15/08/2026
TIGNAN||
TRICAP: NO TO PAX SILICA KUNG WALANG FPIC!
Mariing pinabubulaanan ng TRICAP ang pahayag na walang kinikilalang Indigenous Peoples communities na direktang maaapektuhan sa proposed Pax Silica area.
May mga kinikilalang IP communities sa lugar, kabilang ang Sapang Kawayan, Binyayan, Kalangitan, Manabayucan, COOP, Malasa, Mabilog, Malabo, Sta. Lucia at Mauricia, at iba pang komunidad na dapat marinig at makilahok sa anumang prosesong maaaring makaapekto sa kanilang karapatan at kabuhayan.
Hindi rin maaaring sabihing ang BCDA o CDC ang “nagbigay” ng ancestral land sa mga Ayta.
Ang pagkilala, delineation, titling at paggawad ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ay nasa mandato ng NCIP sa ilalim ng IPRA Law.
Hindi maaaring ang isang ahensya na hindi inatasan ng IPRA ang magsabing sila ang nag-award o nagbigay ng ancestral domain sa ICCs/IPs.
Ang mga ancestral domain ng mga Ayta sa Bamban, Tarlac; Mabalacat City at Porac, Pampanga ay hindi simpleng “allocation” lamang. Ang kanilang mga karapatan ay dapat kilalanin at protektahan alinsunod sa IPRA at sa mga prosesong isinagawa ng NCIP.
Kaya malinaw ang paninindigan ng TRICAP:
KUNG MAY IP COMMUNITY NA MAAAPEKTUHAN — FPIC MUNA!
Hindi sapat ang pagsasabing “walang maaapektuhan.”
Pakinggan ang mga Katutubo.
Kilalanin ang kanilang karapatan.
Igalang ang kanilang ancestral domain.
Isagawa ang FPIC.
NO TO PAX SILICA KUNG WALANG FPIC!
FPIC AY KARAPATAN.
https://www.facebook.com/share/v/1DPm4FwkKa/
TRICAP, INC.
Strengthening Indigenous Peoples’ Voices — From Roots to Rights