06/10/2026
Kasama ng mas malawak na hangaring isulong ang katarungang panlipunan, buong tapang na ihinahandog ng UP Kalilayan ang…
𝗧𝗔𝗚𝗜𝗦𝗔𝗡 𝟰𝟭 – 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡: 𝗥𝗲𝗶𝗻𝗳𝗼𝗿𝗰𝗶𝗻𝗴 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗦𝘁𝗿𝘂𝗴𝗴𝗹𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗝𝘂𝘀𝘁𝗶𝗰𝗲 𝗮𝗺𝗶𝗱 𝗣𝗼𝗹𝗶𝘁𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻
Sa isang bayang ang tinig ng masa ay sinasalubong ng alingawngaw ng mga bala, matikas ang barikada bilang sagka sa pang-aapi — at sa likod nito ay ang kabataang hindi na muling magpapagapi.
𝗣𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻. 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻. 𝗡𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻. Ito ang mukha ng Tagisan 41. Sa temang “PAGHASA NG BAYAN: Reinforcing Youth Participation in the Struggle for Social Justice amid Political Repression,” sisiyasatin ng Tagisan 41 ang iba’t ibang anyo ng pampulitikang panunupil na sumisikil sa malayang pagkilos, pagpapahayag, at pakikilahok ng sambayanang Pilipino, gayundin ang papel ng kabataan sa pagsusulong ng katarungang panlipunan.
Hindi na bago sa kasaysayan ng Pilipinas ang kabataang nangungunang hamunin ang sistema. Mula sa Propaganda Movement laban sa kolonyalismong Kastila, sa mga pagkilos ng kabataan noong First Quarter Storm ng 1970 [1], hanggang sa tuloy-tuloy na laban sa mga mobilisasyon gaya ng Trillion Peso March, naging mahalagang puwersa ang kabataan sa pagsusulong ng mga panawagang panlipunan.
Sa lansangan, sa loob ng mga organisasyon at pamayanan, sa pamamahayag at pananaliksik, sa sining at edukasyon, at maging sa mga digital na espasyo, patuloy na isinasabuhay ng kabataan ang kanilang karapatang makilahok, magpahayag, mag-organisa, at manindigan sa mga usaping buhay at bayan ang nakataya. Sa iba’t ibang anyo ng pagkilos na ito, nananatiling mahalaga ang kolektibong pagtindig bilang pagpapamalas ng kapangyarihan ng masa.
Subalit, kasabay ng pag-usbong ng kamalayang panlipunan ay ang mga puwersang nagtatangkang sumupil dito. Nanunuot sa pampublikong diskurso ang “red-tagging,” media censorship, intimidasyon, pagbabanta, at iba pang anyo ng represyon. Isang kahihiyan na 13 taon nang nangunguna ang Pilipinas sa Asya bilang “deadliest country” para sa mga tagapagtanggol ng kalikasan at lupang ninuno [2]. Samantala, patuloy ring ibinabansag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) bilang mga terorista ang mga iskolar ng bayan, mga grupo ng kabataan, mamamahayag, at mga lider-estudyante, na higit pang pinalala ng mapaniil na Anti-Terrorism Act sa ilalim ng administrasyong Duterte [3]. Lahat ng ito ay para lamang busalan ang bibig ng mga yaong pumapalag sa palyadong sistema ng lipunan.
Sa social media, talamak naman ang panunuya ng ilang netizens at trolls sa mga aktibista at organisador sa pamamagitan ng mga popular na linyang gaya ng “Corned beef,” “NPA,” “Mamundok na kayo,” at iba pa [4]. Ipinapakita lamang nito ang halaga sa kasalukuyan ng pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino kung gaano kapanganib ang pagbibitaw ng mga salitang ito.
Ipinupukol ng Tagisan ngayong edisyon ang pagmulat sa mga kabataan sa mukha ng pampulitikang panunupil at ang pagpanday ng sama-samang paninindigang hindi kailanman pasisindak sa anumang uri ng pagpapatahimik.
Higit sa isang patimpalak, tuloy ang mahabang misyon ng Tagisan na magsilbing espasyo para 𝗵𝗮𝗺𝗶𝗴𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 pasulong, 𝗵𝗮𝘀𝗮𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 nang hindi na magpagapi, at 𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸𝘁𝗮𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘁𝘀𝘂𝗹𝗼𝗸, tiyaking ang pamahalaan ay tunay na nagsisilbi.
Kaakibat ng mas malawak na hangaring pag-aralan ang lipunan,
Mula sa mga pag-asa ng bayan.
Para sa mga pag-asa ng bayan.
Handa nang hasain ang bayan.
Sanggunian:
[1] Richmond Uy. (2020, November 30). History of Filipino Youth Activism: An Overview. Anakbayan Toronto. https://anakbayantoronto.com/2020/11/30/history-filipino-youth-activism/
[2] Cruz, J. P. (2026, September 17). PH still deadliest country in Asia for environmental defenders for 13th straight year. Rappler. https://www.rappler.com/philippines/deadliest-country-asia-environmental-defenders-2025/
[3] Human Rights Foundation. (2024, October 18). Red-tagging in the Philippines: A license to kill - human rights foundation. Human Rights Foundation. https://hrf.org/latest/red-tagging-in-the-philippines-a-license-to-kill/
[4] Gorecho, D. (2026, July 23). Red-tagging the traditional lightning rallies during UP graduation. BusinessMirror. https://businessmirror.com.ph/2026/07/24/red-tagging-the-traditional-lightning-rallies-during-up-graduation/
Presented by:
UP Kalilayan
Co-presented by:
Quezon Science High School
Brought to you by:
Proventures Printing Corp.
Rebisco
UP Kalilayan Alumni Association
In partnership with:
JPSPA-NCR
UP IBALON
UP Aguman
UP CRAdLe
UP Harong
In cooperation with:
ACCESS DLSU
UP IE Club
PAFT-Alpha
Our Media Partners:
Altermidya
Explained PH
INQUIRER
Now You Know PH
Sentinel Times
WhenInManila.com