Coalition of Services of the Elderly, Inc.

Coalition of Services of the Elderly, Inc. A non-government organization in the Philippines working with older persons since 1989. (COSE).

This is the official page of the Coalition of Services of the Elderly, Inc. We have also created a page dedicated to our Typhoon Haiyan Emergency Programme with HelpAge International. You can check our activities and field stories here: https://www.facebook.com/helpagecose

Ang Coalition of Services of the Elderly (COSE) ay nakikiisa sa mga 4th-year students ng Far Eastern University–Manila s...
30/03/2026

Ang Coalition of Services of the Elderly (COSE) ay nakikiisa sa mga 4th-year students ng Far Eastern University–Manila sa kanilang pag-aaral na pinamagatang:“Exploring Ambiguous Loss among Adult Children with Alzheimer’s Disease–Affected Parents.”

Layunin nitong maunawaan ang karanasan ng mga anak na pangunahing tagapag-alaga ng magulang na may Alzheimer’s disease.

Maaaring sumali ang:
• May magulang na na-diagnose ng Alzheimer’s disease
• Kasama sa bahay ang magulang at ikaw ang pangunahing tagapag-alaga
• May sarili nang pamilya (may anak, partner, o pareho)
• Hindi bababa sa 3 taon nang may Alzheimer’s ang magulang
• Ang magulang ay 65 taong gulang pataas

Kaugnay nito, hinihiling ang inyong tulong sa pagpapalaganap ng pag-aaral upang makahanap ng mga posibleng kalahok (tingnan ang kalakip na larawan para sa detalye).

Ang pagsali ay boluntaryo at mananatiling kumpidensyal ang lahat ng impormasyon, alinsunod sa Data Privacy Act (RA 10173), at gagamitin lamang para sa layuning akademiko.

Para sa interesadong lumahok, makipag-ugnayan sa research team gamit ang contact details sa publication material.

Inaanyayahan ang lahat na suportahan ang mga ganitong inisyatiba na nagpapalalim ng pag-unawa sa caregiving at sa emosyonal na karanasan ng mga pamilyang may mahal sa buhay na may Alzheimer’s disease.

We’re Hiring!Ang Coalition of Services of the Elderly, Inc. (COSE) ay patuloy pa ring naghahanap ng dedikado at may mala...
19/03/2026

We’re Hiring!

Ang Coalition of Services of the Elderly, Inc. (COSE) ay patuloy pa ring naghahanap ng dedikado at may malasakit na mga indibidwal na nais gumawa ng tunay na pagbabago sa buhay ng mga nakatatanda.

Available Positions:
1. Project Coordinator
2. Community Development Officer (CDO)
3. Finance Assistant – 1 posisyon | Quezon City

Kung ikaw ay may puso sa serbisyo at nais maging bahagi ng organisasyong kumikilos para sa kapakanan ng mga nakatatanda, baka ikaw na ang aming hinahanap!

Para sa karagdagang detalye at application, i-click ang mga sumusunod na link:
1. bit.ly/4qK2IsM para sa Project Coordinator
2. bit.ly/4qO5duf para sa Community Development Officer
3. bit.ly/4rVfrK5 para sa Finance Assistant

Magtatapos na ngayong Abril 2026 ang proyekto ng COSE sa Camarines Sur, ngunit tuloy-tuloy pa rin ang mga aktibidad. Bil...
19/03/2026

Magtatapos na ngayong Abril 2026 ang proyekto ng COSE sa Camarines Sur, ngunit tuloy-tuloy pa rin ang mga aktibidad. Bilang bahagi ng quarterly meeting at refresher session ng Homecare Volunteers ng Munisipyo ng Minalabac, ipinahayag nila ang kanilang pasasalamat sa COSE at ang kanilang commitment na ipagpatuloy ang homecare assistance program.

Mula sa COSE, kami rin po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng Homecare Volunteers ng Del Gallego, Minalabac, Pamplona, at Sipocot sa inyong dedikasyon at malasakit sa mga nakatatanda.

Ang gawaing ito ay bahagi ng proyektong ipinatutupad ng COSE, sa suporta ng Federal Ministry for Economic Cooperation and Development (BMZ), HelpAge Deutschland, at Aktion Deutschland Hilft, sa apat na munisipyo sa Camarines Sur.

Follow and subscribe to the COSE page and COSE YouTube Channel (Coalition of Services of the Elderly, Inc.) upang maging updated sa iba’t ibang proyekto at inisyatibo ng COSE sa Camarines Sur, Northern Samar, Batangas (Laurel), at Greater Manila Area.

We’re Hiring!Ang Coalition of Services of the Elderly, Inc. (COSE) ay patuloy pa ring naghahanap ng dedikado at may mala...
13/03/2026

We’re Hiring!

Ang Coalition of Services of the Elderly, Inc. (COSE) ay patuloy pa ring naghahanap ng dedikado at may malasakit na mga indibidwal na nais gumawa ng tunay na pagbabago sa buhay ng mga nakatatanda.

Available Positions:

1. Project Coordinator

2. Community Development Officer (CDO)

3. Finance Assistant – 1 posisyon | Quezon City

Kung ikaw ay may puso sa serbisyo at nais maging bahagi ng organisasyong kumikilos para sa kapakanan ng mga nakatatanda, baka ikaw na ang aming hinahanap!

Para sa karagdagang detalye at application, i-click ang mga sumusunod na link:

1. bit.ly/4qK2IsM para sa Project Coordinator

2. bit.ly/4qO5duf para sa Community Development Officer

3. bit.ly/4rVfrK5 para sa Finance Assistant

Marami pong salamat sa mga Grade 12 students, sa pangunguna ng kanilang g**o na si Ma'am Kyle Vergel de Dios ng Dominic ...
13/03/2026

Marami pong salamat sa mga Grade 12 students, sa pangunguna ng kanilang g**o na si Ma'am Kyle Vergel de Dios ng Dominic Institute of Science and Technology – MUZON Campus, sa inyong pagbisita at pagbibigay saya sa mga Nanay sa Group Home. Ang inyo pong malasakit, pakikinig sa kanilang mga kuwento, at pagbabahagi ng inyong oras ay napakalaking bagay para sa mga Nanay.

Ang Group Home ay community-based residential care facility ng COSE na matatagpuan sa San Jose del Monte, Bulacan.

#

Dahil magtatapos na ngayong Abril 2026 ang proyekto ng COSE sa Camarines Sur, isinasagawa na ang Municipal Linking and L...
12/03/2026

Dahil magtatapos na ngayong Abril 2026 ang proyekto ng COSE sa Camarines Sur, isinasagawa na ang Municipal Linking and Learning. Layunin ng gawaing ito na ibahagi ang mahahalagang karanasan at natutunan mula sa tatlong taong proyekto, pati na rin tukuyin kung paano maipagpapatuloy ang mga inisyatiba ng COSE.

Ang gawaing ito ay bahagi ng proyektong ipinatutupad ng COSE, sa suporta ng Federal Ministry for Economic Cooperation and Development (BMZ), HelpAge Deutschland, at Aktion Deutschland Hilft, sa apat na munisipyo sa Camarines Sur.

Follow and subscribe to the COSE page and COSE YouTube Channel (Coalition of Services of the Elderly, Inc.) upang maging updated sa iba’t ibang proyekto at inisyatibo ng COSE sa Camarines Sur, Northern Samar, Batangas (Laurel), at Greater Manila Area.

Bahagi ng mga activities sa Pagkalinga Center ang Art Therapy Sessions. Sa pamamagitan nito, natutulungan ang mga kliyen...
11/03/2026

Bahagi ng mga activities sa Pagkalinga Center ang Art Therapy Sessions. Sa pamamagitan nito, natutulungan ang mga kliyente na mapanatiling aktibo at matalas ang kanilang kaisipan. Nakakatulong din ito upang mapabuti ang konsentrasyon at pagkamalikhain at maipahayag nila ang kanilang damdamin.

Ang Pagkalinga Center na matatagpuan sa Barangay Polangi, Catarman, Northern Samar ay isang pasilidad na naglalaan ng pangangalaga at makabuluhang mga aktibidad para sa mga nakatatanda, lalo na sa mga may maagang senyales ng dementia.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng proyekto ng COSE sa Northern Samar na “Regional Programme for Elderly in Asia,” na sinusuportahan ng Federal Ministry for Economic Cooperation and Development (BMZ) at Caritas Germany.

Follow and subscribe to the COSE page and YouTube Channel (Coalition of Services of the Elderly, Inc.) upang maging updated sa iba’t ibang proyekto at inisyatibo ng COSE sa Camarines Sur, Northern Samar, Batangas (Laurel), at Greater Manila Area.

Patuloy ang ginagawang pagbisita ng mag-asawang homecare volunteers na sina G. at Gng. Danilo at Delia Tarroza sa piling...
05/03/2026

Patuloy ang ginagawang pagbisita ng mag-asawang homecare volunteers na sina G. at Gng. Danilo at Delia Tarroza sa piling nakatatanda sa Malitbog, Minalabac, Camarines Sur.

Layunin ng pagbisita na i-monitor ang blood pressure, sugar, timbang, at iba pang vital signs ng nakatatanda.

Ang gawaing ito ay bahagi ng proyektong ipinatutupad ng COSE, sa suporta ng Federal Ministry for Economic Cooperation and Development (BMZ), HelpAge Deutschland, at Aktion Deutschland Hilft, sa apat na munisipyo sa Camarines Sur.

Follow and subscribe to the COSE page and COSE YouTube Channel (Coalition of Services of the Elderly, Inc.) upang maging updated sa iba’t ibang proyekto at inisyatibo ng COSE sa Camarines Sur, Northern Samar, Batangas (Laurel), at Greater Manila Area.

Pinangunahan ni Nurse Regiemil Tagros Daria ng Rural Health Unit ng Catarman ang Health Monitoring noong February 2026 s...
04/03/2026

Pinangunahan ni Nurse Regiemil Tagros Daria ng Rural Health Unit ng Catarman ang Health Monitoring noong February 2026 sa mga client ng Pagkalingan Center.

Bukod sa chest x-ray, tinulungan din ang mga kliyente na ma-update ang kanilang enrollment sa PhilHealth Yakap Program upang masig**o na mayroon silang akses sa mga libreng gamot.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng proyekto ng COSE sa Northern Samar na “Regional Programme for Elderly in Asia,” na sinusuportahan ng Federal Ministry for Economic Cooperation and Development (BMZ) at Caritas Germany.

Follow and subscribe to the COSE page and YouTube Channel (Coalition of Services of the Elderly, Inc.) upang maging updated sa iba’t ibang proyekto at inisyatibo ng COSE sa Camarines Sur, Northern Samar, Batangas (Laurel), at Greater Manila Area.

Patuloy ang ginagawang pagbisita ng mga care workers sa mga nakatatada na may high care needs, kagaya ng mga may kapansa...
02/03/2026

Patuloy ang ginagawang pagbisita ng mga care workers sa mga nakatatada na may high care needs, kagaya ng mga may kapansanan, may early signs of dementia, limited mobility, at may sakit. Layunin na pagbisita na makapaghatid ng home-based caregiving services katulad ng iba't ibang cognitive development activities for dementia (storytelling at memory recall exercises), hygiene care, mobility assistance, housekeeping, at basic vital signs recording.

Ang gawaing ito ay bahagi ng proyektong Regional Programme for Elderly in Asia na ipinatutupad ng COSE sa iba't ibang munisipyo sa Northern Samar, sa suporta ng BMZ at Caritas Germany.

Follow and subscribe to the COSE page and YouTube Channel (Coalition of Services of the Elderly, Inc.) upang maging updated sa iba’t ibang proyekto at inisyatibo ng COSE sa Camarines Sur, Northern Samar, Batangas (Laurel), at Greater Manila Area.

Matagumpay na naisagawa ang Public Forum on Intergenerational Solidarity noong Pebrero 23–24, 2026. Dinaluhan ito ng iba...
27/02/2026

Matagumpay na naisagawa ang Public Forum on Intergenerational Solidarity noong Pebrero 23–24, 2026. Dinaluhan ito ng iba’t ibang organisasyon na miyembro ng National Movement of Older Persons, mga grupo ng kabataan, ahensya ng pamahalaan, akademya, mga kasapi ng COSE Board of Trustees, at iba pang stakeholders.

Layunin ng gawaing ito na: (a) mapataas ang kamalayan sa mga benefits/advantages ng intergenerational solidarity, gayundin sa mga isyu at kakulangan na kaugnay nito, (b) maibahagi ang mga intergenerational good practices, (c) mas mapagtibay ang ugnayan at pakikipagtulungan sa pagitan ng mga organisasyon at ahensya, at (d) makabuo ng praktikal at workable plan upang maisulong ang intergenerational collaboration at solidarity.

Ang gawaing ito ay bahagi ng proyekto ng COSE, sa suporta ng Misereor, na “Strengthening a Confederation of Older Persons Towards Fostering Age-Friendly Communities in the Greater Manila Area, Philippines”.

Bilang bahagi ng pagpapalakas ng organisasyon, muling binalikan at ni-review ng mga lider ng Older Persons Organizations...
26/02/2026

Bilang bahagi ng pagpapalakas ng organisasyon, muling binalikan at ni-review ng mga lider ng Older Persons Organizations (OPO) ang kani-kanilang Vision, Mission, and Goals (VMG) at maging ang Constitution and By-Laws.

Layunin ng gawaing ito na: (a) siguraduhin na ang mga lider at miyembro ay may parehong pagkakaunawa sa VMG ng organisasyon, (b) suriin kung ang VMG ay naaayon pa rin sa kasalukuyang sitwasyon, mga proyekto, at pangangailangan ng mga miyembro, at (c) matiyak na ang lahat ng plano at gawain ay naka-align sa strategic direction ng organisasyon.

Ang gawaing ito ay bahagi ng proyektong ipinatutupad ng COSE, sa suporta ng Federal Ministry for Economic Cooperation and Development (BMZ), HelpAge Deutschland, at Aktion Deutschland Hilft, sa apat na munisipyo sa Camarines Sur.

Follow and subscribe to the COSE page and COSE YouTube Channel (Coalition of Services of the Elderly, Inc.) upang maging updated sa iba’t ibang proyekto at inisyatibo ng COSE sa Camarines Sur, Northern Samar, Batangas (Laurel), at Greater Manila Area.

Address

29A Magiting Street, Teacher's Village East, Diliman
Quezon City
1101

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Coalition of Services of the Elderly, Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Coalition of Services of the Elderly, Inc.:

Share