14/08/2026
Kumusta, Atenista!
In light of the inclement weather and Malacañang's suspension of onsite classes, our First Day Fight mobilization shall be postponed to a later date.
For any concerns, please do not hesitate to reach out. We hope for everyone's safety during this time.
Thank you!
*EDITED: The lightning rally for today, Thursday 14 August is POSTPONED. See comments for more details
BAGONG SEMESTRE, LUMANG MGA PROBLEMA.
Taon-taon, sinasalanta ang ating komunidad ng kabi-kabilang suliraning nagkakait sa atin ng malaya at maginhawang pag-aaral. Nitong taon lamang, naranasan ng milyun-milyong pamilyang Pilipino ang hagupit ng krisis pang-ekonomiya sa pagtaas ng presyo ng langis--habang sa ating pamantasan ay may nagbabadyang pagtaas ng matrikula na patong-patong na pasakit sa ating mga pamilya.
Mula sa mga suliraning ito, nasaksihan din natin ang mga kasaysayang nilikha ng ating komunidad. Mula sa libu-libong walkout kontra korapsyon, hanggang sa pagtatagumpay laban sa pagtaas ng matrikula, pinatunayan natin ang patuloy nating pagbubuklod para sa hustisya, pananagutan, at tunay na pagbabagong lipunan.
Ngayon, salubungin muli natin ang bagong semestre sa ating pamamanata bilang komunidad: na tayo ay tutugon sa dakilang hamon ng panahon at magpapanday ng isang demokratikong pamantasan at lipunan. At ito lamang ay makakamit kung kasama ka.
Ang Atenistang lumalaban, makabayan!
First Semester Fight 2026.
August 14, 2026
12:20PM
Kostka Extension