01/10/2026
⁉️ “𝑷𝑨𝑺𝑻𝑶𝑹 𝑯𝑼𝑹𝑻”?
https://www.facebook.com/share/p/1EGDaKGNUw/?mibextid=wwXIfr
‼️ 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗔𝗚-𝗨𝗨𝗦𝗔𝗣 𝗧𝗨𝗡𝗚𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 “𝗖𝗛𝗨𝗥𝗖𝗛 𝗛𝗨𝗥𝗧”, 𝗣𝗘𝗥𝗢 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚-𝗨𝗨𝗦𝗔𝗣 𝗧𝗨𝗡𝗚𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 “𝗣𝗔𝗦𝗧𝗢𝗥 𝗛𝗨𝗥𝗧”
Ang pastor hurt ay bihira, kung pag-uusapan man, ang mga sugat na natatanggap ng isang pastor habang nagmamahal, naglilingkod, at nagpapasan ng bigat ng mga tao.
- Ang pastor hurt ay yung nagbuhos ka ng taon sa isang tao, tapos bigla na lang silang aalis nang hindi man lang nakikipag-usap sa'yo.
- Ang pastor hurt ay malaman mong yung taong minahal mo na parang pamilya, pinag-uusapan ka pala sa lahat maliban sa'yo.
- Ang pastor hurt ay inaasahan kang intindihin ang bad day ng lahat, pero walang nag-iisip na ang pastor ay pwede rin palang magkaroon ng bad day.
- Ang pastor hurt ay yung sinamahan mo ang isang tao sa pinakamadilim na yugto ng buhay niya, sinagot ang tawag niya kahit hatinggabi, ipinagdasal mo siya sa krisis, tapos tratratuhin ka na parang wala kang ginawa para sa kanya.
- Ang pastor hurt ay yung makita mong ang pagtutuwid ay binibigyang kahulugan bilang pagtanggi, kasi mas gusto nila ng papuri kaysa sa pagdidisipulo.
- Ang pastor hurt ay yung kinukwestyon ang motibo mo ng mga taong hindi kailanman nagpasan ng bigat na pinapasan mo nang pribado at publiko.
- Ang pastor hurt ay yung pinupuna ka sa mga desisyon ng mga taong hindi alam ang impormasyon sa likod ng mga desisyong yun.
- Ang pastor hurt ay yung marinig mong, "Sinabi sa akin ng Diyos na umalis na ako," gayong ni minsan ay walang lumapit sa'yo para magsabi ng, "Pastor, may bumabagabag sa akin. Pwede ba tayong mag-usap?"
- Ang pastor hurt ay yung masaktan ang isang tao sa isang pagkakataon lang, matapos ang maraming taon na naranasan niya ang pagmamahal mo.
- Ang pastor hurt ay yung nandyan ka sa panganganak, kamatayan, sa ospital, kasal, libing, krisis pinansyal, problema sa pamilya, at labanang espiritwal — tapos matuklasan mong sapat na ang isang hindi pagkakaunawaan para ituring ka nilang demonyo.
- Ang pastor hurt ay yung makita mong ang taong tinuruan mo, pinalakas ang loob, itinaas, at binigyan ng pagkakataon, bigla ka na lang tratratuhin na parang kaaway at iiwan.
- Ang pastor hurt ay yung namuhunan ka sa calling ng isang tao, tapos hindi nila igagalang ang mismong tahanang humubog sa kanila.
- Ang pastor hurt ay yung hinihingi ng mga tao ang oras mo kapag nasasaktan sila, pero naglalaho sila kapag ang pastor na ang nangangailangan.
- Ang pastor hurt ay yung may dala kang confidential na impormasyon na pumipigil sa'yo na ipagtanggol ang sarili mo sa publiko. Alam ng pastor ang bawat detalye ng tunay na nangyari, pero ang integridad ay nangangailangan na manahimik siya.
- Ang pastor hurt ay yung nakangiti ka sa pulpito habang pribado mong pinoproseso ang isang bagay na magpapahinto sana sa maraming tao na pumasok.
- Ang pastor hurt ay yung nangangaral ka ng pananampalataya sa lahat, pero kailangan mo ring ipaglaban ang sarili mong pananampalataya pagtapos ng serbisyo.
- Ang pastor hurt ay yung naghahanda ng sermon habang pagod na pagod, nananalangin habang sugatan, namumuno habang nagluluksa, at patuloy na humaharap dahil may mga taong umaasa sa'yo — alam mong kung sila ang nasa kalagayan mo, hindi sila haharap para sa'yo gaya ng pagharap mo para sa kanila.
- Ang pastor hurt ay yung mapagtanto mong may mga taong mas minahal ang kaloob mo kaysa sa ikaw mismo.
- Ang pastor hurt ay yung matuklasan mong may mga taong pinapalakpakan ka lang hangga't hindi hinahamon ng pagpapastor mo ang buhay nila.
- Ang pastor hurt ay yung pagpapatawad sa mga taong hindi man lang humingi ng tawad, dahil ang pagiging mapait ay mas sisira sa calling mo kaysa sa nagawa nilang sakit sa'yo.
- Ang pastor hurt ay yung matutunan mong ang pagpapastol ng tupa minsan ay nangangahulugang kakagatin ka ng mismong tupang sinusubukan mong protektahan.
Nasasaktan din ang mga pastor. Dumudugo rin ang mga pastor. Napapagod din ang mga pastor. Kailangan din ng mga pastor ng panalangin - at pagpapahalaga.
Mahalin mo ang iyong Pastor. Ipanalangin mo ang iyong Pastor. Kausapin mo ang iyong Pastor. Sa likod ng pulpitong iyan ay isang tao na may pasan na mas higit pa sa malalaman o mararanasan mo kailanman.
“𝑰 𝒂𝒎 𝒕𝒉𝒆 𝒈𝒐𝒐𝒅 𝒔𝒉𝒆𝒑𝒉𝒆𝒓𝒅. 𝑻𝒉𝒆 𝒈𝒐𝒐𝒅 𝒔𝒉𝒆𝒑𝒉𝒆𝒓𝒅 𝒍𝒂𝒚𝒔 𝒅𝒐𝒘𝒏 𝒉𝒊𝒔 𝒍𝒊𝒇𝒆 𝒇𝒐𝒓 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒉𝒆𝒆𝒑.”
- 𝑱𝒐𝒉𝒏 10:11
𝐁𝐌𝐈 ———————————————————
𝐁𝐄𝐘𝐎𝐍𝐃 𝐌𝐈𝐍𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋