26/08/2026
Our first batch is here 🥰❤️
WEAR LOVE. SHARE LOVE. 🤍
Isang God’s Love in Action T-Shirt for a Cause na hindi lamang isinusuot, kundi may dalang mensahe ng pag-ibig, pananampalataya, at pag-asa. 🙏✨
Bumili ka na, nakatulong ka pa! ❤️
Layunin ng aming T-Shirt for a Cause na makalikom ng pondo upang maipagpatuloy ang pag-abot ng tulong sa mga taong nangangailangan, higit lalo na sa aming mga Baby Warriors ng God’s Love in Action. 👶🏻🤍
Sa bawat t-shirt na inyong susuportahan, hindi lamang kayo nagiging bahagi ng aming misyon—nagiging daluyan din kayo ng pagmamahal at pag-asa para sa mga nangangailangan. Kaya Wear Love. Share Love. 🤍
Para sa aming unang batch of orders, lubos po ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong bukas-palad na pagtulong at walang sawang pagsuporta sa misyon at adhikain ng aming grupo. 🙏❤️
Dalangin namin na ang bawat kabutihang inyong ipinapakita ay suklian ng Poong Maykapal ng siksik, liglig, at umaapaw na BIYAYA. 🙌✨
Muli, maraming maraming salamat po sa inyong pagmamahal at suporta! 🤍
“Let all that you do be done in love.” – 1 Corinthians 16:14