Pangisda Pilipinas

Call Directions Contact the organization

Pangisda Pilipinas Ang PANGISDA - Pilipinas ay alyansa ng mga artisanal o small-scale, municipal at subsistence fishers at fisherfolk organizations.

Hindi lang karapatang pangkabataan ang dapat isinusulong natin lalo't ang pamahalaang mayroon tayo ay ginagawang negosyo...
29/08/2026

Hindi lang karapatang pangkabataan ang dapat isinusulong natin lalo't ang pamahalaang mayroon tayo ay ginagawang negosyo ang serbisyo para sa taumbayan. Ang ligtas na komunidad ay para sa lahat, ngunit kung karamihan sa mamamayang Pilipino ay sa lansangan naninirahan at hindi natatamasa ang karapatang pabahay saan nila mararamdaman ang tunay na tahanan sa bansang labanan ay kapangyarihan.
โ€Ž
โ€ŽSERBISYO SA TAO, HUWAG GAWING NEGOSYO!
โ€ŽLIGTAS NA KOMUNIDAD, KARAPATAN NG MAMAMAYAN!






27/08/2026
25/08/2026
25/08/2026

๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—”๐—ก!
๐—ช๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ,
๐—ธ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ธ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป!

Isang Maka-KALIKASANG araw! ๐ŸŒฟ

Inaanyayahan po namin kayong makiisa sa KILOS BULACAN, isang mapayapang pagkilos upang ipanawagan ang agarang pagtugon sa mga isyu ng baha, korapsyon, at reklamasyon.

๐Ÿ“… August 31, 2026
๐Ÿ•– 7:00 AM
๐Ÿ“ Malolos City Hall Amphitheater

Ang atin pong mga panawagan:

1. ITIGIL ANG REKLAMASYON! IHINTO ANG BULACAN AIRPORT PROJECT

2. TUTULAN ANG MGA PROYEKTONG SUMASAKAL SA ATING SAPA, ILOG AT IBA PANG MGA NATURAL NA DALUYAN NG TUBIG.

3. PAGBAYARIN ANG SAN MIGUEL CORPORATION NG DANYOS PERWISYO SA MGA SINASALANTA NG PAGBAHA AT PAGKASIRA NG KALIKASAN NG BULACAN!

4. IKULONG AT PARUSAHAN ANG LAHAT NG SANGKOT NA OPISYAL SA BULACAN AT NASYUNAL! ISOLI ANG LAHAT NG NINAKAW!

5. IPATUPAD ANG KOMPREHENSIBO, MAKA-KALIKASANG, AT MAKAMAMAYANG SOLUSYON SA PAGBAHA!

6. AGARANG KOMPENSASYON SA MGA BIKTIMA NG PAGBAHA - HINDI LIMOS!

7. TUGUNAN ANG KRISIS SA KLIMA!

KILOS BULACAN:
Wakasan ang Baha,
Korapsyon, at Reklamasyon!

Sana po ay makiisa at makadalo.
Sama-sama nating ipaglaban ang
ligtas at makakalikasang Bulacan. ๐ŸŒŠ๐ŸŒฑ

Pangisda Bulacan
Pagkakaisa ng mga samahan ng mga mangingisda - Pangisda Bulacan page

25/08/2026

Markahan mo na ang iyong kalendaryo! Dahil sa darating na ika-31 ng Agosto, maraming pasabog ang aasahan mo!

Bilang paghahanda para sa darating na World Habitat day ngayong taon, magsasama-sama ang mga kabataan handog ang โ€˜MAGKAKA-ATIP: Magkaisa Kabataan, para sa Karapatan at Pabahay!โ€™ Isang araw ng pagtatanghal, pag-aaral, diskusyon, at pagkakaisa para sa karapatan sa paninirahan.

Dahil naniniwala tayong sa gitna ng lumalalang krisis sa pabahay, dapat kasama ang kabataang tumindig sa usaping ito. 8.5 milyon ang walang bahay sa Pilipinas, lumalaki pa ang bilang nito taun-taon habang ang mga programa ng gobyernong nakatuon sa negosyo ay hindi layong solusyunan ang lumalalang krisis na ito.

Habang may pamilyang walang maayos bubong na masisilungan, habang marami ay nagsisiksikan, at habang hindi nakakamit ng mga maralitang Pilipino ang kanilang karapatan: sama-sama tayong manindigan para sa karapatan sa sapat na pampublikong pabahay.

Makiisa sa paglaban! Tara na sa August 31, 2026, 2:00โ€“7:00 pm sa CWP, #20 Domingo M. Guevara, Mandaluyong City, Metro Manila.




19/08/2026

"Kung nais nating ayusin ang asal ng kabataan, huwag nating simulan sa pag-atake sa g**o. Simulan natin sa pagtingin sa buong ecosystem na humuhubog sa bata.

Pamilya. Paaralan. Komunidad. Social Media. Kultura. Maraming salik. Maraming responsibilidad. Kaya maraming katuwang ang kailangan, hindi ang maghanap ng masisisi o scapegoat."

Arlene James S. Pagaduan
ASSERT National President

Tugon sa pahayag ni USec. Claire Castro na ang mga g**o pa ang nagtuturo sa kabataan na maging walang modo.



๐‹๐”๐๐Ž๐† ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐˜๐€๐€๐ ๐€๐“ ๐Š๐€๐“๐€๐Š๐’๐ˆ๐‹๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐€๐Sa tuwing humahagupit ang bagyo, kabilang ang mga mangingisda at maralita...
10/08/2026

๐‹๐”๐๐Ž๐† ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐˜๐€๐€๐ ๐€๐“ ๐Š๐€๐“๐€๐Š๐’๐ˆ๐‹๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐€๐

Sa tuwing humahagupit ang bagyo, kabilang ang mga mangingisda at maralitang komunidad sa pinaka bulnerable, nilulubog at winawasak ang tirahan at kabuhayan.

Ngunit hindi lamang bagyo ang dahilan.

Mas pinalalala ng mga proyektong tulad ng reklamasyon ang panganib sa mga komunidad na nasa baybayin. Binabago ang daluyan ng tubig, sinisira ang likas na proteksyon ng baybayin, at inilalagay sa higit na panganib ang tirahan at kabuhayan ng mga umaasa sa dagat.

Ngayon, habang maraming bayan ang lubog sa baha, hindi maaaring isisi lahat sa lakas ng bagyo. Ang paulit-ulit na pagkalubog ng mga komunidad ay sumasalamin sa kapabayaan ng pamahalaan na tiyaking ligtas ang mamamayan at mapangalagaan ang kanilang kabuhayan.

Hindi kalamidad ang dapat maging normal.
Hindi pagkawasak ang dapat tanggapin ng mamamayan.
Sa bawat pamilyang nawawalan ng tahanan, sa bawat mangingisdang nawawalan ng kabuhayan, at sa bawat komunidad na muling nilulubog ng baha

Itigil ang mga proyektong nagpapalala sa panganib!
Protektahan ang mangingisda at mga komunidad sa baybayin!
Panagutin ang pamahalaan sa kapabayaan at pagtaksil sa mamamayan.

Address

28 Akle Street, Brgy. Claro, Project 3, Diliman
Quezon City
1100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639089919595

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pangisda Pilipinas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Pangisda Pilipinas:

Shortcuts

Share