26/08/2026
[SURING PELIKULANG PILIPINO]
Para sa Buwan ng Wika 🇵🇭, inihahandog ng Ateneo
Film Organization ang pagsusuri ng apat na pelikulang
Pilipino 📽. Abangan ito tuwing Linggo lamang.
ANG PANGATLONG LINGGO
Wuthering Heights, Pero Pinoy
Noong Pebrero, ipinalabas ni Emerald Fennell ang kanyang adaptasyon ng Wuthering Heights, batay sa nobela ni Emily Brontë. Ang kwentong ito ay tungkol sa mala-trahedyang relasyon ni Cathy at Heathcliff, at ang siklo ng pang-aabuso sa kanilang pamilya. Ang nobela ay nananatiling klasiko at ang tema ay tumatatatak pa rin sa mga tao. Mula noong unang publikasyon, marami nang naging adaptasyon para sa larangan ng pelikula.
Ngunit, ang adaptasyon ni Emerald Fennell ay nagkaroon ng negatibong reaksyon mula sa mga kritiko at mga tagahanga ng nobela. Sa pananaw ko, makatwiran naman ang mga ito. Para sa akin, si Jacob Elordi at Margot Robbie ay “miscast” para sa karakter ni Heathcliff at Cathy dahil sa pagkakaiba ng hitsura kumpara sa mga inilarawan ni Emily Brontë sa kanyang nobela. Marami ring masasabi sa desisyon ni Emerald Fennell sa pagtanggal niya ng mga elemento sa kwento na tungkol sa siklo ng pang-aabuso at gawin kwento lang ng pag-ibig. Kaya, sa halip na panoorin ninyo ito, maaari kong imungkahi ang Hihintayin Kita sa Langit (1991), o ang Pilipino Wuthering Heights.
Magpatuloy basahin rito:
🔗 https://tinyurl.com/hihintayinkitasalangitsuri
🔗 https://tinyurl.com/hihintayinkitasalangitsuri
🔗 https://tinyurl.com/hihintayinkitasalangitsuri
Dibuho ni: Andie Becina
Isinulat ni: Meesha Dela Fuente