29/11/2025
500 Pesos kasya ba talaga?
Siguro nga kakasya naman
Kung 3-4 lang kayo sa pamilya at isang klaseng pag kain lang,
But it's a matter of Mind setting
Masyado ng matagal na ang pinoy ay FINANCIAL Illiterate,
Laging nakukulong sa Salitang, PWEDE NA YAN, KASYA NA YAN,
Parang isang sikat na kasabihan
Pag maiksi Ang kumot matutong mamaluktot,
Pero baka Pwdeng baguhin,
pag maiksi Ang kumot Matutong bumili ng bago
Juan 10:10b
Naparito ako (Jesus) upang ang mga tupa’y magkaroon ng buhay -isang buhay na ganap at KASIYA-SIYA (happy/fulfilled)
Gusto din ni Lord maging GANAP AT MASAYA ka
Hindi ko Sinabing wag Kang makontento sa 500
Magpasalamat ka Kung may 500 ka parin
Pwede ka naman tlgang maging masaya sa 500
Atleast may pag kain parin
Kung Ayan lng tlga meron sa NGAYON,,
Pero Tandaan
Magkaiba Ang Kontento sa Kampante
Pwede kang makontento sa meron ka ngayon
Pero wag Kang makakampante hanggang 500 ka lang
Pangarap ka na bagay ka din sa 5,000, 50,000
Kaylangan makita mo din bagay ka sa 5,000,
Bagay ka din sa 50,000 bagay ka din sa 5M :)
Matutong mag-Budget,
Magtrabaho, mag-Ipon
Pangarap at umabot ng Pangarap,
Wag maging 1 day millionaire, matutong magpaikot ng Pera
Para sa mga susunod na event ng buhay mo, hindi ka na pang 500 :)