16/04/2026
๐ก๐๐ฒ๐ฏ๐ฎ 2 ๐ฐ๐๐ท๐ถ๐ ๐๐พ๐๐พ๐๐ ๐ซ๐๐๐๐๐ถ๐: ๐ผ๐๐ป๐ ๐ฏ๐พ๐น๐ท๐พ๐๐
Sa bawat araw, libo-libong tonelada ng basura ang nalilikha sa Pilipinas ๐ต๐ญ ngunit sapat ba ang ating ginagawa upang ito ay mapamahalaan nang maayos? ๐ค
Tinatayang 61,000 metric tons ng solid waste ๐๏ธ ang nalilikha araw-araw sa bansa, at halos 24% nito ay plastik! ๐ Sa kasalukuyan, karamihan sa mga basura ay napupunta sa mga landfill, dumpsite, o sa ating natural na kapaligiran ๐, at iilan lamang ang napoproseso sa mga Material Recovery Facility (MRF).
Pero ano nga ba ang mga Material Recovery Facility (MRF)? โป๏ธ
Ang MRF ay isang pasilidad kung saan ang mga basura ay pinaghihiwalay, pinoproseso, at nire-recycle. Kabilang dito ang:
โข Drop-off centers para sa mga segregated waste ng mga residente ๐ฆ
โข Sorting stations kung saan pinaghihiwalay ang basura ayon sa uri at komposisyon ๐งโ๐ฌ
โข Composting areas para sa mga biodegradable na basura ๐ฑ
โข Recycling facilities kung saan pinoproseso ang mga recyclable na materyales upang muling magamit ๐
Ang pagtatayo ng mga pasilidad na ito ay isinusulong ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act โ๏ธ dahil mahalaga ang mga MRFs sa pagkakaroon ng sustainable waste management sa ating bansa. Ngunit ayon sa World Bank (2020), sa Metro Manila, 334 lamang sa 1,710 barangay ang may sariling MRF, at marami sa mga ito ang nahihirapan dahil sa kakulangan ng pondo, tauhan, at sapat na imprastraktura at kagamitan. ๐
Sa pamamagitan ng mga MRF, ang basura ay nagiging yaman. โจ Ito ay isang konseptong kilala bilang Urban Mining. ๐ At ang UP Diliman's Urban Mining Program: Yaman sa Lungsod ay naglalayong suportahan at palakasin ang mga komunidad na nagpapatakbo ng mga MRF na ito. ๐ช Ang mga pasilidad at komunidad na ito ay napakahalaga sa ating lipunan, kaya nararapat lamang na bigyan natin sila ng atensyon at suporta. Ang malinis at napapanatiling komunidad ay nagsisimula sa bawat isa sa atin. Sa simpleng tamang paghihiwalay ng basura at pakikiisa sa mga programang pangkalikasan, makakatulong tayo sa pagbuo ng mas malinis, mas ligtas, at mas napapanatiling kinabukasan. โก๏ธ๐
Abangan ang mga susunod na update! ๐
Mga Sanggunian:
Job Manahan, ABS-CBN News. (2024, October 28). โUpcyclingโ among possible solutions to PHโs solid waste crisis: DENR | ABS-CBN. ABS-CBN.
Dulay, M. D., Perpetua, A. D., Pardillo, J. S., Trinidad, R. B., & Vedra, S. A. (2025). Evaluating material recovery facilities and community engagement in Lugait, Misamis Oriental, Philippines. Seybold Report Journal, 20(1), 18โ29. DOI: 10.5281/zenodo.14634184
World Bank. (2022). An Assessment of Municipal Solid Waste Plans, Collection, Recycling, and Disposal of Metro Manila. Washington, DC.
PubMat : Sean Santos
Caption: Dennis Comia & Josh Zablan