15/05/2026
BATO AT SARA, PANAGUTIN! MGA TUTA NG PASISTA AT MANDARAMBONG NA REHIMEN, WALANG TAKAS SA HUSTISYA!
Mariing kinokondena ng DFA-KMU ang garapal na pagpapakitang-gilas ni Bato dela Rosa sa Senado—isang desperadong pagtatangka upang iligtas si Sara Duterte sa pananagutan at hadlangan ang paniningil ng mamamayan sa kanilang mga krimen.
Maliwanag sa sambayanan: ang biglaang paglitaw at dramatikong paglabas ni Bato sa Senado ay isang palabas na idinirehe upang protektahan ang bulok na alyansa ng mga Duterte at ng kanilang mga kasabwat sa poder. Isa itong malinaw na patunay kung paano ginagamit ng mga naghaharing uri ang mga institusyon ng estado upang pagtakpan ang pagnanakaw sa kaban ng bayan at ang dugo ng libu-libong biktima ng madugong gera kontra mamamayan.
Habang ang masang anakpawis ay nilulunod sa mababang sahod, tumataas na presyo ng bilihin, matinding init, brownout, at lumalalang kahirapan, nagpapakasasa naman sina Sara at Bato sa kapangyarihan at pribilehiyong pinopondohan ng buwis ng sambayanan.
Hindi na ito simpleng usapin ng pulitika. Usapin ito ng hustisya. Usapin ito ng pananagutan. Usapin ito ng pakikibaka ng mamamayan laban sa pasismo, korapsyon, at kawalang pananagutan.
Hindi tayo dapat umasa sa bulok na sistema at sa mga trapo na magkakasabwat upang iligtas ang isa’t isa. Tanging ang malawak, militanteng pagkilos ng mamamayan ang tunay na magpapapanagot sa mga kriminal na ito.
Nanawagan ang DFA-KMU sa lahat ng manggagawa at mamamayan:
Palakasin ang pagkakaisa! Magkaisa at kumilos! Dalhin sa lansangan ang paniningil ng bayan!
Panagutin ang mga mandarambong at mamamatay-tao!
Sara, litisin!
Bato, arestuhin!
Hustisya para sa mga biktima!
SUMAMA SA PAGKILOS SA SENADO
MAY 18 | FILM CENTER @1:30PM