Pegase Philippines

Directions

Pegase Philippines Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pegase Philippines, Nonprofit Organization, 1543 Quezon Avenue West Triangle, Quezon City.

PEGASE Project: Protecting Children in Southeast Asia 🌏
Operating in Cambodia, Laos, the Philippines, and Viet Nam, the project is dedicated to preventing and protecting children from violence, trafficking, and exploitation.

Ang kalusugan ng isang bata ay nagsisimula sa tahanan. Sa simpleng paraan ng pagpapanatili ng kalinisan, pagkain ng masu...
07/09/2026

Ang kalusugan ng isang bata ay nagsisimula sa tahanan. Sa simpleng paraan ng pagpapanatili ng kalinisan, pagkain ng masustansyang pagkain, sapat na pahinga, at regular na pangangalaga sa sarili, natutulungan natin ang mga bata na lumaking malakas, malusog, at handang matuto at makilahok sa kanilang komunidad.









World Humanitarian Day 2026 | Strengthening Global Solidarity and Empowering Local CommunitiesThis World Humanitarian Da...
19/08/2026

World Humanitarian Day 2026 | Strengthening Global Solidarity and Empowering Local Communities

This World Humanitarian Day, we recognize the courage and commitment of humanitarian workers, local responders, and communities who continue to protect and support people affected by crises.

“Strengthening Global Solidarity and Empowering Local Communities” reminds us that humanitarian action is strongest when communities are empowered to lead, respond, and protect one another. Local responders are often at the forefront of crises, carrying the greatest responsibility in providing support and protection to those in need.

As we stand in solidarity with humanitarian and aid workers, we also call for the protection of civilians, respect for international humanitarian law, and accountability for violations. Those who protect humanity must also be protected.

For children, solidarity begins with creating safe environments at school, at home, and in their communities. Every child has the right to be protected from violence, abuse, exploitation, and neglect, especially during times of crisis.

Let us strengthen local communities, support those on the frontlines, and work together to ensure that every child is safe, every community is empowered, and no one is left behind.

This World Humanitarian Day, let solidarity become action. Let communities lead. Let us protect those who protect humanity.

06/08/2026

Ang bawat bata ay may karapatang mabuhay nang malaya sa karahasan, pagsasamantala, at pamimilit. Ang mga tradisyon ay dapat magtaguyod ng dignidad at kapakanan ng mga bata. Hindi magdulot ng panganib sa kanilang kinabukasan.

Protektahan ang bawat bata. Wakasan ang maagang pag-aasawa ng bata.

Ang bawat araw ng pagpasok sa paaralan ay isang hakbang tungo sa pag-abot ng mga pangarap. Suportahan natin ang pag-aara...
04/08/2026

Ang bawat araw ng pagpasok sa paaralan ay isang hakbang tungo sa pag-abot ng mga pangarap. Suportahan natin ang pag-aaral ng bawat bata dahil ang edukasyon ay isang pamana na hindi kailanman mawawala. Ang bawat isa sa atin ay may tungkulin upang mabigyan ng kalidad na edukasyon ang mga kabataan.

Tungkulin ng Pamahalaan

Ang gobyerno ay may malaking tungkulin sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon para sa lahat. Kasama dito ang pagtitiyak na may sapat na paaralan, g**o, at kagamitan, pati na rin ang pagbibigay ng libreng edukasyon at mga programang sumusuporta sa mga kabataan, lalo na ang mga nasa mahihirap na komunidad. Tiyaking may pondo para sa edukasyon at hindi ito napupunta sa bulsa ng iilan. Dapat ding magpatupad ng mga polisiya na magpapalaganap ng pantay na oportunidad sa pag-aaral at protektahan ang karapatan ng mga bata na makapag-aral nang walang hadlang.

Tungkulin na mga Magulang

Samantala, ang magulang ay may pangunahing papel sa paghubog ng magandang kinabukasan ng kanilang mga anak. Sila ang unang g**o at tagapag-alaga na dapat nagsusulong ng kahalagahan ng edukasyon, nagbibigay ng suporta sa pag-aaral, at nagtuturo ng mga tamang asal. Mahalaga rin na maging mabuting halimbawa ang magulang sa kanilang mga anak sa pagpapahalaga sa edukasyon at pagsuporta sa kanilang mga pangarap.

Ang bawat bata ay may karapatang maging ligtas—offline man o online. Maging mapagmatyag, makinig, at kumilos upang mapro...
21/07/2026

Ang bawat bata ay may karapatang maging ligtas—offline man o online. Maging mapagmatyag, makinig, at kumilos upang maprotektahan sila laban sa online abuse at exploitation.Ang online safety ay nagsisimula sa tahanan. Maglaan ng oras upang kausapin ang iyong anak tungkol sa ligtas na paggamit ng internet. Sama-sama tayong protektahan sila sa digital na mundo.

Ngayong Pandaigdigang Araw Laban sa Child Labor, ating kinikilala ang pag-unlad sa pandaigdigang kampanya laban sa child...
12/06/2026

Ngayong Pandaigdigang Araw Laban sa Child Labor, ating kinikilala ang pag-unlad sa pandaigdigang kampanya laban sa child labor. Mula sa humigit-kumulang 215 milyong batang nasa child labor noong 2008, bumaba ito sa tinatayang 138 milyong bata noong 2024.

Gayunpaman, milyon-milyong bata pa rin ang napagkakaitan ng kanilang karapatan sa edukasyon, kalusugan, proteksyon, at maayos na kinabukasan. Ang child labor ay nagdudulot ng malnutrisyon, mabagal na paglaki, pinsala sa kalusugan, paghinto sa pag-aaral, at patuloy na siklo ng kahirapan at pagsasamantala.

Sama-sama tayong kumilos upang matiyak na ang bawat bata ay malaya sa child labor at may pagkakataong maabot ang kanilang buong potensyal at magkaroon ng karapatan sa isang ligtas at maunlad na kinabukasan.

Mag-ingat sa mga pangakong mukhang napakaganda para maging totoo.Ang mga trafficker ay gumagamit ng kasinungalingan at p...
02/06/2026

Mag-ingat sa mga pangakong mukhang napakaganda para maging totoo.
Ang mga trafficker ay gumagamit ng kasinungalingan at pekeng alok ng trabaho o mas magandang buhay upang manlinlang at magsamantala. Protektahan ang iyong sarili at ang mga bata—maging mapanuri at magsumbong sa kinauukulan kung may kahina-hinalang alok.

01/06/2026

Pag-aralan natin ang iba't ibang uri ng trafficking. Maging mapagmatyag sa mga pangyayari sa pamilya, barangay, at komunidad. Alamin ang mga senyales na maaaring trafficking na, tulad ng panghihikayat o kawalan ng kalayaan. Responsibilidad natin protektahan ang mga kabataan at kapwa. Magtulungan tayo upang masugpo ang trafficking at mapanatili ang kaligtasan. Sama-sama, kayanin nating gawing ligtas ang ating lipunan para sa mga bata.

25/05/2026

Protektahan natin ang bawat bata laban sa Child Trafficking. Sila ay dapat lumaki nang ligtas at may pag-asa sa buhay. Bilang isang komunidad, tungkulin nating maging mapagmatyag at kumilos laban sa anumang uri ng pang-aabuso at pagsasamantala para sa kanilang kaligtasan

TAYONG LAHAT AY MAY PANANAGUTAN AT RESPONSIBILIDAD!

Address

1543 Quezon Avenue West Triangle
Quezon City
1104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pegase Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share