28/08/2026
Kilalanin ang mga Hurado ng AUGHOST! Dagling Katatakutan Writing Contest:
E.M.PULMANO
Si E.M. Pulmano, na nakilala rin sa sagisag-panulat na Aninong Manunulat, ay isang manunulat ng mga tula, maikling kuwento, pantasya, at horror.
Sa kasalukuyan ay mayroon siyang mga akda at aklat sa Stary Writing, TBC Publications, Creepy_Stories, Pinoy Indie Authors, at Acts 29 Publishing.
MAMYAW GAJITOS
Si Mamyaw Gajitos ay isang pusang kiwig na nasa kaanyuang tao. Una siyang nakilala bilang isang makatang mapanakit, subalit isa rin siyang tagapaghabi ng mga kababalaghan at kakilabutan.
Unang humawak ng panulat ang kiwig na ito sa murang gulang na labing-isa, at simula noon ay patuloy na kumatha ng mga lirika at pantasya.
Sa ngayon ay may sariling-lathala na siyang mga aklat ng tula: Between Waking and Dreaming, Bright Shadows, at Blossoming to Wither.
MARIGOLD ANDRES UY
Marigold Andres Uy is a Cagayan-based writer from Isabela who started out writing nature-related poems and school stage plays, which seemed innocent enough at the time.
This eventually snowballed into publishing over 30 books, drafting possibly more than a hundred, and developing the sort of relationship with writing that suggests she was never going to be normal about it.
===
Natapos na nilang basahin ang nasa Long List at kasalukuyang isinasa-pinal ang kanilang mga napiling 10 manunulat na magwawagi sa paligsahang ito.
Abangan ang ANNOUNCEMENT OF WINNERS bukas, AGOSTO 29, 2026!