SKEPTRONs of Urban Payatas

Call Directions

SKEPTRONs of Urban Payatas ALPHA KAPPA RHO - Skeptrons of Urban Payatas Official Page. Alpha Kappa Rho

In behalf of our brethren PAYATAS COMMUNITY SKEPTRON, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga Kapatid, bisita...
10/08/2026

In behalf of our brethren PAYATAS COMMUNITY SKEPTRON, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga Kapatid, bisita, kaibigan, supporters, at mga nakibahagi sa matagumpay na pagdiriwang ng ALPHA KAPPA RHO – 53rd Founding Anniversary, na ginanap noong August 8, 2026 sa Narra Covered Court, Payatas, Quezon City.

Bagama’t tayo ay sinalubong ng malakas na ulan at hindi magandang panahon, hindi nito napigilan ang ating pagkakaisa at kasiyahan. Sa kabila ng hamon ng panahon, naging maayos, masaya, ligtas at matagumpay ang ating selebrasyon—mula sa paghahanda, pagsasagawa ng programa, hanggang sa matagumpay na pagtatapos nito. At higit sa lahat, walang naging reklamo na problema o malaking aberyang nakasira sa ating pagdiriwang.

Lubos na pasasalamat sa lahat ng kapwa Officers ng Payatas Community Skeptron, sa pangunguna nina Payatas B Community HGS Brod Jhames Ian at lalo na kay Payatas B Community Event Coordinator Brod Ferdie Capalos, na buong pusong naglaan ng panahon, pagod, talento at dedikasyon para maisakatuparan ang mahalagang okasyong ito ng aming Kapatiran.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa aming mga kalapit na Community na nakipagtulungan at naging katuwang, gayundin sa bawat indibidwal na nagpaabot ng tulong, suporta, oras at presensya most specially sa TEAM MG, na walang sawang sumuporta at nagtitiwala. Maraming salamat din sa iilan sa ating mga Public Servant ng Barangay Payatas na nagpaabot ng kanilang ibinahagi na pag-alalay upang maging posible at matagumpay ang aming 53rd Founding Anniversary. Ang bawat kontribusyon—malaki man o maliit—ay naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng ating selebrasyon.

Ang tunay na sukatan ng isang matagumpay na selebrasyon ay hindi lamang nasusukat sa laki o ganda ng programa, kundi sa pagkakaisa, pagtutulungan, respeto at malasakit ng bawat isa. At sa araw na iyon, pinatunayan nating kahit iilan lamang at kahit anong pagsubok ang dumating—kahit ulan o bagyo—kapag nagkakaisa ang mga Kapatid, walang unos na makapipigil sa ating pagkakapatiran.

Di ko na iisa-isahin pa, basta't sa lahat ng mga umalalay, dumalo at naging bahagi ng makasaysayang araw na ito, maraming, maraming salamat po. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang ating pagdiriwang upang patuloy nating isabuhay ang pagkakaisa, pagkakapatiran, serbisyo, respeto at malasakit sa isa't isa.

53 YEARS OF FRATERNITY, HUMANITARIAN SERVICES, UNITY AND LEGACY.

Mabuhay ang Alpha Kappa Rho!
Mabuhay ang Payatas Community Skeptron!
Mabuhay ang bawat Kapatid na naging bahagi ng ating bawat tagumpay!

ALPHA KAPPA RHO (AKRHO) — ONE FRATERNITY, ONE FAMILY, ONE LEGACY.

🤟🏼Longlive Yaaan!💙

07/08/2026

AKTIBO KA MAN O HINDI. HWAG KANG KJ, PABEBE, PA-IMPORTANTE O MAGTANGA-TANGAHAN DYAN!. KAPATIRAN ANG MAY ANNIV' DI MO BIRTHDAY!.

20/07/2026

📣Brod and Sis, alam mo ba ang latest?.
Nasa comment ang link para maiba naman at ng mapa-indak ka!🤟
⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️

17/07/2026

Yow' may bagong kanta nasa Comment para sa mga Brod at Sis na matitibay!
⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️

HAPPY HOLIDAYS MGA KAPATID AT MGA KA-LUGAR!. TAYO PO AY MAG-INGAT NAWA SA PAGSALUBONG SA PANIBAGONG TAON🤟🎉
31/12/2025

HAPPY HOLIDAYS MGA KAPATID AT MGA KA-LUGAR!. TAYO PO AY MAG-INGAT NAWA SA PAGSALUBONG SA PANIBAGONG TAON🤟🎉

08/12/2025

Pahinga at abala man ang karamihan sa iba't ibang personal na buhay at mga gawain.
Happy 7th Year Anniversary sa lahat ng originally SKEPTRONs of Urban Payatas Chapter. Manatiling mabuting ehemplo na ang sentro ay nag iisang Diyos, para sa Pamilya, para sa Eskwela at Propesyon, para sa Bayan at Komunidad at lalong-lalo na maging sa ating mga Kapwa.

🤟Long Live!❤️

Address

Lupang Pangako, Barangay Payatas
Quezon City
1119

Telephone

+639101599956

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SKEPTRONs of Urban Payatas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share