17/09/2026
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Sa ika-54 na taon matapos ang malagim na Batas Militar ni Marcos Sr., isang Marcos ulit ang nakaupo sa palasyo! PAREHONG TUTA, PAHIRAP, PASISTA!
Sa gitna ng lumalalang krisis sa edukasyon at lipunan, ang mga G**o ng Bayan ay patuloy na pinahihirapan ng papet at korap na rehimeng Marcos-Duterte! Binabawasan ang pondo sa edukasyon, pinapasista at sinusupil ang mamamayang lumalaban, at pinahihintulutan ang imperyalistang pandarambong ng Estados Unidos.
Tatapyasan ng P3.34 bilyon o 2.42% pondo para sa edukasyon at 42% o 49 sa 116 ng lahat ng state universities at colleges (SUCS) ang haharap sa matinding budget cuts sa NEP 2027. Ang mga Iskolar ng Bayan ay haharap sa mahigit P2.95 bilyong budget cut sa buong UP System.
Mas lalong pagkakaitan ang mga estudyante sa units, dorm slots, scholarships, at batayang serbisyo habang ang bilyon-bilyon ang nilalaan ng gobyerno para sa korapsyon sa pamamagitan ng pondo para sa confidential intelligence funds ng Office of the President at anumalyang flood control ng DPWH.
Tumaas rin ang pondo ng pasistang NTF-ELCAC at AFP-PNP na nangr-redtag at dumadahas sa mga aktibista, magsasaka, katutubo, at unyon sa ibaโt ibang parte ng bansa upang patahimikin at supilin ang kanilang pakikibaka. Hindi makakalimutan ng mga Iskolar ng Bayan ang pagpaslang ng 17th Infantry Battalion sa mga kapwa Iskolar ng Bayan at non-combatants na si Alyssa Alano at Maureen Santuyo sa Toboso sa Negros Occidental. Naroon sila upang makipamuhay sa mga magsasakang inaagawan ng lupa at sa hanay ng masang humaharap sa tindi ng krisis
Habang ang sambayanang Pilipino ay naghihirap dahil sunod-sunod na delubyo, ang rehimen ni Marcos Jr. ay nagpapakatuta sa US sa pamamagitan ng pag-apruba ng Luzon Economic Corridor at Pax Silica. Pinapalayas ang mga katutubo mula sa kanilang lupang ninuna at mga magsasaka mula sa kanilang sakahan, gagawin pa silang murang lakas paggawa ng mga dambulahang korporasyon ng dayuhan.
Malinaw na ang pinagsisilbihan ni Marcos ay hindi ang mamamayang Pilipino kundi ang sarili niyang interes at ganid ng amo niyang si Trump at imperyalistang US. Kaya ang mga Iskolar-G**o ng Bayan ay handang lumabas mula sa mga silid-aralan at babahain ang lansangan upang singilin ang pahirap na administrasyon ni Marcos.
Dala ang militanteng diwa ng pakikibaka, dadaluyong ang mga Iskolar-G**o ng Bayan upang punuin ang kalsada at ipanawagan ang lupa, sahod, edukasyon, at karapatan!
๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฝ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ญ๐ด | ๐๐๐ก๐ ๐ค๐ช๐ฉ
๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฝ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ญ | 54๐ฉ๐ ๐๐๐ง๐ฉ๐๐๐ก ๐๐๐ฌ ๐พ๐ค๐ข๐ข๐๐ข๐ค๐ง๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ