Volunteers Freedom Foundation

Volunteers Freedom Foundation Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Volunteers Freedom Foundation, Charitable organisation, 3rd Floor, Unit 8, Bldg. B, BISTEKVILLE 8, Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Volunteers Freedom Foundation is a non-government organization that help poorest of the poor in urban poor communities thru socialized housing program, feeding program and other disaster relief operations.

Sa isang tahimik na sulok ng bansang Alimanya (Germany), ang mga supot ng pagkain ay maingat na nakabitin para sa mga na...
16/10/2024

Sa isang tahimik na sulok ng bansang Alimanya (Germany), ang mga supot ng pagkain ay maingat na nakabitin para sa mga nangangailangang mga mahihirap, nagugutom, at para sa mga mahihina. Hindi alam kung sinu-sino ang may mga mabubuting mga puso ang nagsasabit dito, walang mga camera o video upang makuha ang bawat kilos at aktibidad. Isa lamang itong hindi binibigkas na kilos ng mabuting kalooban at paglilingkod, na ginawa nang may kababaang-loob at habag.

Ang tahimik na kabaitang ito, ay walang anumang pangangailangan para sa pagpapakilala ng lantad, ay nagsisilbing isang makapangyarihang paalala, na ang tunay na pagkabukas-palad ay madalas na hindi nakikita, ngunit ang epekto nito ay malalim na nararamdaman ng sino mang nangangailangan.

CCTO:

Sa personal kong opinyon: Pilipino ako. Masaya akong makakita ng ganitong uri ng kabutihan sa kapwa. Subalit, kung gagawin ito sa Pilipinas. Ang katotohanan, ay kahit ang mga hindi nangangailangan ay pagsamantalahan din ito.

Naalala ko noong panahon ng Pandemya, na nag-organisa si Bb. Ana Patricia Non ng Community Pantry, na ginawa din sa ibat-ibang mga komunidad sa Bansa. Kahit mayroon pang bantay, ay higit pa sa kanilang pangangailangan ang kinukuha, at hindi iniisip ang iba pang nangangailangan, at kahit nga ang mga hindi nangangailangan ay nakikipila rin mula pa sa mamalayong mga lugar. Paano nalang kung katulad nito na walang bantay. Walang ano mang camera.

Ito ang malungkot na katotohanan. Ang aral dito, simple lang. Maraming mga Pilipino ang halos nakikipagbuno at nakikipagsapalaran sa buhay araw-araw. Maraming pamilyang nakatira sa lansangan. Kung magkakaroon man ng isang lugar na ganito, ay ipaubaya nalang sana sa mas higit na nangangailangan.

Address

3rd Floor, Unit 8, Bldg. B, BISTEKVILLE 8, Barangay Bagbag, Novaliches
Quezon City
1116

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Volunteers Freedom Foundation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Volunteers Freedom Foundation:

Share