07/11/2025
IKAW ANG YAMAN KO
Ptr Joey Crisostomo
Makamtan ko man lahat ng
yaman sa mundo
Matupad ko man pangarap
at mithi ng puso ko
Kung ako’y manlalamig sa’yo
at malalayo ng husto
Ay bigo pa rin
may hungkag pa rin
Ang puso ko
Makamtan ko man lahat ng
yaman sa mundo
Matupad ko man pangarap
at mithi ng puso ko
Kung ako’y manlalamig sa’yo
at malalayo ng husto
Ay bigo pa rin
Ay hungkag pa rin
Ang puso ko
Ikaw ang yamang hinahangad
ang pangarap kung sasapat
Panginoon, Panginoong Hesus
Ikaw ang yamang hinahangad
Ang Pangarap kong sasapat Panginoon
Panginoong Hesus
Higit sa yaman ng mundo
Higit sa luho at kinang nito
Ikaw ang nais ko
ang tanging nais ko
Ikaw ang yaman ko
Panginoon 🙏🏻💕