19/09/2026
HINDI TAHIMIK ANG KABATAAN. HINDI TAHIMIK ANG KABABAIHAN AT SANGKABAKLAAN.
Kahapon, Setyembre 18, kasama ang Gabriela Youth UP Diliman sa mahigit 3,000 Iskolar ng Bayan na lumabas sa lansangan upang manindigan laban sa korapsyon, pandarambong, budget cuts, at kawalang pananagutan ng estado. Sa pagkilos, iginiit ni Gabriela Youth UP Diliman Secretary General at University Student Council Gender and Development Councilor:
โKaya naman, mga kababaihan at sangkabaklaan, ang lugar mo ay wala sa gilid ng kasaysayan, kundi sa unahan ng pakikibaka.โ
Mula sa walkout na nangyari nung nakaraang taon, wala pa din ang napapanagutan sa anomalyang Flood Control Projects. Ibinabaon ng estado sa limot ang mga usapin ng pandarambong, korapsyon, at pananagutan. Ngunit patuloy na minumulto ang sambayanang Pilipino ng katiwalian at karahasan ng diktadurang Marcos Sr., habang nagpapatuloy ang mga patakarang nagpapahirap at nang-aapi sa mamamayan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Habang ipinagkakait sa kabataan ang sapat na pondo para sa edukasyon, patuloy nating nasasaksihan ang panunupil sa mga Iskolar ng Bayan, pagnanakaw sa pondong dapat nakalaan para sa batayang serbisyo at mga opisinang pangkasarian, pangangamkam ng lupa mula sa mga magsasaka at maralitang lungsod, at pagpapanatili ng mga patakarang pabor lamang sa iilang naghaharing-uri na papet ng imperyalistang Estados Unidos.
Malinaw ang tindig ng kabataang kababaihan at sangkabaklaan: maging mulat, mapanuri, at hindi makakalimot. Tangan natin ang kalahati ng kalangitan at ang diwang palaban. Hindi dapat burahin sa kasaysayan ang mga krimen, pang-aabuso, at kawalang pananagutan na patuloy na nararanasan ng mamamayan.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐!
Hindi nagtatapos sa walkout sa pamantasan ang laban. Sa Setyembre 21, Martial Law Commemoration muli nating dalhin sa lansangan ang ating paninindigan.
๐ฃ SEPT 21 - ML @ 54:
3 PM, Liwasang Bonifacio
Sulong, Gabriela! Lumaban, Makibaka! Abante, Babae! Palaban, Militante! โ๐