04/07/2026
PINAKAMATAAS NA PAGKILALA AT PAGPUPUGAY SA MGA NAGSIPAGTAPOS! โค๏ธโ๐ฅ
Taos-pusong pagbati ang ipinapaabot namin sa ating mga nagsipagtapos ngayong ika-4 ng Hulyo, 2026. Habang tinatahak niyo ang mga bagong yugto ng inyong buhay, buong-puso niyong dalhin at pagyamanin ang mga aral at pagpapahalagang nahubog sa loob at labas ng pamantasan.
Ipagpatuloy niyo ang pagpapatambol ng mga kampanyang nagsusulong ng kapakanan ng mamamayan, panatilihing nakaugat ang inyong propesyon sa mga batayang sektor at gamitin ang inyong kaalaman upang paglingkuran ang sambayanan. Higit sa lahat, patuloy niyong isabuhay ang mga aral ng dangal, husay at serbisyo bilang mga Iskolar ng Bayan. ๐ป
Muli, taimtim na pagbati sa ating mga nagsipagtapos!
PADAYON, MGA BAGONG HEOGRAPO NG BAYAN!
HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO AT MAUREEN SANTUYO!
HUSTISYA PARA SA TOBOSO 19!
๐ผ๏ธ : Ureil Toledo, Drake Panlaqui, & Rian Maculado
โ๏ธ: Geomajie Core Group