08/08/2025
๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฆ ๐๐ก๐ฆ๐ง๐๐ง๐จ๐ง๐ ๐ข๐ ๐ง๐ฅ๐๐ก๐ฆ๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐๐ข๐ ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก๐๐ฅ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ง๐๐๐๐๐ข๐ ๐๐ง ๐ฆ๐๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ก๐ ๐ก๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐ง๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐จ๐๐ข ๐ก๐ ๐๐ข๐ ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐ข
Sa Serbisyo Sibil, kahingian hindi lamang ang sapat na kaalaman kundi ang angkop at mataas na kadalubhasaan sa larangang nais at tinanggap na paglingkuran. Ito ang batayang pamantayan para maituring na karapat-dapat sa isang posisyon ang indibidwal na opisyal na inaasahang mamuno at magbigay ng bisyon at plano ng aksiyon sa ahensiyang panggobyerno at mga gawain nito.
Ito kaipala ang malinaw na hindi natutugunan ng bagong hirang na komisyoner sa wikang TagalogโAtty. Marites Barrios Taranโna kasabayan ding naitalagang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Pangunahin sa mga gampanin ng KWF ang pakikipagtulungan sa mga kinatawan ng edukasyon, mga insitusyong pangwika at kultura, at pangkulturang pag-unlad ng ating bayan. Masalimuot itong sangkot sa sistema ng pagkatuto at napakaraming mag-aaral sa bansa na umaasa sa siyentipikong gabay at tumpak na direksiyong magmumula sa ahensiya. Mahalaga na matanggap ng puno ng ahensiya ang pagtitiwala at kapanatagang magmumula sa kalipikado at may bisyong lingkod-bayan.
Hiling na maisaalang-alang ang saloobin ng komunidad na makakasama ng higit na kalipikadong tagapangulo ng KWF. At hindi ito si Atty. Marites Barrios-Taran.
Bukod dito, nananawagan din kami sa malalimang imbestigasyon hinggil sa mga sigalot na nangyayari sa loob ng ahensiya. Kinakailangan ng ganap na paglilinis sa pamunuan upang higit na makaganap ang KWF sa mandato nito para sa kapakinabangan ng Wikang Pambansa.