Sikat ka Youth Organization Riverside

Sikat ka Youth Organization Riverside "Nagkakaisang kabataan para sa mas maliwanag na kinabukasan"

05/12/2025

βœ¨π’π€πŒπ€-πŠπ€ π˜πŽπ”π“π‡ π…π„πƒπ„π‘π€π“πˆπŽπ ππ‘π„π’π„ππ“π’βœ¨

Handang-handa na ang kabataan para sa pinaka-makulay at pinaka-maliwanag na kompetisyon ngayong kapaskuhan
ang ππ€π‘πŽπ‹ πŒπ€πŠπˆππ† π‚πŽππ“π„π’π“ πŸπŸŽπŸπŸ“!

Sa temang β€œLiwanag ng Pagkakaisa: Pasko sa Barangay Sauyo, Paskong Sama-Sama”, inaanyayahan namin ang bawat youth organization na ipakita ang kanilang likha, talento, at pagkamalikhain sa paggawa ng parol na tunay na sumisimbolo sa diwa ng Pasko.

πŸ’‘ First Prize: 15,000
πŸ’‘ Second Prize: 10,000
πŸ’‘ Third Prize: 5,000

Sino kaya ang mag-uuwi ng pinakamaliwanag na tagumpay?
Abangan at sumali sa isang makulay na pagdiriwang ng pagkakaisa at kabataang Sauyong makabago! πŸŒ πŸ’™

Ito ay sa pakikiisa ng Team Kap Noel
Vitug at ng Bagong Kasangga ng mga Kabataan ng Sauyo Ron Rhian Del Mundo.







29/11/2025
28/11/2025
28/11/2025

ππ€π‡π€π˜π€π† 𝐍𝐆 ππ€ππˆππˆπ–π€π‹π€ 𝐀𝐓 π’π”ππŽπ‘π“π€ πŒπ”π‹π€ 𝐒𝐀 π’π€πŒπ€-πŠπ€ π˜πŽπ”π“π‡ π…π„πƒπ„π‘π€π“πˆπŽπ

Ang Sama - Ka Youth Federation ay buong galang at buong paninindigang nagpapaabot ng suporta, paniniwala, at pakikiisa kay Congresswoman Marivic Co-Pilar Kinatawan ng Ika-6 na Distrito ng Lungsod Quezon.

Sa gitna ng isyung inilalapit sa publiko kaugnay ng pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), nananatili ang aming pagtitiwala sa kanyang katapatan, kakayahan, at tunay na malasakit para sa ating distrito. Bilang kabataan, kinikilala namin ang kanyang mga programa at inisyatibo na nakatuon sa kapakanan ng komunidad.

Buo ang aming paniniwala sa kanyang adhikain ng β€œMarangal na Paglilingkod”, isang prinsipyong nakikita namin sa paraan ng kanyang pamumuno at dedikasyon bilang lingkod-bayan.

Ipinapahayag namin ang aming buong pakikiisa kay Congressman Marivic Co-Pilar at ang aming tiwala na ang kanyang paninindigan at tapat na paglilingkod ay magpapatuloy para sa ikauunlad ng Distrito 6.

Mabuhay ang marangal at tapat na paglilingkod sa bayan!



28/11/2025

𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍!

𝐀𝐍𝐆 πŒπ€π‹πˆπŠπ‡π€πˆππ† π‹πˆπŠπ‡π€ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ πŠπ€ππ€π“π€π€π 𝐍𝐀 π‡π€π“πˆπƒ π€π˜ π‹πˆπ–π€ππ€π† 𝐒𝐀 π€π“πˆππ† ππ€π‘π€ππ†π€π˜!

Isang aktibidad handog ng mga nagkakaisang mga kabataan ng Sama-Ka Youth Federation, Kabataan hatid ay kulay, Kabataan hatid ay liwanag.





Address

Delnacia 4 Riverside Sauyo Road Quezon City
Quezon City
1116

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sikat ka Youth Organization Riverside posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share