Nanunuluyan sa isang condo si Ate Jossa at hindi niya maaaring dalhin doon ang labi ni Kahel. Hindi rin namin siya agad maibalik sa campus dahil gabi na at wala nang available na staff o kagamitan na maaaring tumulong sa maayos na paglilibing sa kanya.
Tinanong namin ang clinic kung maaari munang maiwan doon si Kahel, ngunit ipinaalam sa amin na wala silang freezer para sa mga labi ng hayop. Sa huli, ang mga may-ari ng isa pang a*ong nasa clinic noong gabing iyon ang nag-alok na sila na lamang ang maglilibing kay Kahel. Wala na kaming ibang agarang mapagpipilian kaya tinanggap namin ang kanilang tulong, sa hiling na mailibing si Kahel nang maayos at mabigyan kami ng patunay.
Nailibing si Kahel noong gabing iyon, at nakatanggap kami ng video bilang patunay.
Sa gitna ng lahat ng nangyari, nagpapasalamat kami sa lahat ng taong tumulong kay Kahel.
Ngunit higit sa pasasalamat, nais naming gamitin ang pangyayaring ito upang muling itanong:
๐๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข ๐ฃ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ด๐ต๐ฆ๐ฎ๐ข ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฉ๐ข๐บ๐ฐ๐ฑ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ? ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฉ๐ฆ๐ญ ๐ฑ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฐ๐ฏ ๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ฃ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐จ๐ถ๐ฎ๐ข๐ธ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฎ๐ข๐ข๐บ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ข ๐ด๐ช๐ด๐ต๐ฆ๐ฎ๐ข? ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐บ๐ฐ๐ฑ ๐ฑ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐จ๐ฑ๐ถ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐จ๐ช๐ญ๐ช๐ฅ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ญ๐ด๐ข๐ฅ๐ข, ๐ด๐ข ๐ฆ๐ด๐ฌ๐ช๐ฏ๐ช๐ต๐ข, ๐ด๐ข ๐ค๐ข๐ฎ๐ฑ๐ถ๐ด, ๐ฐ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ด๐ฆ๐ณ๐บ๐ฐ๐ด๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ช๐จ๐บ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ด๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฌ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ?
Hindi namin hinihingi na maging perpekto ang lahat. Ang hinihingi namin ay mas maayos na sistema at mas matibay na suporta mula sa ating mga institusyon at pamahalaan para sa animal welfare.
Naniniwala kami na ang responsibilidad sa kapakanan ng mga hayop ay hindi lamang dapat pasan ng iilang volunteer, rescuer, o animal welfare organization. Responsibilidad din ito ng buong komunidad at ng pamahalaan.
Nawa'y ang nangyari kay Kahel ay hindi lamang maging isa pang malungkot na kuwento. Nawa'y magsilbi itong paalala, panawagan, at dahilan upang mas pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan at komunidad ang animal welfare sa bansa.
Ang isang hayop na walang boses ay nangangailangan ng mga taong handang magsalita para sa kanya. Ang pagkakaroon ng malasakit ay mahalaga, ngunit mas nagiging makabuluhan ito kapag sinusuportahan ng isang sistemang kayang kumilos.
Para kay Kahel, at para sa lahat ng hayop na naghihintay pa ring makita, marinig, at maalagaan, hindi man namin siya nailigtas, sisiguraduhin naming hindi masasayang ang aral ng kanyang kuwento.
Pahinga ka na, Kahel. Minahal ka namin.
๐๐๐๐โ๐ฉ ๐ก๐๐๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฉ๐, ๐๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐๐ฉ ๐๐จ๐คโ๐ฉ ๐ฅ๐ช๐จ๐!