Ateneo Para sa Bugsuk

Ateneo Para sa Bugsuk Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ateneo Para sa Bugsuk, Youth Organization, Katipunan Avenue, Quezon City.

APARSUK is a student-led initiative at Ateneo de Manila University that aims to take part in the Sambilog-Balik Bugsuk Movement with the goal of returning 10,821 hectares of Bugsuk land in Palawan to Indigenous Peoples and farmers.

Ang halaga ng pag-aaral ay nasa pakikibahagi sa mga isyung panlipunan!Sa gitna ng puspusang pagsasanay sa loob ng uniber...
05/05/2026

Ang halaga ng pag-aaral ay nasa pakikibahagi sa mga isyung panlipunan!

Sa gitna ng puspusang pagsasanay sa loob ng unibersidad para sa kinabukasan, hindi dapat maisantabi ang saysay ng pakikialam sa danas ng iba't ibang sektor na bumubuo sa lipunan, lalo na't sunod-sunod ang pagkasa ng mga direktibang nais palabnawin ang gampanin ng edukasyon na humubog ng mga kritikal, nakikisangkot, at mapanuring mamamayan ng bansa. Mapagyayaman lamang ang pag-aaral ng teorya at pananaliksik kung maiuugnay ito sa pampublikong buhay at mailalapat para iangat ang kagalingang panlipunan pati integridad at dignidad ng tao.

Bunsod nito, hatid ng UP Para sa Bugsuk Network (UPARSUK) ang isang talakayan kasama mismo ang mga taga-Bugsuk mula sa Sambilog - Balik Bugsuk Movement. Sa natatanging oportunidad na ito, pag-uusapan ang mga partikular na hamon sa pamumuhay ng mga katutubo buhat ng panghihimasok ng mga mapanirang proyekto ng mga pribadong entidad. Dito, lilinawin din ang papel lalo na ng mga kabataan para manindigan laban sa karahasan, diskriminasyon, at paglabag sa karapatan ng katutubong populasyon.

Matuto nang sama-sama at itaguyod ang kolektibong interes ng mga mamamayan ng Bugsuk. Narito ang mga detalye ukol sa ganap:

🗓️ May 8, 2026 (Biyernes)
⌛ 12:30 PM–3:30 PM
📍 CSSP Health & Wellness Center (3rd Floor, Pavilion 1, Palma Hall, UP Diliman)

Bukas ang programa para sa lahat ng miyembro ng pamantasan. Dumalo at magpadalo!

In partnership with:
UP Anthropology Society
UP Palaweños
UP CSSP Student Council
UP Diliman University Student Council

Also brought to you by:
Ateneo Para sa Bugsuk (APARSUK)
Sambilog - Balik Bugsuk Movement




BALIKAN: Noong Martes, Abril 14, opisyal na ikinasa ng UP Para sa Bugsuk Network - UPARSUK ang kauna-unahan nitong RTR o...
19/04/2026

BALIKAN: Noong Martes, Abril 14, opisyal na ikinasa ng UP Para sa Bugsuk Network - UPARSUK ang kauna-unahan nitong RTR o room-to-room discussion sa iba't ibang klase sa loob ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Kasama mismo ng pormasyon ang mga lokal na mamamayan ng Sambilog - Balik Bugsuk Movement na walang sawang nag-aalay ng lakas at oras para ihayag ang kanilang mga karanasan.

Layunin ng kampanyang ito na himukin ang mga kabataan na makisangkot at manindigan para sa kapakanan ng mga pamayanang kultural ng bansa. Kasama rin sa naging agenda ang paghikayat para sa idaraos na Grand Educational Discussion hatid mismo ng UPARSUK. Sa nalalapit na ika-4 ng Mayo, magkakaroon ng talakayan ukol sa kahalagahan ng pagtitipon laban sa walang katarungang panghihimasok ng mga ganid na pwersa sa lupa ng mga katutubo.

Ipagpapatuloy ang pagkalampag para sa karapatan! Hindi hihinto ang pakikibaka para sa lupang ninuno!

19/04/2026

𝗧𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗟𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗛𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗘𝗫𝗛𝗜𝗕𝗜𝗧!

Nakakuwentuhan ko ang mga katutubo ng Isla Marihangin sa Palawan sa kanilang exhibit sa UP Diliman.

Hanggang ngayon, ang mga katutubong Molbog, Cagayanen, Palaw’an at mga residente ng Isla Marihangin ay patuloy na tinatakot at pinapalayas mula sa kanilang mga tahanan.

Masaya ang puso kong nakita muli ang mga lider ng Sambilog at maimbita sa kanilang buhay sa pamamagitan ng mga litrato.

Nagfile ang Akbayan Reform Bloc ng resolution para paimbestigahan ang harassment na nangyayari sa mga taga-Marihangin.

Suportahan natin sila. Bistahin natin ang Solod Kaw: A Not for Sale Exhibit sa UP College of Fine Arts Gallery.

Ang iba pang mga detalye ay narito: https://www.facebook.com/share/p/1BVdNzCWar/?mibextid=wwXIfr


TINGNAN: Inilunsad ang photo exhibit na pinamagatang “Isang Pagpapatulóy, Isang Pagpapatúloy"  nitong ika-8 hanggang ika...
19/04/2026

TINGNAN: Inilunsad ang photo exhibit na pinamagatang “Isang Pagpapatulóy, Isang Pagpapatúloy" nitong ika-8 hanggang ika-18 ng Abril sa UP Fine Arts Gallery, tampok ang kuwento ng paglaban ng mga katutubong Molbog sa kanilang lupang ninuno.

Bahagi ang naturang exhibit ng matagal nang kampanya ng mga katutubo laban sa kaliwa’t kanang pagtatangka ng mga korporasyon na kamkamin ang kanilang lupain, kabilang na ang Sitio Marihangin, at mga isla ng Bugsuk at Pandanan sa Palawan.

Inaasahan na magkakaroon pa ng dalawang iterasyon ang exhibit, ngunit hindi pa tiyak kung kailan ito isasagawa.

Kuha ni James Caponpon

Bumisita ang mga mag-aaral ng APARSUK kanina sa Solod Kaw exhibit! 💗 Ang exhibit ay isang malaking bagay sa patuloy na p...
17/04/2026

Bumisita ang mga mag-aaral ng APARSUK kanina sa Solod Kaw exhibit! 💗 Ang exhibit ay isang malaking bagay sa patuloy na pagpapalaganap ng kuwento at laban ng Bugsuk. ✊️

Ang pagkakapresenta ng kuwento ng Sambilog–Balik Bugsuk Movement ay isang paalala ng tapang at pagkakaisa ng mga komunidad na patuloy na lumalaban para sa kanilang lupaing ninuno. 🌿

Kung nais pa ninyong makilala nang mas malalim ang mga miyembro, ang kanilang tahanan, kabuhayan, at ang lupaing ninuno na ating ipinaglalaban, inaanyayahan namin kayong bumisita sa exhibit:

🕘 Tuesday to Saturday | 9:00 AM – 4:00 PM
📌 Gallery Two, UP Fine Arts Gallery (Parola)

Hanggang April 20 na lamang po ang exhibit sa UP Fine Arts Gallery (PAROLA), kaya huwag nang palampasin! Isama ang inyong mga kaibigan at kapamilya. Kita-kits! ✊🏽




🌿Paanyaya pa sa Exhibit 🌿Inaanyayahan ng Ateneo Para sa Bugsuk ang lahat na dumalo sa mga natitirang araw ng "Solod Kaw:...
15/04/2026

🌿Paanyaya pa sa Exhibit 🌿

Inaanyayahan ng Ateneo Para sa Bugsuk ang lahat na dumalo sa mga natitirang araw ng "Solod Kaw: Isang Pagpapatulóy, Isang Pagpapatúloy," isang photo exhibit sa UP Fine Arts Gallery.

Exhibit Details:
🗓 Dates: April 8–20, 2026
📍Venue: Gallery Two, Arts and Design West Hall, College of Fine Arts
🕘 Schedule: Tuesday to Saturday, 9:00 AM to 4:00 PM

Ipinapakita ng exhibit ang kuwento ng paglaban ng mga komunidad ng Marihangin, Sebaring, Bugsuk, Pandanan, Tagnato, Puring, at Buliluyan para sa kanilang lupaing ninuno!

Maraming salamat po sa Fair Finance Philippines sa inyong pag-imbita sa APARSUK na maging bahagi ng proyektong ito. 🙏

Dumalo po tayo at magpadalo!


Through human barricades and mass campaigns, jailed indigenous rights defender Oscar Pelayo Sr., 65, armed the Molbog co...
15/04/2026

Through human barricades and mass campaigns, jailed indigenous rights defender Oscar Pelayo Sr., 65, armed the Molbog community with nonviolent methods of struggle. The same was not offered to him when he was beaten up in 2006, and when he was deceived and arrested May 2025.

Oscar, more fondly known as Ondo, was a pillar of the Molbog community. He organized several forms of action against the encroachment of San Miguel Corporation, Bricktree Properties, and Jewelmer Corporation. These corporations have long targeted Sitio Marihangin for their eco-tourism projects and pearl farming grounds.

Because he fought these intrusive attempts, Ondo became a target of repression, later leading to his incarceration. Ondo is still in the Iwahig Penal Farm and Prison for trumped-up cyanide fishing charges since May 2025. One of his children, Ann, told the Collegian that Ondo breaks down when she visits him every month. Yet most of what they talk about still revolves around the island and its communities’ campaigns.

“Ikamusta mo na rin ako sa lahat ng taga-isla, … mahal na mahal ko kayong lahat,” a written correspondence from June 2025 between Ondo and Ann reads.

READ: https://phkule.substack.com/p/behind-bars-oscar-pelayo-watches

Tuloy-tuloy ang pagkalap ng tulong para sa nalalapit na Grand Educational Discussion sa buwan ng Mayo! Bilang paghahanda...
10/04/2026

Tuloy-tuloy ang pagkalap ng tulong para sa nalalapit na Grand Educational Discussion sa buwan ng Mayo!

Bilang paghahanda, handog ng UPARSUK ang ilang produkto para makalikom ng pondo para sa operasyon ng gagawing talakayan. Halina't bumili at tikman ang aming Ube Halaya at Chocolate Chip Cookies! ✨🎉

Para sa mga nais mag-order, mangyari lamang na i-scan ang QR Code sa kalakip na imahe o sagutan ang link: tinyurl.com/UPARSUKPre-Orders. Maaari ring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng pag-chat sa aming page.

tinyurl.com/UPARSUKPre-Orders
tinyurl.com/UPARSUKPre-Orders
tinyurl.com/UPARSUKPre-Orders

Panoorin po ang kuwento ng Sambilog-Balik Bugsuk Movement! Tayo po ay kasama sa Catholic Social Teaching na Solidarity! ...
04/04/2026

Panoorin po ang kuwento ng Sambilog-Balik Bugsuk Movement! Tayo po ay kasama sa Catholic Social Teaching na Solidarity! 🌿🌿🌿

It's time to binge-watch all your favorite Kapuso programs LIVE on Kapuso Stream! Catch our Kapuso shows here by subscribing to the GMA Network's official Yo...

📢 EXHIBIT ANNOUNCEMENTJoin us for "Solod Kaw: Isang Pagpapatulóy, Isang Pagpapatúloy," a photo exhibit showcased at the ...
31/03/2026

📢 EXHIBIT ANNOUNCEMENT

Join us for "Solod Kaw: Isang Pagpapatulóy, Isang Pagpapatúloy," a photo exhibit showcased at the UP Fine Arts Gallery.

Exhibit Details:
🗓 Dates: April 8–20, 2026
📍Venue: Gallery Two, Arts and Design West Hall, College of Fine Arts
🕘 Schedule: Tuesday to Saturday, 9:00 AM to 4:00 PM

Please note that the gallery is closed on Sundays, Mondays, and holidays. Plan your visit accordingly.

This exhibit is a spectral reconstruction of 1975 Bugsuk and the memories and struggles of Cagayanen, Molbog, and Palaw’an families from seven communities leading the long-standing resistance under the Sambilog - Balik Busuk Movement: Tagnato, Puring, Buliluyan, Marihangin, Pandanan, Bugsuk, and Sebaring. The photographs will visually articulate how the fight to reclaim ancestral domain is intrinsically woven into the communities’ everyday existence and cultural identity. The project aims to counter corporate misinformation by providing authentic, community-driven documentation.

Fair Finance Philippines (FFPh) is conducting a divestment campaign to oppose the ongoing commercial developments in Barangay Bugsuk, Balabac, Southern Palawan. FFPh supports the call of Sitio Marihangin residents for corporations and financial institutions to divest from harmful projects that contribute to human rights violations and displacement of indigenous communities from their ancestral lands.

Admission is free. We look forward to welcoming you.

Address

Katipunan Avenue
Quezon City
1108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ateneo Para sa Bugsuk posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share