20/09/2026
๐ฃ๐๐-๐๐๐๐๐ - ๐๐ฆ๐๐๐๐๐ก๐ง๐ ๐ ๐๐ฆ๐ฆ๐๐๐ฅ๐
๐๐ข๐ฌ๐ข๐ด '72-'86 ๐๐ญ๐ถ๐ด๐ต๐ณ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐๐ฆ๐ณ๐บ๐ฆ #3
๐ฝ๐๐๐ผ๐ ๐ผ๐๐ ๐๐๐๐ผ๐, ๐๐๐ผ๐ ๐๐ผ๐ ๐ผ๐ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ ๐ผ๐๐ ๐๐๐๐ผ๐๐๐ ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐๐ผ๐๐ ๐๐๐๐ผ๐ฟ๐
Ika-20 ng Setyembre, 1985. Ikalawang araw ng welgang bayan sa bayan ng Escalante, Negros Occidental, laban sa diktadurang Marcos at pag-alala ng ika-13 simula ng ipataw ang Martial Law.
Bago pa man sumapit ang madugong araw na ito, isang buong magdamag na pagbabantay ang isinagawa ng mga mamamayan sa harap ng Escalante town hall. Nang sumapit ang ika-20, dumagsa ang mga manggagawang-bukid, magsasaka, mangingisda, g**o, mga miyembro ng simbahan, karamihan ay sacada, mamamayan at kasama ang ilang lider estudyante. May mga banner silang dala, mga talumpati, at sama-samang isinigaw ang kanilang mga panawagan.
Nakahanay laban sa kanila ang mga armadong sundalo, pulis, at Civilian Home Defense Force (CHDF). Mayroon pang nakahandang firetruck at machine gun pa sa bubong ng town hall. Sinimulan ng kanyon tubig ang pagsalakay, subalit hindi natinag ang linya ng mga nagprotesta. Sumunod ang tear gas, ngunit patuloy na naghawakan sa isa't isa ang mga nasa unahan, sabay sigaw ng "๐๐๐๐๐จ ๐๐ฉ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฉ๐๐๐ง ๐๐๐จ!"
Sa loob lamang ng isang oras pagkatapos ng tanghali, tumunog ang mga baril. Isang panig lamang ang bumaril โ mula sa CHDF, pulis, at mga militar. Agad na napaslang ang ilang manggagawang-bukid at isang lider estudyante. Sinubukan ng iba na tumakas patungo sa mga bukid ng tubo at palayan sa tabi ng town hall, ngunit hinabol pa rin sila at binaril. Dalawampu ang napaslang nang araw na iyon, karamihan ay may tama sa likod at tagiliran.
Isa ito sa pinakamadugong pahina ng kasaysayan ng Batas Militar sa Pilipinas, ang Escalante Massacre. Bunga ito ng matagal nang pang-aabuso ng estado at kapangyarihan ng mga haciendero sa Negros, kung saan iilang panginoong maylupa lamang ang nagmamay-ari ng lupa habang libu-libong sacada ang naiwang walang lupa, gutom, at pinagsasamantalahan.
Nang bumagsak ang presyo ng asukal noong huling bahagi ng 1970s, maraming manggagawang-bukid ang nawalan ng hanapbuhay, at libu-libong bata ang dumanas ng gutom at kamatayan. Sa gitna ng ganitong kahirapan, walang ibinigay ang rehimeng Marcos kundi karahasan. Sa halip na tugunan ang hinaing ng mamamayan, itinapon nila ang bala, tubig kanyon, at tear gas sa mga lumaban lamang para sa bigas at hustisya. Ganito kabagsik ang diktadura, isang rehimen na sinusuportahan ng mga panginoong maylupa gaya ni Armando Gustilo.
Ngayong ika-20 ng Setyembre, magbalik tanaw tayo sa dahas na ito. Sa ika-54 na taon ng paggunita ng deklarasyon ng Batas Militar, hindi natin dapat kalimutan ang dugong ibinuwis ng mga biktima ng Escalante. Ang pananahimik ay pagpayag sa muling pag-ulit nito.
Guhit nina:
Czeian Llamas
Noah Romblon
Kapsyon ni:
Shaine Mamon