Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo

Directions Website Contact the organization

Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo Ang pinakamatandang samahán sa Filipinas ng mga makatang nagsusulat sa Filipino.

Ang Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ay samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito. Ilan sa mga layunin ng LIRA ang palusugin at pagyamanin ang panulaang Filipino sa pamamagitan ng pag-aaral ng tradisyonal at modernistang tula, magbigay ng mga palihan at panayam, mag-organisa ng iba’t ibang okasyong pampanitikan at tumulong sa pagpapalimbag ng mga koleksiyon ng tula ng mga kabataang makata. Taon-taon, nagdadaos ang LIRA ng palihan at klinikang pampanulaan mula Hunyo hanggang Disyembre. Nagsisilbing tagapanayam at umuupo sa workshop ang mga kilala at premyadong makata at manunulat. Isang bahagi lamang ang klinika ng programang naglalayong maghasa ng mga makata-boluntaryong magiging bahagi ng iba pang paglilingkod ng LIRA. Ang isa pa ay ang Sining ng Tugma at Sukat (STS), isang karaban ng pagtuturo sa iba’t ibang panig ng bansa ng tula, panitikan, at pagiging makabayan. Buwanan ding tinutupad ng LIRA ang LIRAhan sa Conspiracy Bar, isang tanghal-tulang napapaloob sa napagkakasunduang tema. Ang mga nagsisipagtapos at nagiging kasapi ng LIRA ay nakikilahok sa mga gawaing ito ng pagpapaunlad sa panulaang Filipino. FACEBOOK: facebook.com/PalihangLIRA
INSTAGRAM:
TWITTER:
EMAIL: [email protected]

Bukás na ang pormularyo at tumatanggap na kami ng mga lahok sa Premyong LIRA 2026! I-scan ang QR code para sa mga tuntun...
19/09/2026

Bukás na ang pormularyo at tumatanggap na kami ng mga lahok sa Premyong LIRA 2026! I-scan ang QR code para sa mga tuntunin o i-click ang link na ito: https://bit.ly/PremyongLIRA2026.

DEADLINE: 31 Oktubre 2026.

Mabibili na sa Lazada ang aming mga pinakabagong libro! At restocked na ang pinakahinahanap-hanap ninyong Sa Antipolo pa...
19/09/2026

Mabibili na sa Lazada ang aming mga pinakabagong libro! At restocked na ang pinakahinahanap-hanap ninyong Sa Antipolo pa rin ang Antipolo!

Add to 🛒 na rito: lazada.com.ph/shop/librong-lira

  Sa huling araw ng  , nakasáma natin sina Enrique S. Villasis at Abner E. Dormiendo para sa book signing ng kanilang mg...
14/09/2026

Sa huling araw ng , nakasáma natin sina Enrique S. Villasis at Abner E. Dormiendo para sa book signing ng kanilang mga aklat. Maraming salamat sa lahat ng mga dumaan at bumili ng Librong LIRA! Maraming salamat sa mga katuwang na publisher sa The Indie Publishers Collab - PH para sa masigasig na pagpapatakbo ng ating booth. Magkita-kita táyo sa mga susunod na book fair at sana ay lalo pa ninyo kaming tangkilikin. Hanggang sa muli!

Abangan ang mga susunod na post kung paano makakukuha ng aming mga aklat.

  Inilunsad sa pagbubukas ng   ang "Sandakot na Kurakot", ang pinakabagong antolohiya mula sa Librong LIRA. Maraming sal...
10/09/2026

Inilunsad sa pagbubukas ng ang "Sandakot na Kurakot", ang pinakabagong antolohiya mula sa Librong LIRA. Maraming salamat sa lahat ng mga dumalo, bumili at nagpapirma, at kahit sa mga napadaan lang—tumigil saglit, nakinig sa mga pagtatanghal, pumalakpak. Lubos na pasasalamat din sa mga kasapi ng LIRA na nagbahagi ng kanilang mga tula sa antolohiya at sa mga dumalo kanina para magbasá ng kanilang mga tula!

Unang araw pa lang, pero ramdam na namin ang inyong mainit na pagtangkilik sa aming mga aklat! Pagkabili ninyo sa aming pinakabagong antolohiya, puwedeng-puwedeng sumigaw ng !

Mabibili ang handog naming mga bagong koleksiyon ng mga tula (at isang bestseller hihi) sa Booth 2-149 at 2-154 ng The Indie Publishers Collab - PH at Tambayang Pambata.

Alam naming ready na kayo sa pagbili ng aming mga aklat. Pero ready na ba kami? Siyempre ready na! Tara na po rito sa   ...
09/09/2026

Alam naming ready na kayo sa pagbili ng aming mga aklat. Pero ready na ba kami? Siyempre ready na! Tara na po rito sa at mamilí ng aming mga libro.

Narito po kami, 9-13 Setyembre 2026, SMX Convention Center Mall of Asia, Booth 2-149 at 2-154 ng The Indie Publishers Collab - PH at Tambayang Pambata!

📸  : Ilang kuha mulâ sa sesyon ng   sa Raya School! 🎓🤩 Noong Agosto 1, pinangunahan ng aming pangulo at direktor sa pali...
13/08/2026

📸 : Ilang kuha mulâ sa sesyon ng sa Raya School! 🎓

🤩 Noong Agosto 1, pinangunahan ng aming pangulo at direktor sa palihan, si Abner Dormiendo, ang pang-umagang lektura ukol sa Balangkas, Daloy, Himig, at Tinig. 🎶 Samantala, nagbigay naman ng lektura sa hapon si Dr. Paul A. Castillo na tumatalakay sa mga paksa ng Talinghaga, Imahen, at Tayutay. 🤯 Tiyak na nalilinang ang kaalaman ng mga fellow dito sa kanilang layuning ibalik ang tula sa pusò ng madla. 🥰

💞 Pinapasalamatan din namin ang The Raya School na nagbigay ng espasyo para sa aming palihan. 🤗

🤔 Kumusta kayâ ang sulat ng mga fellow ng  ? 🔥👇 Narito ang sanaysay ng aming tagapagtatag, Pambansang Alagad ng Sining s...
04/08/2026

🤔 Kumusta kayâ ang sulat ng mga fellow ng ? 🔥

👇 Narito ang sanaysay ng aming tagapagtatag, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario. Higit na maliliwanagan ang lahat sa kaniyang masinsinang pagbása ng ilang takda. 🤩

📸  : Ilang larawan mulâ sa unang workshop proper ng  !🤯📚 Sa unang pagkakataon, isinalang ng mga fellow ang kani-kanilang...
09/07/2026

📸 : Ilang larawan mulâ sa unang workshop proper ng !🤯

📚 Sa unang pagkakataon, isinalang ng mga fellow ang kani-kanilang mga akda sa palihang ito. Nakatanggap silá ng ilang puna, mungkahi, at pagbatì hinggil sa mga naisulat nilang tula. 📝 Ilan ding ang umupo sa sesyong ito upang magbigay ng kanilang pakiwari at gabay sa pagtula. 🥰

💞 Pinapasalamatan din namin ang Motherland Studio na nagbigay ng espasyo para sa aming palihan. 🤗

❤️‍🔥 Marubdob na pagbatì sa mga   nating nagtagumpay nitóng mga nagdaang buwan! ✊💛 Higit naming ikinagagalak ang inyong ...
06/07/2026

❤️‍🔥 Marubdob na pagbatì sa mga nating nagtagumpay nitóng mga nagdaang buwan! ✊

💛 Higit naming ikinagagalak ang inyong pag-unlad! Nawa'y pagbutihin ninyo ang paglinang sa ating pambansang gunita at haraya. ✨

🥳 Sabi nga: Kapag lumagô, hindi na hihinto! Inaasahan namin ang sunod ninyong mga pagwawagi! 🤗

📸  : Ilang kuha mulâ sa idinaos na lektura ni Dr. Michael Coroza sa   tungkol sa Sining ng Tugma at Sukat noong nakaraan...
02/07/2026

📸 : Ilang kuha mulâ sa idinaos na lektura ni Dr. Michael Coroza sa tungkol sa Sining ng Tugma at Sukat noong nakaraang Sabado. ✍

📚 Natutuhan ng mga fellow ang ilang aralíng higit na nagpapayaman sa kanilang pagtanaw at pagsasailalim sa tradisyonal na sining ng pagtula. 🤔 Nakapagsulat din silá ng iilang tanaga't dalít bílang pagsubok sa tugmaan. 🎶

💞 Pinapasalamatan namin ang Fine Arts Department ng Pamantasang Ateneo de Manila na naging aming katuwang sa sesyong ito. 🤗

Address

Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo:

Shortcuts

Share