30/04/2026
Ngayong araw ang session namin kasama ang Tuun sa Payag Kids ay Nursery Management at Seed Saving.
Session 1: Nursery Management
Ipinaliwanag sa mga kabataan ang kahulugan ng salitang nursery, ano ang nilalaman ng tree nursery, bakit ito ginagawa, ano ang tamang pamamahala, ano ang mga kagamitan upang mapangalagaan ng tama ang mga seedlings ng punongkahoy. Pagkatapos nito, pumunta kami sa nursery upang ayusin, linisan, diligan at mag lagay ng lupa sa mga seedling bag. Bago magsimula ang aktibidad, ipinaliwanag muna ni Romel (Salumayag Partner Farmer) kung ano ang mga seedlings ang makikita sa nursery at ang management na kailangan dito.
Isang masayang aktibidad kung saan ang lahat ay natuto at nakibahagi sa mga gawain. Ang lahat ay magagawa kung sama-sama at tulong-tulong siguradong mapapagaan ang gawain.
Session 2: Seed Saving
Inumpisahan ang pag define sa seed saving sa perspektibo ng mga kabataan. Ayon sa kanila ang seed saving ay isang paraan sa “Pagpondo ng Binhi”. Sinagot din nila ang tanong na bakit kailangan mag pondo ng binhi? sabi nila:
Una - upang may maitanim muli
Ikalawa - Upang may makain o kaya ay mapagiling (pagaling)
Ikatlo - Upang hindi mawala at maubos ang binhi
Ikaapat - Upang may maibenta.
Sa murang edad ng kabataan alam nila gaano kahalaga ang pagpondo ng binhi ito ay para sa pangangailangan na pagkain sa araw-araw at sa kinabukasan ng pagkain. Sinundan din ito ng tanong kung anong mga pananim ang kilala nila. May limang kategoryang sinagot ang nga kabataan: 1-Prutas, 2-Gulay, 3-Kahoy (Introduced species), 4-Native trees, 5-Grains. Pagkatapos nito, iginuhit ng mga kabataan ang paborito o kilala nila na prutas at ibinahagi sa grupo.
Ibinahagi din ni Ayu/Ante Jonah ang tradisyunal na pag-iimbak ng binhi at pinalaliman pa ang kahalagan ng katutubong binhi sa kalusugan, sa cultural memories, sa traditional practices maging sa praktikal na pangangailangan sa pang araw-araw.
Base sa sagot ng mga kabataan mas pamilyar sila sa mga introduced species (Pinangalawat) dahil ito ang kanilang nakikita at nakakain. Isang inspirasyon din sa amin na mas palaliman pa ang pagpapakilala at pagtuturo sa mga katutubong binhi upang mas makilala at maappreciate ito ng mga kabataan.
Sa huli, nag-enjoy at nagkaisa ang mga kabataan kasama ang bagong kaalaman na kanilang natutunan.
Sunod semana na usab🌳🌱🫘🫛
To Ante Jonah, Brad Jun2, Bay Romel Salamat sa kanunay na suporta sa pag-andam sa panginahanglanon.
We would also like to thank North American Association for Environmental Education (NAAEE) for supporting TUUN SA PAYAG SUMMER PROGRAM. Marakel salamat! Thank you!