31/03/2026
๐๐๐ง๐๐ฌ๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐๐ก, ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก!
๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐-๐จ๐ก๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐๐ง ๐จ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ก๐ฆ๐๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐ฌ๐๐ก!
Nakiisa ang UP Network for Adequate Public Housing (UP NAPH), katuwang ang PUP Kanlungan, Youth for Nationalism and Democracy (YND), Hiraya Laya, at ang mga maralitang tagalungsod mula sa Barangay UP Campus, Holy Spirit, at Krus na Ligas, sa pagdiriwang ng Global Housing Action Days (GHAD). Ang pagkilos na ito ay bahagi ng pandaigdigang panawagan para sa karapatan sa sapat at pampublikong paninirahan.
๐๐ฏ๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐จ๐๐๐, ๐๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐ต๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ฒ ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ ๐๐ผ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐!
Mariin ang panawagan ng mga organisasyon na ibasura ang Republic Act 7279 o Urban Development and Housing Act (UDHA). Sa halip na protektahan ang mga maralita, ang batas na ito ang naging instrumento ng gobyerno upang talikuran ang gampanin nito sa pagbibigay ng serbisyo. Sa ilalim ng UDHA, ang paninirahan ay naging isang komoditiโisang negosyong pinatatakbo ng housing market sa halip na isang batayang karapatang pantao.
Bilang alternatibo, ipinapanawagan natin ang ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐ต๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ฒ ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ ๐๐ผ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ na magtitiyak na ang pabahay ay abot-kaya, ligtas, at hindi nakabatay sa tubo.
Binigyang-diin din sa pagkilos ang karapatan ng mga residente sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas na maging bahagi ng lahat ng antas ng pagpaplanoโmula sa konsepto hanggang sa ebalwasyonโng mga proyektong pang-imprastruktura.
๐ญ. ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฆ๐๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ธ: Hindi katanggap-tanggap ang anumang โpag-unladโ na nagbubunga ng dislokasyon. Ang mga residente ay hindi lamang tagapanood; sila ay mga stakeholder na dapat may direktang boses sa mga proyektong tulad nito.
๐ฎ. ๐ง๐ฎ๐ฝ๐๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฆ๐๐ฎ๐น๐น๐ฒ๐ฑ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐๐: Kinukundena rin ang mga nakatenggang imprastruktura na matagal nang nasimulan ngunit hindi natatapos, na nagdudulot lamang ng panganib at abala sa komunidad.
Ang laban para sa tahanan ay laban para sa kinabukasan. Huwag nating hayaang nakawin ng interes ng iilan ang ating seguridad at dignidad!
๐ฃ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ด๐ผ๐ฏ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ผ, โ๐๐ฎ๐ด ๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฒ๐ด๐ผ๐๐๐ผ!
๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ธ๐ผ, โ๐๐ฎ๐ด ๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฒ๐ด๐ผ๐๐๐ผ!
๐ฆ๐ฒ๐ด๐๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป, ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป!