08/08/2026
๐ก๐๐๐ฃ๐๐ฆ๐ ๐ก๐ ๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐๐๐ก๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ก๐๐ ๐จ๐ ๐ช๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐ก๐๐ฅ๐ฆ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐จ๐ฆ๐ฃ๐๐ก๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐ด๐ฑ.๐ฌ๐ฌ ๐จ๐ ๐๐ก๐ง๐ข ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐ก๐๐ฅ
Naghain ng Motion for Intervention ang Association of Minimum Wage Earners and Advocates (AMWEA) kahapon, ๐๐ค๐-๐๐ ๐ง๐ ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ laban sa inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 152. Personal na tumungo ang pamunuan at ilang kasapi ng grupo sa RTC upang ipahayag ang kanilang pagkadismaya at igiit ang kanilang karapatan bilang direktang interesadong partido (party-in-interest) sa kaso.
Binigyang-diin ng grupo na nararapat lamang marinig ang boses ng mga minimum
wage earners sa mga pagdinig ukol sa TRO sapagkat sila ang direktang maaapektuhan nito. Matatandaang ang AMWEA o mas kilala sa taguring "๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐" ay isa sa nagsumite ng petisyon para sa P1,200 na umento sa sahod sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) โ NCR.
"๐๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐ ๐๐ญ ๐๐๐๐, ๐ค๐๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ง๐๐๐ฉ๐๐ค๐ญ๐ฎ๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐ฌ๐ ๐ข๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐ค๐๐ค๐๐ซ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ญ ๐ง๐ ๐ง๐ ๐, ๐ฉ๐๐ซ๐จ ๐ค๐ข๐ง๐๐ค๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐ -๐ฌ๐๐ก๐จ๐,โ ๐ฉ๐๐ก๐๐ฒ๐๐ ๐ง๐ข ๐๐๐ซ๐ ๐ข๐ ๐๐ซ๐๐๐๐ฅ๐๐ข๐จ, ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐ ๐ซ๐ฎ๐ฉ๐จ."
Sa kanilang isusumiteng Mosyon, iginiit ng Minimum Wage Earners na hindi lamang labag sa batas ang pagpapalabas ng TRO ng isang regular na korte, kundi wala ring hurisdiksyon ang RTC sa mga usaping paggawa sa ilalim ng Labor Code of the Philippines. Bagamaโt iginagalang ng grupo ang awtoridad ng hukuman, ang desisyong suspendihin ang Wage Order ay nagtatakda ng isang mapanganib na pamantayan (dangerous precedent) sa sistema ng pagtatakda ng pasahod sa bansa.
โ๐๐๐ซ๐๐ซ๐๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐ ๐ข๐ญ๐ฎ๐ฐ๐ข๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ง๐๐ ๐ฉ๐๐ญ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฒ๐๐ซ๐ฌ ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐ฎ๐ฌ๐๐ฉ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ญ๐จ. ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข, ๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐ง๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐ค๐๐ฉ๐ข๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ ๐ข๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ข๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ ๐ข๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐ง๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฐ๐๐ ๐ ๐จ๐ซ๐๐๐ซ ๐ฌ๐๐๐ง๐ฆ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐,โ ๐๐๐๐๐ฅ๐ ๐ง๐ข ๐๐ซ๐๐๐๐ฅ๐๐ข๐จ.
Ipinaalala rin ng grupo na sa ilalim ng umiiral na procedural guidelines ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), ang sinumang employer ay maaaring magsampa ng apela o humingi ng exemption sa Wage Order sa RTWPB mismo. Kung hindi makamit ang nilalayong solusyon, saka pa lamang ito maaaring itaas sa lebel ng NWPC.
Bukod sa Pasig RTC, nakatakda ring maghain ng kaparehong Motion for Intervention ang grupo sa Navotas RTC, kung saan isa na namang petisyon ang isinumite ng ilang kumpanya upang harangin ang dagdag-sahod.
Sa huli, mariing nanawagan ang AMWEA sa pamahalaan na protektahan ang karapatan sa tamang sahod. Giit nila, hindi dapat payagang maging kasangkapan ang mga legal na teknikalidad upang pagkaitan ang mga manggagawang nagpapatakbo sa ekonomiya ng bansa.
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ช๐