CBA Sophomores 2526

CBA Sophomores 2526 This page is handled by the UP BAC 2526 Sophomore Batch Representatives.

PONDO SA EDUKASYON AT AGHAM DAGDAGAN, WAG BAWASAN! GAWING AKSESIBLE ANG DOST SCHOLARSHIP PARA SA MGA ISKOLAR NG BAYAN!Bu...
31/10/2025

PONDO SA EDUKASYON AT AGHAM DAGDAGAN, WAG BAWASAN! GAWING AKSESIBLE ANG DOST SCHOLARSHIP PARA SA MGA ISKOLAR NG BAYAN!
Buo ang suporta ng University Student Council, University Freshie Council, at League of College Councils sa panawagan ng sektor ng agham at teknolohiya para sa mas mataas at sapat na pondo at suporta. Mariing kinokondena ng konseho ang desisyon ng Department of Science and Technology (DOST) kamakailan na kalahati lamang sa inirekomendang listahan ng mga mag-aaral ng UP Diliman ang tatanggapin sa scholarship sa ilalim ng Accelerated Science and Technology Human Resource Development Program (ASTHRDP). Ayon sa inisyal na ulat ay mahigit 100 na estudyante ng College of Science ang apektado sa desisyong ito.
Hindi hiwalay ang sitwasyong ito sa mga pinapanawagan ng ating komunidad. Maitatahi ang isyung ito sa malaking kakulangan ng pondo sa pagpapaunlad ng agham at teknolohiya, katulad na lamang ng kakulangan din ng suporta ng estado sa sektor ng edukasyon at ng iba pang serbisyong pampubliko. Dagdag pa rito ay patuloy na humaharap ang mga Iskolar ng Bayan sa madalas at matagalang delays sa kanilang stipend na siyang nagpapahirap lalo sa kanilang pag-aaral.
Habang bilyon-bilyong kaban ng bayan ang ninanakaw ng mga despotiko, milyon-milyong Pilipino naman ang patuloy na ninanakawan ng pagkakataong magpalinang ng talino at kakayahan, at ng pagkakataong magpaunlad ng iba’t ibang larangan tulad ng agham at teknolohiya.
Higit na pundamental ang pagpapabuti ng agham at teknolohiya sa pagbubuo ng mga makamasang pambansang industriya na sumasagot sa pangangailangan ng sambayanan. Ngayon higit kailanman nararapat lamang na pataasin at gawing sapat ang suporta ng estado sa mga estudyante at mga propesyunal.
Kasama ang mga Siyentista ng Bayan, tumitindig at nananawagan ang konseho para sa mga sumusunod:
I-repaso ang desisyon ng DOST at tanggapin lahat ng mga nasa listahan
Lutasin ang mga hinaharap na problema sa stipend distribution at kakulangan sa sahod ng mga siyentista ng bayan
Gawing mas abot-kaya at aksesible ang dekalidad na edukasyon at pagsasanay
Ang kaban ng bayan ay nararapat mapunta sa mga batayang serbisyo, sa agham at teknolohiya, at sa edukasyon. Batayang karapatan ng mga kabataan at propesyunal ang mapondohan at malinang ang husay at talino para pag-unlad sa sambayanan.
WAKASAN ANG DELAYED NA SAHOD AT STIPEND!
IBIGAY ANG SAPAT NA SUPORTA SA AGHAM!
PONDO SA EDUKASYON AT INDUSTRIYALISASYON, HINDI SA KORAPSYON!
Lumagda sa petisyon rito: https://c.org/2tWgFPqZXZ

Ang Unibersidad ng Pilipinas ay nakikiisa sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng Undas. Sa bukod-tanging panahong ito ng pagdiriwang at pagninilay sa buhay ng mga santo at ng ating mga mahal na yumao, nawa’y patuloy nating maisapuso at maisabuhay ang kanilang mga iniwang aral.

30/10/2025

The Search Committee for the Deanship of the UP Diliman (UPD) Cesar E. A. Virata School of Business (VSB) invites the UPD community to a public forum on Nov. 10, Monday, from 9 a.m. to 12 p.m., at Room 104, VSB.

The interviews with stakeholders will be held on Nov. 11–13, 1–4 p.m., at Room 118, VSB.

To participate, register at https://bit.ly/VSBDeanship2025.

The links to the registration and nominees’ curricula vitae and vision/plans for the college may be found here: https://upd.edu.ph/2025-call-for-nominations-for-the-deanship-of-the-up-diliman-cesar-e-a-virata-school-of-business-schedule-of-activities/.

[BASE Games: Roster of Players]Who's that Pokemon? ✨ We've searched every region to find the very best that no one ever ...
30/10/2025

[BASE Games: Roster of Players]

Who's that Pokemon? ✨

We've searched every region to find the very best that no one ever was! It's time to check the Pokédex because we are officially introducing the incredible roster of players from CBA and SE, competing in the BASE Games 2025! 🏃🏻‍♂️

These players have been training relentlessly to evolve their skills and are ready to clash to Bring Home the Baecon! 🏆

Don't miss a single match. Show your Team Pride and support your squad in the biggest tournament of the year!

Want to witness the Gym Battle? RSVP now—you gotta catch 'em all!

Deadline for sign-ups is on November 5, 2025, Wednesday.

🔗 RSVP Link:
https://forms.gle/UaqWnf7uW7JDF9gBA
https://forms.gle/UaqWnf7uW7JDF9gBA
https://forms.gle/UaqWnf7uW7JDF9gBA

30/10/2025

The University of the Philippines President has issued a statement supporting the lawful exercise of constitutionally protected rights in recent protests.

Please read the statement in full below.

𝗕𝗔𝗞𝗜𝗧 "𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗪𝗔𝗡𝗔𝗚"? 🌟Sa ating layunin na maging konsehong tunay na kinatawan ng mga Negosyante ng Bayan, ang Tatag...
30/10/2025

𝗕𝗔𝗞𝗜𝗧 "𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗪𝗔𝗡𝗔𝗚"? 🌟

Sa ating layunin na maging konsehong tunay na kinatawan ng mga Negosyante ng Bayan, ang Tatag ng Liwanag ay nagbibigay-kahalagahan sa pagiging matatag at maaasahang gabay para sa sangkaestudyantehan.

Una, ang Liwanag ay kumakatawan sa paninindigan ng mabuting pamamahala, kung saan sinasalamin nito ang patuloy na pagsulong ng transparensiya at pananagutan sa loob ng konseho hanggang sa ating gobyerno.

Sa kabilang banda, ang Katatagan ay sumasagisag sa tungkulin nating panatilihin ang kredibilidad ng konseho sa paningin ng sangkaestudyantehan sa kasalukuyan at mga susunod na termino, upang matiyak ang pagpapatuloy ng isang palaban at makamasang pamantayan ng serbisyo.

25/10/2025
ISKOLAR NG BAYAN, BAWAL MANAHIMIK!Nananatiling bulag ang Rehimeng Marcos Jr. at paksyong Duterte sa galit ng mamamayan l...
16/10/2025

ISKOLAR NG BAYAN, BAWAL MANAHIMIK!

Nananatiling bulag ang Rehimeng Marcos Jr. at paksyong Duterte sa galit ng mamamayan laban sa korapsyon! Ngunit nagkakamali sila kung inaakala nilang mananahimik ang kabataan habang patuloy na ninanakawan ng bilyon-bilyong piso ang taumbayan.

Tumatakbo ang oras, pero wala pa ring napapanagot. Namamatay at nagugutom ang mamamayan, nagpapakasaya pa rin ang mga pulitko sa kanilang mga pwesto.

Ngayon, higit kailanman, kailangan ang mas matatag na pagkakaisa at malawakang pagkilos sa buong bansa. Patuloy ang paniningil!

Iskolar ng Bayan, mag-walkout sa National Youth Day of Action ngayong October 17!

Sumali sa Coordination GC: https://m.me/ch/Abbxl5JrBSzlGlUO/

Tuloy-tuloy ang protesta para sa pananagutan. Singilin si Marcos Jr. na hari ng korapsyon!
Marcos-Duterte, parehong kurakot, pasista, at pahirap sa masa, alisin! Bulok na sistema, baguhin!

22/09/2025

Address

University Of The
Quezon City
1106

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CBA Sophomores 2526 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share