08/09/2026
Pagdiriwang ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria
Sa banal na araw na ito, Setyembre 8, buong kagalakan nating ipinagdiriwang ang Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, ating Ina at Reyna. Nawa’y ang kanyang kababaang-loob, matibay na pananampalataya, at wagas na pagmamahal sa Diyos ay magsilbing inspirasyon sa ating lahat upang manatiling tapat sa ating misyon ng paglilingkod, malasakit, at pagkakaisa.
Nawa’y patuloy na gabayan at ipanalangin ng Mahal na Birheng Maria ang bawat miyembro ng St. Michael D’Archangel Riders Club Inc., ang ating mga pamilya, at ang lahat ng ating pinaglilingkuran. Sa pamamagitan ng kanyang maka-inang pamamagitan, nawa’y lagi niya tayong akayin palapit sa kanyang Anak na si Hesukristo.
Maligayang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria!
Viva Maria! Aba Ginoong Maria! 🙏💙⚜️