Pride Hero Bayanihan Initiatives

Pride Hero Bayanihan Initiatives Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pride Hero Bayanihan Initiatives, Non-Governmental Organization (NGO), Batasan Hills, Quezon City.

Pride Hero Bayanihan Initiatives is a community-based organization dedicated to empowering individuals and strengthen communities through sustainable & inclusives program, Guided by Spirit of Bayanihan.

PAGBABAYANIHAN TUNGO SA MAS LIGTAS NA KOMUNIDADIsa sa mga kauna-unahang matagumpay na community project para sa mga Puro...
17/06/2026

PAGBABAYANIHAN TUNGO SA MAS LIGTAS NA KOMUNIDAD

Isa sa mga kauna-unahang matagumpay na community project para sa mga Purok Leaders ng Barangay Batasan Hills Cluster 4 ang “Rainbow Shield – Fire Safety Para Kay Purok Leader!”, isang programang naglalayong magbigay ng Fire Extinguishers sa lahat ng Purok Leaders ng Cluster 4 bilang paghahanda at proteksyon laban sa mga insidente ng sunog sa komunidad.

Ang proyektong ito ay mahalaga sapagkat nagbibigay ito ng agarang kagamitan sa mga Purok Leaders upang mabilis na makatugon sa mga maliliit na insidente ng sunog bago pa ito lumala at magdulot ng mas malaking pinsala sa buhay at kabuhayan ng mga residente. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng fire extinguisher sa bawat purok, mas napapalakas ang kahandaan ng komunidad, napapangalagaan ang kaligtasan ng bawat pamilya, at naipapakita ang diwa ng pagkakaisa at bayanihan sa panahon ng sakuna.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga indibidwal, organisasyon, at mga kaagapay na nagbigay ng kanilang suporta, panahon, at kontribusyon upang maisakatuparan ang proyektong ito. Sa mga Purok Leaders ng Batasan Hills Cluster 4 sa pangunguna ni Pres. Bobet Tulio at Higit sa Lahat sa Konseho ng Barangay Batasan Hills Lalo na kay Kap. Jojo Abad at Kagawad Cedi Abad. Ang inyong pagtitiwala at pakikiisa ang naging susi upang maging matagumpay ang Rainbow Shield – Fire Safety Para Kay Purok Leader!

Patuloy nating palakasin ang kultura ng kahandaan, kaligtasan, at bayanihan para sa isang mas ligtas at mas matatag na komunidad.

“Mula sa Puso Para sa Tao, Para sa Komunidad.” ❤️🛡️🔥

PAGBABALIK-TANAW: FIRST DAY, FIRST SNACK!Isa sa mga kauna-unahang proyektong isinakatuparan ng Pride Hero Bayanihan Init...
16/06/2026

PAGBABALIK-TANAW: FIRST DAY, FIRST SNACK!

Isa sa mga kauna-unahang proyektong isinakatuparan ng Pride Hero Bayanihan Initiatives ay ang “First School, First Snack”, isang makabuluhang programa na inilunsad bilang paghahanda sa pagbabalik-eskwela ng mga kabataang mag-aaral sa Jasmin Covered Court Barangay Batasan Hills Quezon City.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, nakapagbahagi ang organisasyon ng baon para sa 150 batang mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 3 sa kanilang unang araw ng pagpasok sa paaralan. Layunin nitong mabigyan ng dagdag na inspirasyon, sigla, at suporta ang mga bata habang sinisimulan nila ang panibagong taong panuruan.

Higit pa sa simpleng pamamahagi ng pagkain, ang proyekto ay sumasalamin sa diwa ng bayanihan, malasakit, at pagkakaisa ng komunidad para sa kapakanan ng mga kabataan. Ipinakita nito na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, maipaparamdam sa bawat bata na may komunidad na handang umalalay sa kanilang pag-aaral at pangarap.

Ang First Day, First Snack ay nagsilbing pundasyon ng patuloy na adhikain ng Pride Hero Bayanihan Initiatives na maglunsad ng mga programang nakatuon sa edukasyon, kalusugan, at kapakanan ng mga kabataan.

Mula sa puso para sa tao, para sa komunidad — sama-sama nating itaguyod ang kinabukasan ng bawat bata. 💙📚🍎

🇵🇭 Pagbati para sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas 🇵🇭Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating minamahal na Pilipinas!Sa paggun...
12/06/2026

🇵🇭 Pagbati para sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas 🇵🇭

Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating minamahal na Pilipinas!

Sa paggunita natin sa sakripisyo at katapangan ng ating mga bayani para makamit ang kalayaan ng bansa, nawa’y magsilbi rin itong paalala na ang tunay na kalayaan ay may kasamang pananagutan, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa.

Bilang mga organisasyong nagtataguyod ng paglilingkod sa komunidad, ang Pride Hero Bayanihan Initiatives at Bayanihan Beyond Boundaries ay patuloy na naninindigan sa diwa ng bayanihan sa pamamagitan ng iba’t ibang programang nakatuon sa edukasyon, kalusugan, kahandaan sa sakuna, at kapakanan ng mga kabataan at pamilyang Pilipino.

Ngayong Araw ng Kalayaan, ipagpatuloy natin ang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan hindi lamang sa salita kundi sa gawa—sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagkalinga sa kapwa, at aktibong pakikilahok sa mga programang nagdudulot ng positibong pagbabago sa ating mga komunidad.

Mula sa Puso, Para sa Tao, Para sa Komunidad.

Maligayang ika-128 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas!
Pride Hero Bayanihan Initiatives
Bayanihan Beyond Boundaries 🇵🇭✨

JUNE IS PRIDE MONTH 🌈🌈🌈Sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong taon, ating itinataas ang bandila ng pagkakaisa, pagkakapan...
01/06/2026

JUNE IS PRIDE MONTH 🌈🌈🌈

Sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong taon, ating itinataas ang bandila ng pagkakaisa, pagkakapantay-pantay, at pagmamahal para sa lahat.

Sa temang “Pagbabayanihan Para sa Tao at Komunidad”, kinikilala natin ang mahalagang papel ng bawat miyembro ng LGBTQIA+ sa pagbuo ng mas makatarungan, inklusibo, at maunlad na lipunan. Ang tunay na bayanihan ay walang pinipiling kasarian, pagkakakilanlan, o estado sa buhay, ito ay para sa lahat.

Kasabay ng ating pagdiriwang ay ang patuloy na panawagan para sa pagkilala at pagrespeto sa karapatan ng bawat LGBTQIA+. Hanggang ngayon, nagpapatuloy ang ating mapayapang protesta laban sa diskriminasyon at para sa pagkakapantay-pantay, pagtanggap, at proteksyon sa ilalim ng batas.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang Pride Month upang higit pang palakasin ang ating sama-samang pagkilos para sa isang lipunang walang naiiwan at walang naitataboy.

🏳️‍🌈 Ipagdiwang ang ating pagkakaiba.
🤝 Isabuhay ang bayanihan.
❤️ Ipaglaban ang karapatan ng bawat isa.






Address

Batasan Hills
Quezon City
1126

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pride Hero Bayanihan Initiatives posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share