05/06/2026
𝐌𝐮𝐥𝐢, 𝐰𝐞 𝐛𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐦𝐢𝐥𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐞𝐬𝐬𝐞𝐧𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐬𝐮𝐩𝐩𝐥𝐢𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐋𝐎𝐈𝐍 𝐬𝐚 𝐢𝐤𝐚-𝐭𝐚𝐭𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨𝐧! 🥳👏💯
Isang matagumpay at makabuluhang araw ang ating naisakatuparan sa pamamagitan ng 𝗦𝗞: 𝗘𝗱𝘂-𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻 3.0 School Supplies Distribution.
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga kabataang dumalo at nakiisa sa programa. Nawa'y makatulong ang mga school supplies na ipinamahagi upang maging handa kayo sa panibagong taon ng pag-aaral at magsilbing inspirasyon upang ipagpatuloy ang inyong pagsisikap sa pag-abot ng inyong mga pangarap.
Maraming salamat rin po sa pakikilahok sa ating KK Assembly, ang inyong aktibong pakikilahok ay patunay na ang kabataang Buloin ay handang makiisa at maging bahagi ng positibong pagbabago sa ating komunidad.
Maraming maraming salamat po muli sa inyong lahat!
Hanggang sa susunod nating mga programa—malapit na malapit na ulit 'yan! 🎊😉
𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧, 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧! 💪🏻💯 💛