08/02/2026
Isang Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng oras, suporta at pagmamahal sa ating Miss Gay Queen of Vilo 2026! ๐
Una sa lahat, nagpapasalamat kami sa Diyos sa biyaya at gabay. Salamat sa pagbigay ng lakas at wisdom sa ating lahat.
Sa ating mga sponsors at benefactors salamat sa inyong tiwala at suporta. Kayo po ang nagbigay ng kulay at sigla sa ating event.
Sa ating mga guests, judges, at tabulators, salamat sa inyong oras at expertise. Ang inyong presensya ay nagbigay ng inspirasyon sa ating lahat.
Sa ating mga kandidata, you all are winners in our hearts! ๐ Salamat sa inyong pagpunta, paglahok at pagpapakita ng ganda, talento, at puso.
Sa ating Barangay N.S Amoranto council, headed by Capt. Ato De Guzman, salamat po sa inyong suporta at pagtitiwala sa Vilo. Ang inyo pong liderato ay nagbibigay ng pag-asa sa ating komunidad.
Sa ating mga Vilo Heart Officers (Organizing Team), salamat sa inyong tibay, sipag at dedikasyon. Kayo ang nagbigay ng buhay sa event na ito.
At sa ating founder, salamat sa iyong pangarap, pagmamahal, at pagiging leader.
Ang Vilo Heart ay isang bato na hindi natitinag sa mga unos. 20 years of Vilo Heart is very remarkable dahil sa mga projects at programs natin na nakakatulong sa marami at hindi sa iilan lamang.
Ang Vilo Heart ay talagang may napatunayan na sa larangan ng pagtulong, pagbibigay serbisyo publiko at mga proyektong talagang tatak Vilo Heart. Solidarity, unity, at pagmamahal ang ating sandata.
Muli, salamat sa lahat! Mabuhay ang Vilo!