10/09/2026
At sa pagtatapos ng ating 30th Anniversary Celebration of Onesimo Foundation, nagsama-sama sa entablado ang buong kabataan at staff ng Onesimo Foundation para sa isang makabuluhan at napakagandang finale.
Iisang entablado.
Iisang tinig.
Iisang pamilya.
Iisang pangarap.
Sa pamamagitan ng kanilang awit, ipinakita nila ang pagkakaisa ng bawat henerasyon na naging bahagi ng Onesimo—mga kabataan, staff, volunteers, at mga taong patuloy na naniniwala sa mission.
Napakagandang tanawin na makita ang buong Onesimo community na sama-samang umaawit, nagdiriwang, at nagbibigay-pugay sa 30 taon ng pag-asa, pagmamahal, pananampalataya, at paglilingkod.
At habang sama-sama nating tinatapos ang gabing ito, isang mensahe ang malinaw:
Hindi dito nagtatapos ang kwento.
Hindi dito nagtatapos ang pangarap.
Ang pangarap ay patuloy na mabubuhay sa bagong henerasyon.
Patuloy ang Pangarap. Patuloy ang Pag-asa.
✨ From Darkness to Hope.