25/08/2026
WATCH: KomuKonek on the news!
Sa isang interview sa 702 DZAS - FEBC Radio, ipinaliwanag ni TB Heals Founder Florita Dalida kung paano nakakatulong ang KomuKonek sa pag-improve ng HIV and TB services.
Isa sa mga resulta ng advocacy natin gamit ang feedback ng community ay ang pag-hire ng pulmonologist ng isang LGU matapos nitong malaman, sa pamamagitan ng KomuKonek, na nahihirapan ang mga TB patient na magpatingin sa ganitong uri ng espesyalista.
“Through Komukonek, nalalaman natin ano ba ang possible gap sa services at kung paano ito masosolusyunan. Malaking tulong na makinig tayo sa mga karanasan ng community upang maibigay natin ang tamang serbisyo na kailangan nila.”
Panoorin ang buong interview dito. ⬇️